HALM 44

35 10 3
                                        

"Goodmorning Ma'am pinapasabi po ni Dok na pwede na daw po kayong lumabas anytime po ngayon"tugon nang nurse na kakapasok lang dito sa kwarto.Siya ang nurse na tumitingin sa akin simula ng nandito ako kaya naman medyo nalang close na din kami dahil medyo bata pa siya.

"Ganun ba miss ganda,cge pagkatapos ng tanghalian nalang"matinis na tugon ni kuya kay Ateng nurse na ngayon ay namumula.Mukhang kinikilig pero hindi ko naman siya masisisi dahil nakalahi namin ang mga magaganda at gwapo.

"Cge sebein ke neleng key doc"pabebeng tugon ni ateng nurse na hinahawi hawi pa ang kanyang gilid na  buhok.

"Cge"ngiting tugon ni kuya at tumalikod na si nurse para umalis na.

Inalis ko ang aking kumot at sinuot ang aking tsinelas balak ko na pumunta sa banyo.Medyo nababawi kuna ang lakas ko ngayon at okay na okay na ang pakiramdam ko kaya naman tama lang na makalabas na ako dito dahil sawang sawa na ako sa amoy gamot dito tingin ko ay napurga na ako sa amoy.

"Anong lengguwahe yun,hindi ko maintindihan"tugon ko habang naglalakad habang si kuya naman ay inaayos na ang mga kaunting gamit ko.

Mahina siyang napatawa"Tagalog yun no,ganun ang mga salita ng mga babae pag nakikita nila ako."patawang tugon niya.

"Babae din naman ako pero hindi ako magsalita nang ganun pag nakikita kita"kunwaring pagtatanong ko sakanya.Tumigil ito sa pagliligpit at tumingin sa akin.

"Pumasok kana jan sa banyo,kung gusto mo pang makalabas"irap na tugon niya at binalik ulit ang atensyon sa pagliligpit.

*MAKALIPAS ANG ILANG ORAS*

"Pagkatapos mong kumain jan ay maligo kana para makaalis na tayo"tugon ni kuya na ngayon ay punong puno ng pagkain ang bibig.Napagdesisyunan namin na dito na kami mananghalian dahil kailangan agad na pumasok ni kuya sa trabaho niya pag hatid niya sa akin at para na din hindi na ako magluto doon.Tumango tango lang ako dahil punong puno din ng pagkain ang bibig ko masyado kasing masasarap ang mga bibili ni kuya na pagkain jan sa labas kaya naman hindi magiging sapat ang isang subo lang.

Pagkatapos kung kumain ay agad ko nang tinapon ang aking plastic na plato sa basurahan at kailangan ko na din na maligo na.Nagunat unat pa ako bago ako lumakad ulit busog na busog kasi ako.Diretso ang lakad ko papunta sa banyo ng bigla ko nalang naiisip ang aking susuotin kaya napaharap ako kay kuya.

"Kuya nasaan pala ang susuotin ko?"tanong ko sakanya na ngayon ay lumalamon pa.

"Aba malay ko sayo"tugon naman niya habang nakataas ang isang kilay.

"Akala ko pa naman ay naglabas kana kanina ng susuotin ko"busangot na tugon ko.Padabog akong bumalik para kumuha ng maisusuot ko,nakapagligpit na si kuya kaya naman nahirapan ako sa paghahanap lalo na ay nilagay niya sa ilalim na bahagi ng bag.Kung ano nalang ang madukot ko ay yun nalang ang nilabas ko kaya ang ending ay isang maong na short at isang sweater.Hindi kona inisip na summer ngayon atsaka sasakay lang naman ako ng sasakyan at baba sa loob ng bahay kaya wala din naman makakakita sa akin.

Pagkatapos kung maligo ay agad akong nagpatuyo ng buhok at nag ayos ng kaunti naglagay lang ako ng kaunting pulbo dahil nagsisilabasan nanaman ang mga kontrabida sa aking makinis na mukha.Hindi lang siya isa kundi marami nagyaya ng kasama kaya meron sa baba,noo,pisngi at kahit na sa may tabi ng ilong hindi nila pinatawad.Kinagat kagat ko din ang labi ko para naman magkaroon ng medyo pula pulang kulay para kasi akong anemic dahil maputla akong tignan.At syempre pinaresan ko ito ang aking outfit ng broadwalk na tsinelas na binili ni kuya sa akin nung isang araw.Nang makita ko na maayos na akong tignan ay agad na akong lumabas sa banyo.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko parin si kuya na kumakain.Alam kung medyo matagal din akong naligo at nag ayos kaya ang akala ko ay naghahanda na din siya para makaalis kami dito pero ang walanghiya kumakain pa din.Nagmumukha tuloy na hindi ko siya pinapakain ng mga nakaraang araw.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now