HALM 19

36 24 6
                                    

Ilang minuto pa akong naghintay at dumating din si Kai para sunduin ako.Nandito kami ngayon sa daanan para sunduin naman si Gab ang akala ko kanina ay ako ang huli nilang susunduin pero nagulat nalang ako kanina nang pinagbuksan ako ni Kai nang pintuan at nagulat ako nang walang katao tao sa likod nang sasakyan.

"Diba malapit lang ang subdivision ni Gab sa inyo,bakit hindi mo siya inuna"tugon ko kay Kai na ngayon ay busy sa pagmamaneho.

"Pumunta ako sa bahay nila pero ang katulong lang ang humarap sa akin,sabi nasa mall daw si Gab kaya ikaw na inuna ko"tugon niya.

Kilalang kilala ko talaga ang dalawang iyon.Basta talaga may pupuntahan ay sa Mall sila didiretso atsaka pag nasuot na nila ang isang damit hindi na nila pwedeng isuot ulit iyon.Parang mga artista ang dalawang iyon pero kung sabagay ay may pera naman silang mga pambili.

"Ah ganun ba"mahinang tugon ko at binaling nalang ang tingin sa labas.

"You look good"tugon niya na pasulyap sulyap sa akin.

Napayuko naman ako at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.Napakasarap na pinupuri ka feeling ko ay napakaganda ko talaga.At ayaw kong ipakita ang pamumula nang pisngi ko.

"Thank you"tugon ko.

"Welcome"nakangiti tugon niya habang nakatuon ang tingin sa daanan.

Binalot kami nang katahimikan matapos ang paguusap namin na iyon.Siya ay busy sa pagmamaneho habang ako naman ay natingin lang sa labas at tinitignan ang mga dinadaanan namin.

"Kailan uuwi ang parents mo?"biglang basag niya sa katahimikan.

Kailan nga ba sila uuwi?Hindi ko alam eh ang doctor lang ang nakakaalam kung kailan sila makakauwi.Sana tumawag nalang si Nurse Lai isang araw at sasabiin na makakauwi na sila.

"Hindi ko alam"malungkot na tugon ko habang nakatulala.

Bigla nalang niyang tinabi ang kotse niya sa gilid at may kinuha sa likod nang sasakyan.Hindi ko nakita kong ano ang kinuha niya dahil nakatingin pa din ako sa harap.Nang matapos na niya makuha ang kailangan niya sa likod ay may inabot siya sa akin na agad ko naman tinignan.

Isang panyo

Tatanungin ko sana siya kung bakit niya ako binibigyan nang panyo nang maramdaman ko nalang na basa na pala ang pisngi ko nang mga luhang na hindi ko man lang naramdaman.Kinuha ko ang panyo at pinunas sa pisngi ko pero ang kaninang patak patak lang na mga luha ay naging sunod sunod at hindi na mapipigilan.Para itong may mga sariling isip na bigla nalang malalaglag.

"I'm sorry I shouldn't have asked you about your parents."tugon niya na ngayon ay tinitignan akong punasan ang mga luha ko.

Tinignan ko siya"Hindi okay lang naman na tanungin mo ako pero pag talaga pamilya na ang pinaguusapan,medyo mahina ako"tugon ko at ngumiti para ngumiti na din siya kitang kita ko kasi sa mga mata niya na guilty siya.

Hindi naman ako nabigo dahil ngumiti na din siya matapos ko siyang bigyan nang ngiti.Pinunasa kuna ang huling luha ko at huminga nang malalim para kumalma ako.Hindi ako pwedeng umiyak dahil baka mahalata nila na umiyak ako atsaka may pupuntahan kami ngayon ayaw ko naman na magmukhang bungisngis mamaya.

"Tara na sunduin na natin sina Gab"tugon ko sakanya na agad naman niyang binuhay ang makina at nagsimula na ulit kaming magbyahe.

"You're still beautiful even you are crying"tugon niya nang nakatingin.

Bigla ko naman siyang pinalo sa braso"Hindi ako natawa sa joke mo Kai"tugon ko sakanya kahit na may parte sa akin na masaya dahil ngayon lang ata may nagsabi sa akin na maganda ako kahit na umiiyak.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now