Pagkarating namin sa bahay ay hindi pa man kami nakakalabas ng sasakyan ni Kai ng salubungin kami nang dalawang bruha kung kaibigan.
Dali daling lumapit sa amin ang dalawa at binuksan nila ang pintuan para makalabas na ako. Agad nila akong hinila at pagkalabas namin ay bigla nalang nila akong nilagyan ng piring sa mata na kinagulat ko.
"Anong gagawin niyo ah"pagtatanong ko sa kanilang dalawa na ngayon naman ay tinutulak ako.
"Wag ka nga maarte na akala mo naman ay may gagawin kaming masama sayo"tugon ni Myca na mukhang nasa aking kaliwa.
"Aba,malay ko ba na mayroon nga kayong gawin sa akin"nakangusong tugon ko habang dahan dahan na naglalakad.
"Tumahimik ka nalang,mamaya pagkarating natin sa loob wag na wag kang magugulat ah"tugon naman ni Gab na nasa kabila ko din.
"Wag niyo naman masyadong ipahalata na may surprise kayo sa akin"tugon ko.
Medyo natagalan kami sa paglalakad dahil naging dahan dahan lang ang aking mga akbang. Habang ang dalawa naman ay kanina pa nagrereklamo na napakabagal ko daw,hindi ko na din alam kung ano nangyare kay Kai.
Pagkarating namin sa pintuan ay dahan dahan nilang inalis ang aking piring,kinusot kusot ko ang aking hanggang makita kuna ng maayos ang buong bahay. Akala ko ay maybubungad sa akin sina Myca habang may hawak na tarpulin na nakasulat na "WELCOME HOME,MILLIE" pero hindi iyon ang nakita ko. Wala ganun at parang normal lang ang ayos nito parang pang araw araw mo lang na nakikita pag ikaw ay pumunta sa bahay. Dahan dahan akong tumingin sa likuran ko na nandoon ang dalawang bruha na may palaman laman pang pagpipiring wala naman pala.
"Sorry,sa kusina pala namin dapat na tanggalin ang piring mo"tugon ni Myca habang naka peace pa ang kanyang kamay habang si Gab naman ay napakamot sa ulo.
Huminga ako ng malalim bago akong nagsalita"Siguraduin niyo lang na may pagkain sa lamesa kundi ay kayo ang kakainin ko"pagmamatakot ko sakanya at mabilis na pumunta sa kusina.
Tangka pa nila akong pigilan na pumunta sa kusina ng hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy sa paglalakad. Pagkarating ko doon ay bumungad sa akin ang napakaraming pagkain na nakahabag sa lamesa,samu't saring mga klase ng pagkain. Dahan dahan akong humakbang palapit doon pero hindi pa man ako nakakaakbang ng bigla nalang may nagpasabog ng confetti sa harapan ko na nagpagulat sa akin. Pagsabog nito ay may bigla nalang nagsilabasan na mga tao na nagmumula sa dirty kitchen namin,unang lumabas si Tita Carmela na kasama si Tito Michael (Myca's Parents ) sumunod naman sina Tita Sabrina at ni Tito Gabriel (Gab's Parents).Hindi naman mawala wala ang ngiti ko habang sunod sunod silang pumapasok hindi ko inakala ang susunod na papasok hulaan niyo,ang dalawa bruha na ngayon ay naliligo na sa pawis dahil paniguradong nagmamadali silang pumunta sa likod ng bahay dahil kasama ko pa sila kanina. Akala ko ay tapos na pero sunod na pumasok si Kai na may dala dala pang isang tangkay ng rosas na mukhang doon sa bakuran kinuha,ang sumunod naman ay si Kuya na nakabusangot na parang pasan pasan ang mundo. Biglang tumigil si kuya sa may pintuan at akala ko ay isasara na niya iyon ng bigla nalang siyang tumingin sa akin at tumawa ng mahina.
"Hindi pa tapos"tugon niya at dahan dahan na naglalakad papunta kina Myca na nasa gilid ngayon.
Naging nakatuon naman ang atensyon ko sa pintuan kung saan sila pumasok dahil bigla nalang akong nakaramdam na kaba at saya. Para bang nagslow motion ang lahat ng makita ko ang sunod na pumasok sa kusina hindi ko mapigilan na hindi maiyak ng dahan dahan na pumasok si Mama habang may dala dalang boquet ng bulaklak. Ito nalang ulit ang unang beses na makikita ko si Mama dito sa loob ng bahay sa sobrang tagal niyang nawala.
Dahan dahan na naglakad si Mama papalapit sa akin habang ako naman ay pinipigilan na maglumpasay sa sahig sa sobrang iyak.
"Anak,welcome back"tugon ni Mama at binigay sa akin ang boquet na hawak niya na agad ko naman kunuha at hindi kuna na napigilan ang sarili ko at agad agad na niyakap si Mama ng mahigpit.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomantizmAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...