HALM 25

38 24 0
                                    

Tumigil ang mundo ko nang marinig ang pangalan ni Papa.At paulit ulit na tumatatak sa akin ang narinig ko na pinaguusapan nila commander.Hindi ako makagalaw kung saan ako nakatayo at dahan dahan na naghihina ng mga tuhod ko na kahit anong oras man ay babagsak na.At ang daan daang mga karayom ang para bang tumutusok sa puso na napakasakit.Ang mga luhang naguunahan sa paglabas ay walang tigil na para bang meron silang sarili ng isip na labas nang labas.Sinubukan kong maglakad pero isang hakbang palang ay bumigay na ang mga paa ko kaya naman napaupo ako sa damuhan.Agad na lumapit sa akin sina Gab para alalayan ako sa pagtayo pero hindi na kaya nang mga paa ko.Dahan dahan kong tinignan ko Myca na ngayon ay nasa harapan ko at mabilis na pinupunasan ang mga luhang takas mula sa kanya.Tinignan ko siya na parang isang batang namamalimos na naghihingi nang pera sa bangketa.Nagtagal pa ang pagtitig ko sakanya hanggang nagsalita siya.

"Condolence"mahinang tugon niya habang umiiyak na nakahawak sa mga kamay ko.Mahina akong napatawa nasisiraan na ata ako nang ulo.

"Ano ba yan,August pa birthday ko ang aga niyo naman akong iprank"patawang tugon ko na umiiyak.

"Totoo ang narinig mo"tugon nang kakarating lang na tao na siyang nagtext sa akin at sinabing pumunta ako ngayon dito.Agad ko siyang nilapitan kahit walang lakas ang mga paa ko.Hinawakan ko ang magkabilang braso niya aqt niyogyug iyon.

"Paano nangyare iyon"garalgal na tugon ko kay Nurse na ngayon ay umiiyak na din.Hinawakan niya din ang mga braso ko at hinila para mayakap niya ako at ang kaninang iyak lang ang naging hagulgol na.

"Pasensiya kana,naging pabaya kasi kaming mga Nurse dito kaya nangyare ang lahat nang ito,Dahil sa mga dumaraming mga pasyente ang pumapasok dito ay naging doble na ang trabaho namin.At ang isang Nurse ay nakaligtaan niyang icheck ang Men building kung saan nandoon ang papa mo.Merong isang pasyente ang naghamok kagabi tumakas siya sa silid niya,lahat nang mga kasama niya sa floor na iyon ay sinaktan niya at kasama na doon ang papa mo na grabe ang ginagawa sakanya.Hindi ka pa sana namin tatawagin dahil alam namin na napakasakit para sayo ang nangyare nandito ang mga magulang mo kaya naisip namin na hindi mo kakayanan,pag nalaman mo pero nakunsinsya na ako na hindi ko pagsabi sayo kaya agad agad kitang tinext para malaman mo.At isa na din kung bakit hindi ko sinabi dahil ayaw kong putulin ang kasiyahan mo na unti unti nang gumagaling ang Mama mo."pagpapaliwanag ni Nurse Lai habang magkayakap kami.Hindi parin pumapasok sa utak ko lahat nang mga sinabi ni Nurse Lai.Para lang itong isang panaginip na napakasama.Ang daya naman nakita ko palang si papa kahapon nang binisita ko siya tapos hindi ko alam na kinagabihan pala nun ay may nangyare sakanya.Sana pala tinagalan ko ang pagbisita sakanya kahit na tinalikuran na niya ako kahapon ay matagal ko sana siyang pinagmasdan.Yun na pala ang huli namin pagkikita na buhay siya sana nakapagpicture pa kami.Natagalan ang pagyayakapan namin dahil wala na lakas ang katawan ko at yakap nalang ni Nurse lang nagpapanatili sa akin sa pagtayo.Siguradong bagsaka ako pagkumalas ako sa yakap namin.

Halos basang basa na ang uniform ni Nurse Lai sa luha ko.Ewan ko ba halo halo na may sipon,may luha.Habang umiiyak ako sa balikat ni Nurse Lai ay naramdaman ko nalang na may apat na ibang ibang kamay ay humahagod sa likod ko.

"Papa"mahinang tugon ko habang nakayuko sa balikat ni Nurse Lai.

"Gusto mo ba siyang makita?"biglang tanong ni Nurse kay na nagpatigil sa pagiyak ko at tinignan ko siya.

"Nasaan siya"walang buhay kong tanong sakanya habang tumitigil sa pag iyak.Tingin ko kasi ay mauubusan na ako nang maiiyak mamaya pag nakita ko siya.

"Nasa loob siya"tugon ni Nurse Lai at kumalas na sa pagyakap sa akin.Dahan dahan kong tinignan ang building na nasa harapan namin ngayon.Kumapit ako sa kamay ni Myca at Kuya Czean habang dahan dahan na naglalakad papalapit doon.Habang nasa likuran namin sina Gab at Nurse Lai.Palapit kami nang palapit sa pintuan ay parang naghihina ako ayaw kong makita si papa na nakahiga doon habang maputla na ang mga labi at malamig na katawan na.Gusto kong makita yung papang nakikipaglaro lang sa gilid nang kwarto niya tapos lalapit sa akin pagtatawagin ko,yung sisitain niya ako na wag maingay dahil baka magalit yung kalaro niya.Mas gusto ko yung matadnan ko.Inalis nang mga pulis ang nakaharang sa pintuan nito para bigyan kami nang daan.Nang nasa harap na kami nang pintuan ay ayaw kong humakbang papunta sa loob.Tumingin ako sa likuran ko kung nasaan si Nurse Lai para sabiin sana na ayaw ko nang bigla nahagip nang tingin ko si Manong guard na nakasama ko kahapon sa loob.Yung binisita niya sa loob ang asawa niya.Ganun nalang lalo ang naging lungkot ko nang makita siyang umiiyak sa sulok nang damuhan na hindi kalayuan dito sa pintuan.Mukhang kasama din ang misis niya sa nagyareng kagabi kaya siya umiiyak ngayon.Naputol ang tingin ko nang kalabitin ako ni Myca at tumango sa akin na hudyat na papasok na kami sa loob.Dahan dahan akong naglalakad habang nasa gilid ko parin sina Myca para alalayan ako.Nang makapasok na kami ay natadnan namin ang mga pulis na abalang abalang naguusap habang may mga iba naman mga pulis ang abala sa isang taong nakabulagta sa sahig habang duguan ang paligid.Hindi ko maaninag kung ano ang itsura nang nakahiga dahil sa paglalabo nang mga mata ko buhat nang pagiyak ko kanina pa.Tumigil muna kami sa paglalakad nang makalapit na kami sa mga pulis na abala at doon kuna makita nang mas malapitan ang kanina pang pinagkakaabalaan nang mga pulis.Hindi ko alam na ganito ko siya ulit makikita nakahiga sa malamig na sahig habang nababalutan nang dugo na nanggagaling mula sa kanyang tagiliran,ang kanyang labi na napalaputla na at kahit na hindi mo siya hawakan ay mapapansin muna kung gaano siya kalamig.Hindi maalis ang tingin ko sakanya na para bang hindi ko kayang lumingon dahil gusto ko lang siyang titigan nang matagal kahit na masakit para sa akin.Hindi ko pinangarap na makita ang sarili kong tatay na nakabulagta ngayon.Kahit na hindi ko tignan ang mga kasama ko ay alam kong umiiyak din sila ngayon,malungkot din siya gaya ko.Naramdaman ko na dahan dahan akong binibitawan nila Kuya Czean at Myca na para bigyan ako nang hudyat para lumapit sakanya kahit na ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.Mabilis akong naglakad papalapit sakanya at agad na lumuhod.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now