A/N:
E N J O Y T H E S T O R Y****************
"Millie bilis." sigaw sa akin nang kaibigan kong si Myca.
"Ha!Hindi kuna kayang tumakbo pa." sigaw ko habang hinahabol ang paghinga.
"Bilisan mo baka maabutan tayo nang lalaking yun." sigaw niya nauuna siyang tumakbo sa akin kaya naman kailangan niyang sumigaw para marinig ko.
Hingal na hingal kaming nang makarating sa harap nang school.Bigla nalang kaming hinabol kanina nang isang armadong lalaki kaya naman ang dapat na lakad lang papuntang school ay naging takbo na.
"May ideya kaba kung sino ang humabol sa atin?" tanong niya sa akin habang pinupunasan niya ang mga pawis na nasa kanyang mukha.
"Wala." sabi ko.
"Ano naman kayang kailangan niya sa atin?" pagtatanong niya.
"Hindi ko alam" tipid na sagot ko.
"Sana hindi na niya tayo nasundan" pagsasalita ni Myca na ngayon ay naglalagay naman nang ano ano sa mukha niya foundation ata ang tawag doon at liptint naman para sa labi niya
"Sana." sabi ko.
"Magkano pagsasalita mo nang mahaba?" pabalang na tanong ni Myca sa akin.
Napatawa naman ako sa sinabi niya "Walang bayad" simpleng sagot ko.
"Eh wala naman pala, magsalita ka naman nang mahaba,Umagang umaga mapapanis laway mo niyan." tuloy tuloy na sabi niya na kitang kita naman sa kanya ang inis.
"Haha!Nakakatamad magsalita." nakangusong tugon ko.
Sinimulan ko nang maglakad papunta sa classroom namin dahil baka malate pa kami.Agad agad din naman sumunod si Myca kaya sabay kaming nakarating.
Hindi pa man kami nakakapasok classroom ay rinig na rinig na namin ang ingay sa loob kaya malamang sa malamang ay wala pa ang prof namin.
Pagbukas nang pinto ay agad kong nakita ang ginagawa nang mga kaklase kong lalaki.Halos ang buong classroom ay napuno nang mga papel dahil sa pagbabatuan nang mga kaklase kong lalaki mula sa likod.
Nahati pa sila sa dalawang grupo na para bang naglalaban talaga.Ang ginawa niyang mga panangga ay ang aming mga lamesa.Kung titignan mo sila para lamang silang mga grade one na pinayagan nang mga magulang na maglaro pero ang totoo ay fourth year na sila na may kanya kanya nang mga girlfriend/jowa.
"Mga lalaki nga naman oh,May mga girlfriend na't lahat lahat at yung iba ay nakabuntis na pero kong umasta parang mga grade one." Nakataas na kilay na sabi ni Myca habang tinititigan ang mga lalaki sa likod na nagpapatuloy parin sa paglalaro.
"May kanya kanya tayong personalidad Myca." sabi naman ni Gab na ngayon ay relax na relax na nakaupo habang nakadekwatro pa.
"Tama" sabi ko.
"Kahit na dapat ilugar naman nila ang kanilang ugali sa kung anong edad na nila." inis na sabi ni Myca.
"Tama" sabi ko ulit.
"Bakit ba prinoproblema mo sila Myca atsaka ikaw naman Millie wala na bang ihahaba yang sagot mo" pareho niya kaming binigyan nang masamang tingin ni Gab.
"Nakakaperwisyo kaya sila.Nasa kanila ang desk at upuan naming dalawa ni Millie kaya hindi kami makaupo" sabi ni Myca na ngayon ay tinignan nanaman nang masama ang mga kaklase naming patuloy na nagbabatuan nang mga piraso nang papel.
"Pag dumating na ang prof natin hindi lang sila ang mapapagalitan kundi tayong lahat" tugon ko kay Gab.
"Ikaw pa naman ang president" pabulong na sabi ni Myca pero mukhang narinig ni Gab iyon kaya agad siyang nagreact.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomansaAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...