MAY EPILOGUE PERO WALANG PROLOGUE.GANYAN TALAGA WALANG BASAGAN NG TRIP.
_____________________
"Alam mo ba dahil sayo hindi na ako nakakastay sa bahay ng matagal"inis na tugon ko sa lalaking ngayon na kakasundo lang sa akin sa bahay.
"Ayaw mo iyon,nakakasama mo ako na matagal"ngiting tugon naman niya na ngayon ay nagmamaneho na papunta kung saan niya ako dadalhin.
"Syempre gusto"bulong ko habang nakatingin sa labas para di niya ako marinig pero masyado atang malakas ang pandinig ng lalaking ito.
"Yun naman pala,kaya kakausapin ko si Tita mamaya para sabihin na sa bahay kana tumira"biglang tugon niya na kinabigla ko naman.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo"sigaw ko naman sa kanya sabay hampas sakanya.
Mukhang hindi niya inininda ang sakit na paghampas sakanya dahil tawa lang siya ng tawa habang syempre hindi niya maalis ang tingin niya sa daanan.
"Darating lang di tayo doon kaya agahan na natin"tugon niya.
Mas lalong tumatagal na nakakasama ko si Kai ng matagal ay mas lalo ko siyang nakikilala kung sino ba talaga siya. Hindi ko alakain na ganito ang ugali niya pero kahit na medyo mahangin siya ay parang mas lalo ko siyang nagugustuhan dahil pinapakita niya kung sino ba talaga siya sa akin.
Naging tahimik na ang paligid ng lumipas ang mga oras na nagbyabyahe kami dahil nakakapagod din naman na sigawan ang lalaking ito na wala ginawa kundi ang tumawa lang. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mukhang malayo ito dahil mahigit isang oras na ay hindi parin kami nakakarating.
Matapos ang ilang minuto pang pagbyabyahe ay bigla nalang kami huminto sa kung saan na lugar. Pagkababa mo sa sasakyan ay doon mo makikita ang ganda ng lugar na ito.
"Mt.Zion Adventure Park"pagbabasa ko sa karatulang nakalagay sa taas ng gate na pupuntahan namin ngayon.
"Nagustuhan mo ba?"tanong niya na ngayon ay nakatingin din sa paligid.
"Oo,napakaganda dito. Pero anong gagawin natin dito"tanong ko sakanya na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Thrilling ATV adventure"sagot niya sabay turo sa mga sasakyan na hindi ko nakita kanina.
"Hindi ka ba nagbibiro"tugon ko sakanya dahil pinagdamit niya ako ng ganito tapos magATV pala kami.
"Oo naman,nandito na nga tayo eh"tugon niya sabay hila sa akin papasok. Agad akong huminto kaya naman napahinto din siya sa akin.
"Sasakay ako niyan nang ganito ang suot ko"tugon ko sakanya sabay tingin sa suot ko ngayon na skyblue na dress na may spaggetti strap. At kung ang hula niyo ay si Mama ang nagpasuot sa akin niya ay tama kayo hindi niya ako tinantanan kanina.
Kita kung tumingin din siya sa aking kabuoan kaya mukhang naintindihan niya ang sinasabi ko. Napakamot muna siya ng ulo bago nagsalita.
"Bat kasi nagsuot ka ng ganyan?"tanong niya sa akin akin.
"Si Mama ang magpumilit sa akin na suotin ito kaya wala akong kasalanan"inis na tugon ko sakanya na nakasalubong ang mga kilay.
"Tss..idadamay mo pa si Tita para lang malusutan mo. Okay lang naman na sabihin mo na nagsuot ka ng ganyan dahil sa akin"mahangin niya tugon sa akin na may pa effect pa ng hangin ngayon.
"Nakakainis ka"irap kung tugon sakanya sabay talikod dahil balak ko ng umuwi nalang.
Dali dali niyang hiwakan ang braso ko kaya napatigil ako agad agad siyang pumunta sa harap ko at tinignan ako ng nakaka awa.
"Oo na cge na pinilit ka na ni Tita,pasalamat ka ay may dala akong extrang damit jan at jeans kaya pwede kang magpalit"tugon niya sabay hila nanaman sa akin papunta ulit sa sasakyan niya.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...
![Hate and Love me[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235345976-64-k223292.jpg)