HALM 20

41 26 1
                                        

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina para uminom nang tubig.Hindi parin mawala sa isip ko na nakita ko ang cellphone ko sa bahay nila Kai.Alam na alam ko talaga na hindi ko dinala ang cellphone ko dahil magkakasama naman kami ni Gab para tawagin pa nila ako atsaka minsan ay pabigat lang ito sa bag ko kaya hindi kuna dinadala.

Kung iisipin mo ay hindi ko naman pinapasok kanina si Kai nang sunduin niya ako kanina dito sa bahay.Dahil pagkalabas ko ay saktong kararating niya.Kaya hindi talaga siya,kung sina Gab naman ang kukuha ay bakit naman nila kukunin iyon atsaka matagal kuna silang kilala ni minsan hindi pa nila nahawakan ang cellphone ko hindi ko nga alam kung alam ba nila na may cellphone ako.Hindi rin naman si Kuya Czean dahil hindi ko siya nakita nang mga nakaraang araw dahil ang sabi niya kanina ay busy daw siya atsaka ang sabi pa niya ay kanina ay ngayon lang daw siya umuwi sa bahay nila dahil nagstay siya sa kaibigan niya.

Hindi naman pwede na maglakad ang cellphone ko at pumunta kila Kai.Hindi naman nakakapaglakad ang cellphone ko.Habang papaakyat ako ay lumilipad parin ang isip ko kung paano napunta doon ang cellphone ko.Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagpalit nang damit pantulog dahil gabing gabi na din.Hihiga na sana nang bigla kong maalala si Hotdog na iniwan ko dito sa kwarto ko.

"Hotdog"sigaw ko habang hinahanap siya sa paligid nang kwarto ko.Binuksan kuna ang cabinet ko,hinawi kuna ang bedsheet ko,tinignan kuna sa ilalim nang kama,nagtingin na din ako sa mga sulok sulok nang kwarto ko pero wala siya.Saan kaya pumunta ang aso na iyon.Nang hindi ko siya mahanap sa kwarto ko ay agad akong lumabas para hanapin siya.

Agad ko siyang hinanap sa baba pumunta ako sa kusina,banyo,sofa,budega namin pero hindi ko siya makina.Pawis na pawis akong umakyat sa taas para doon naman siya tignan maliit lang ang taas kaya mapapadali sa akin ang hanapin siya.

"Hotdog,Nasaan ka magpakita kong hindi ay kakainin kita"pananakot ko sakanya nang makaakyat na sa taas.Ang lokong aso na iyon saan kaya pumunta imbes na magpapahinga na ako dahil may pasok pa bukas ito ako ngayon hinahanap siya.Nilagpasan ko ang kwarto ko at dumiretso sa kwarto nila Mama hindi naman makakapasok si Hotdog sa loob dahil nakasarado naman ang pintuan nila Mama kaya baka nasa paligid lang iyon.Nang nasa harap na ako nang pintuan nila Mama ay tinawag ko ulit siya.

"Hotdog"sigaw ko.Tumingin tingin ako sa sulok sulok baka nandito lang siya.Tatawagin ko sana ulit siya nang makarinig ako nang matinis na tahol mula sa baba.Tumigil muna ako saglit para marinig nang mabuti ang tahol niya.

"Awww"matinis na tahol ni Hotdog.Nang marinig ko ulit siyang tumahol ay dali dali akong bumaba para tignan siya doon.Lokong hotdog kanina ko pa siya tinatawag at hinahanap sa baba pero wala naman tumatahol kanina pero nasa baba lang pala ang loko.Nang makarating na ako sa baba ay agad ko siyang hinanap at nakita ko siya sa pang isahang upuan sa may sofa nakahiga doon habang nakalabas pa ang dila nang loko.Ang sarap sarap nang higa hindi niya alam na hinahanap ko siya kanina pa.

"Saan ka galing ah"gigil na tanong ko sakanya na ngayon ay nakahiga parin at nakadila.

"Awwww aww awwwww awww"tahol niya sa akin.

"Wag mo akong tahulin hotdog"kadurong tugon ko.Kinuha ko siya at agad agad nang pumunta sa taas para matulog ng maaga pa ako bukas.

********KINABUKASAN*****

"Girl,anong drama mo?"tanong sa akin ni Gab nandito kami ngayon sa Cafeteria lunch na namin at hindi parin kasi mawala sa isip ko kung bakit nasa bahay nila Kai ang cellphone ko.

Nagkamot ako nang ulo"Hindi mawala sa isip ko yung nangyare kagabi"kalumbabang tugon ko habang nakatulala pa.

"Ano kaba simpleng cellphone lang eh iniisip mo pa"nakataas na kilay na tugon ni Myca habang unti unting kumakain nang adobo na ulam niya ngayon.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now