"Welcome to South National University,nandito tayo para makita ang mga magagandang lugar at gusto ko din na makita niyo ang mga bagay na sa SNU niyo lang makikita.So tara na po pasok na po tayo sa loob para masimulan na natin"sigaw ni kuya na bigla nalang sumulpot dito sa harap nang Gate nang SNU at nagsalita.
Agad kaming sumunod kay kuyang nagsalita kanina mula sa harap.Nasa likod kami kaya medyo hindi na namin narinig o naintindihan ang mga sinasabi nang iba mga tour guard mula sa mga iba pa naming mga school na pinuntahan.
"Sana ito na ang last na pupuntahan natin"buntong hininga ni Myca na nasa katabi ko.
Sana ito na nga ang last na pupuntahan namin.Dahil pagod na pagod na din ako kakapasyal sa mga university eh hindi ko naman alam kong magcocollege pa ako.Magaganda naman ang mga nabisita namin pero hindi kuna pinagtuonan nang pansin.
"Medyo nakakapagod na din ah"tugon ko.Tumango naman siya habang sinusundan namin ang mga ibang mga estudyante.
"Okay lang na mapagod basta dito ang last na pupuntahan natin,Nandito si Kai"patili tiling tugon ni Myca.
Isang pitik nalang talaga ay maniniwala na ako na may gusto si Myca kay Kai.Lagi kong nahahalata na lagi niyang gustong makita si Kai at pag nandito naman ay grabe nababalisa.Isama mo pa ang tabi lang sila nang bahay hula ko ay nilalandi niya si Kai pag walang pasok or kaya pagkagaling sa school.Dahil chismosa naman din ako ay tinanong kuna ang pinaghihinalaan ko.
"Gusto mo si Kai no"tugon ko habang tinitusok tusok ang tagiliran niya.Mahina siyang tumatawa at pilit na inaalis niya ang kamay ko sa tagiliran niya.
Singkit na ang kanyang mata at parang bulate na inaasinan ang mukha ni Myca ngayon kaunti nalang ay humiga sa sahig.Hingal akong tumigil sa ginagawa ko.
"Wa--walang hiya ka"irap niya at akmang papaluin niya ako nang nakailag ako.
"So gusto mo nga si Kai?"tanong ko na agad naman niya akong sinamaan nang tingin.
Humiling siya"Hindi ko siya gusto no,atsaka sayo lang siya hindi mo ba nakita yung nasa likod niya"tugon niya na nakakrus ang kanyang mga kamay.Kunot noo ko naman siyang tinginan wala naman akong nakitang may kung ano sa likod niya sa medyo matagal tagal na naming siyang kasama maraming beses kunang nakita ang likod niya.
Nakasalubong ang kilay kong"Nakalagay sa likod niya?parang wala naman akong nakikita pag nakatalikod siya"nguso kong tanong.
"Hindi mo ba nakita yung nasa likod niya may nakasulat doon"tugon niya nang may kalahating ngiti.
"Ano naman nakasulat doon?"tanong ko bakit hindi ko alam iyon na may nakasulat sa likod niya.
Tumawa siya nang mahina tinaas niya ang kamay niya sa ere.Nakatiklop ang iba niyang daliri at ang inlalaki at intuturo lang niya ang nakabukas."Property of Millie Jes Alcantara"tugon niya na may nakakalokong ngiti.
Akala ko naman akong ano ang nakalagay sa kanyang likod.Pero alam ko yung mga moves na yan eh yung aasarin ka nila sa mga crush nila para di sila paghalataan na sila ang may gusto.
Tinignan ko siya ng masama"Hindi nakakatuwa"irap ko sakanya.
Ang loko ay tawa lang nang tawa sa kinatatayuan niya kunti nalang ay humiga siya sa sahig.Ano pa nga ba ang aasahan mo sa loka lokang babae na puro biro lang ang alam.
Iniwan ko na siya at nagsimula na ulit maglakad para hindi ako makalayo sa mga kasama namin.Patawa tawa naman siyang sumunod sa akin pilit niya akong tinatawagan pero hindi ako lumingon.
"So that's it,dito na nagtatapos ang tour namin sainyo.Pwede na kayong pumunta kung saan niyo gusto puntahan dito sa loob nang Campus,kung may mga gusto ba kayong puntahan ay pwede pwede.Basta ba ay magkita kita tayo sa gym mamayang 6p.m"sigaw ni kuya na nagtour sa amin.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...
![Hate and Love me[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235345976-64-k223292.jpg)