"Dali na anak kwentuhan mo na ako"pagpupumilit ni Mama sa akin na ngayon ay hinahawak hawak pa ang braso ko.
Kanina niya pa ako pilit na pinapakwento kung ano ba ang nangyare sa date "kunno" naming dalawa ni Kai.Pagkagising ko palang ay hindi na niya ako tinatantanan hanggang sa mag aalmusal na ako.
"Wala naman nangyare Ma,kumain kami atsaka namasyal bumili din ng mga magustuhan namin doon.Tapos pagkaalis naman sa Mall naglakad lakad lang."tugon ko habang nilalagyan ng gatas ang aking cereals na aking almusal ngayon.
"Boring naman,eh ano naman ang ginawa niyo habang naglalakad kayo"tugon ni Mama na binigyan ako ng tingin na "Ano ang pinagusapan niyo look".
"Wala"tugon ko at umupo na sa upuan para kumain na. Si mama naman ay agad naman tumabi sa akin at tinitigan nanaman ako ng nakakaloko.
"Anak,nanay mo ako kaya okay lang na magsabi ka ng mga bagay bagay,at pwede din naman ng mga sekreto mo"tugon ni Mama na may pahaplos pa sa aking kamay.
Binitawan ko muna ang kutsara na sana ay isusubo kuna at tumingin kay Mama ng diretso.
"Ma,kung may sasabihin man po ako sainyo ay agad agad ko na itong sasabihin pero wala po talaga. Wala po special na nangyare sa amin ni Kai kahapon,kumain lang kami na parang magkaibigan"tugon ko kay Mama.
"kaIBIGAN"pagtatama ni Mama.
"Ma naman eh"tugon ko sabay yuko dahil medyo kinilig ako ng kunti doon.
Bigla naman akong kinurot ni Mama sa braso kaya napasigaw ako doon kahit hindi naman talaga masakit.
"Wag mo nga akong pinaloloko Millie,kilala kita alam ko na may gusto ka kay Kai at si Kai ay may gusto din sayo kaya wag mong sabihin na kumain lang kayo kahapon ah"tugon ni Mama sa akin. Totoo naman na wala naman kaming ginawa kundi ang kumain lang pero syempre meron din naman ako.
*FLASHBACK
"Bakit dito tayo kumain"tanong ko sakanya ng makapasok kami sa restaurant kung saan kami pumunta noon.
"Ayaw mo ba,masarap naman ang mga pagkain dito ah"tugon niya na ngayon ay siya ang nauuna sa paglalakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
Nagulat ako ng papunta kami sa pwesto kung saan ang pwesto namin dati ng kumain kami. Pinaupo niya muna ako bago siya umupo sa aking harap.
"Anong gusto mong kainin"tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin.
"Kahit ano,wala akong pera kaya libre mo nalang"tugon ko ng tuloy tuloy.
"Ako ba hindi mo tatanungin kung anong gusto kung kainin?"bigla niyang tanong sa akin kaya naman nahiya din ako kaya tinanong kuna siya.
"Anong gusto mong kainin?"tanong mo sakanya.
Ngumiti muna siya ng napakalawak at sabay tingin sa akin.
"Hindi ano,kung di sino"tugon niya na parang sexy pa ang boses niya.
Agad kung dinampot ang tinidor na nasa malapit sa akin at sabay tusok sakanya iyon ang loko todo iwas naman.
"Ano ba ang nakain mo ngayon ah,apaka bastos mo"tugon ko habang tinutusok tusok parin siya.
"Wala naman akong nakain pero bigla nalang akong naging ganito nung nakita kita sa Kotse na kinikiss kiss at niyayakap yakap yung bulaklak na bigay ko"tugon niya habang uumiiwas parin sa akin.
"I HATE YOU"sigaw ko sakanya at hindi na siya pinansin nung dumating yung pagkain namin.
*END FLASHBACK
"Paano mo naman nasabi na gusto-"tugon ko pero bigla nalang iyon napatigil ng bigla nalang sumigaw si Mama.
"Kai"sigaw ni Mama kaya naman napatingin ako kung saan nakatingin din si Mama at doon ko nakita si Kai na nasa harap ng aming pintuan,may dala dalang boquet.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...
![Hate and Love me[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235345976-64-k223292.jpg)