HALM 29

36 21 1
                                    

"Wag mo nga akong asarin Gab"irap na tugon ni Myca kanina pa kasi niya inaasar na may gusto daw siya kay Kuya Czean na todo tangi naman si Myca.Naglalakad kami ngayon papunta sa Cafeteria lunch break na kasi,medyo hindi ko sila nakausap kanina dahil late na din ako nakapasok.

"Hindi ba talaga totoo na gusto mo si Kuya Czean"tugon ni Gab na may nakakalokang ngiti kaya naasar lalo si Myca sakanya eh,isama mo pa na sinusundot sundot niya ito sa tagiliran.Hayy maikli lang pa naman ang pasensya nitong isang ito.

Tumingin si Myca sa likuran niya kung saan nandoon si Gab.Tinignan niya ito nang masama"Isa pang asar mo,puputulin kuna yang dila mo"tugon niya.Kung hindi mo pa masyadong lubusang kilala si Myca ay matatakot kana sa mga sinasabi niya mga harsh,pero katulad namin ngayon ni Gab na kilala na kilala na talaga namin siya ay imbes na matakot kami sakanya ay natutuwa pa kami dahil sa itsura ni Myca habang sinasabi iyon.

Tumigil na sa pang aasar si Gab kaya naman matiwasay at payapa kaming nakarating nang Cafeteria.Dahil oras nga nang lunch ay maraming tao ngayon ang nandito sa Cafeteria para syempre kumain.Dumiretso kami agad sa dati naming lamesa kung saan kasya kaming lahat kasama na doon si Kuya Czean at Kai.Speaking of Kai yung loko na iyon ah ilang araw din na hindi nagpakita sa akin iyon.Para tuloy na gusto ko siyang makita ngayon.

Nilapag ni Gab ang bag niya sa taas nang lamesa."Anong kakainin niyo"tanong niya.

"Malamang pagkain"pabalanang naman na tugon ni Myca.Mukhang bavawi ang ate niyo ah.

"Tss.Bahala ka sa buhay mo hindi kita ibibili"irap na tugon niya.Siya kasi ang pipila para bumili nang pagkain namin yun naman lagi ang ginagawa niya pagkumakain kami dito.

"Ito naman hindi mabiro"patuwang tugon ni Myca.

"Ano nga ang kakainin niyo"paguulit na tanong ni Gab sa amin.

Kumuha ng bente pesos si Myca sa wallet niya"Ito oh,kahit ano na bilhin mo basta Adobo at kanin"seryosong tugon ni Myca.Isa din itong mapang asar eh parehas na parehas sila ni Gab.

Inikot ni Gab ang mga mata niya"Sabaw lang ang mabibili ko dito,dagdagan mo"tugon niya at naglahad nang kamay sa harap ni Myca

"Ang dami mong pera,Myca"tugon niya.

"Hindi ako binigyan ni Mama nang baon"nakangusong tugon niya.

"Basta ako kahit anong ulam na basta may sabaw,atsaka sagot niyo muna wala akong barya"tugon ko at tumingin sa baba,alam ko kasing titignan nila ako ng masama kaya tumingin na ako sa baba.

"Sinong niloloko mo?tugon ni Myca na alam na alam kong nakatingin sa akin ngayon.

"Wala nga akong barya"tugon ko at hinayaan kuna silang mag away dalawa.Sa huli ay si Gab na nga ang bumili ng pagkain ko atsaka siya na din ang nagdagdag sa pera ni Myca.

Nang makarating na siya na dala dala ang pagkain naming tatlo.Nang mailapag iyon ay wala ng nagsalita sa aming tatlo.Nakafocus nalang kami sa kinakain namin.Habang masarap sarap ang kain namin ay may bigla nalang umupo sa tabi ko na nagpatigil sa aming tatlo sa pagkain.

"Long time no see"biglang tugon nang isang tao na napakatagal na hindi namin nakita.

Kai

"Oh,buhay ka pa pala"birong tugon ni Myca.

Mahina siyang napatawa"I'm alive"tugon niya doon ko lang napansin na may dala din siyang pagkain niya,parang dito siya kakain.Hindi ko maalis ang tingin ko na para bang may glue na nakalagay sa mga mata ko na hindi ko maalis ang tingin sakanya.

"Baka matunaw ah"bulong naman ni Myca sa akin mula sa harap ko.Dahil nakatuon lang ang tingin ko kay Kai ay hindi ko napansin na natingin na pala silang tatlo sa akin.Agad akong yumuko para di nila makita ang mukha kong namumula dahil sa hiya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now