HALM 26

35 22 1
                                    

"Bakit tayo nandito sa hospital?"kunot noo na tanong ni Tita Carmela na mama ni Myca.Nang makita namin sila  kanina ay hindi na kami nagsalita pa at dumiretso nalang sasakyan ni Myca para pumunta nang Hospital.Kanya kanya naman silang mga sakay sa mga sasakyan nila at sinundan kami.Ngayon ay nandito kami sa harapan nang hospital kung saan nila dinala si Papa.

Tinignan ako ni Myca na mukhang tinatanong niya kung siya na ba ang sasagot sa tanong nang magulang niya o ako na.Tumango nalang ako para bigyan siya nang pahintulot na sabiin na.Tumalikod na ako at sinimulan na maglakad ayaw kong marinig nanaman ang nangyare at baka maiyak nanaman ako dito bigla.Sa ngayon ayaw ko munang marinig iyon kahit na wala naman akong choice  dahil maririnig at maririnig ko parin.

"Ma patay na po si Tito Kenzo"malungkot na tugon ni Myca sa mga magulang niya.Hindi ko nakita ang naging reaksyon nila dahil nakatalikod ako sakanila habang naglalakad.Kahit na alam kong medyo malayo na ako sa kanila ay narinig ko parin.May sinabi pa sina Tita pero hindi kuna marinig lahat at hindi ko maintindihan.

Tahimik akong naglalakad nang biglang may nagsalita sa tabi ko na agad kong tinignan at sinamaan nang tingin hindi ba nito ang alam ang alone time gustong mapagisa o kaya naman moment time.

"Bakit?"tanong ko kay Kuya Czean na ngayon ay nasa tabi ko.

"Wala naman,gusto kitang samahan"tugon niya na nakastraight pa ang katawan habang ang dalawang kamay ay nasa gilid.Tss parang batang tinawag nang teacher at hindi makasagot.

"Ayaw ko nang kasama"matamlay na tugon ko.Gusto kong mapag isa,makapagisip-isip kung ano ang gagawin.Ayaw ko muna may kasama ngayon kahit na sino man.

"Hindi kita papansinin,susunod lang ako sayo"tugon niya na nakataas pa ang isang kamay na para bang nanunumpa.

Inirap ko siya at tinuloy nalang ang paglalakad na hindi ako kung saan pupunta.Ayaw ko munang puntahan si Papa ngayon siguro pag nakahinga muna ako nang mga 5 minutes doon na ako pupunta sakanya.Masyadong masakit hindi ko alam kong kakayanin nang puso ko ang sakit.Masakit mawalan nang ama sa ganitong gulang ko lang seventeen years old marami pa akong mga gustong gawin na kasama si Papa yung mga pangako niya sa akin nung bata pa ako.Marami pa akong pangarap para sa kanilang dalawa ni Mama.

********FLASHBACK*******

"Honey,bilisan mo mahuhuli na tayo sa debu ng anak nang kumare ko"sigaw ni Mama kay Papa na ngayon ay nasa kwarto pa at nag aayos nang sarili.

Nandito kami ngayon ni Mikayla sa sofa.Hinihintay namin si Papa na bumaba at papunta na kami kila Ate Jasmine inimbita niya kami sa birtday niya at ang sabi ni Mama na engrande daw iyon kaya nakabilis kami nang mga paborito namin mga dress.Si Mikayla na nakablue na dress na may bulaklak na design at nakaipit nang hairpin na may buhok na design at nakasuot ng dollshoes na pink na may hello kitty.At ako naman ay nakasuot nang kulay puting dress na may bilog bilog na maliit na design at nakaipit nang dalawa na magkabilaan.

"Papa paglumaki na ako,gusto ko magganyan"tugon ko kay Papa na nakaturo kay ate Jasmine.

Kinurot ako sa pisngi ni Papa"Oo naman anak,pag lumaki kana mas maganda pa dito ang gagawin natin,"tugon niya na nakangiti.

"Talaga po,paglumaki na ako magsusuot din ako nang ganyan kalaking dress"kumikinang na mga mata ko kay Papa.

Mahina naman napatawa si Papa"Anak hindi dress ang tawag jan,ang tawag na jan ay gown"tugon niya at kinandong ako sa hita niya.

"Gown?"patanong na tugon ko.

"Oo gown yan anak,pag laki mo magsusuot ka din nang ganyan.At isasayaw kita na parang ginagawa nila ngayon"tugon niya habang pinagmamasdan si Ate Jasmine na may kasayawan.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now