HALM 34

32 21 0
                                    

Nagising ako dahil sa napakagaling kung kuya.Nagpapaluto na siya ng kanyang almusal sa akin.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako nakakabangon sa kama ko.Ni wala pa nga akong hilamos ay bigla nalang niya akong kinaladkad papunta sa kusina para magluto na din.Halos wala pa ako sa katinuan ko ng makarating kami sa kusina,wala pang laman ang utak.

"Ano ba Millie gumising kana"yugyog niya sa akin habang nakatayo parin ako at nakapikit ang mga mata.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakapikit parin.Nang makukuha ko na sana ulit ang tulog ko ng may bigla nalang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig.Napatalon pa ako sa gulat kung kanina ay inaatok antok pa ako ngayon hayy gising na gising na ang katawan ko.Habang nanginginig parin sa lamig ng tubig na nabuhos sa akin ay agad kong tinignan ng masama ang may gawa sa akin nun.Nagpipigil pa ng tawa ang loko habang hawak parin ang balde na may kalakian kaya naman pala basang basa ako eh.

"Di nagising ka"tugon niya habang pinipigilan parin ang tawa.

"Nakakainis ka"inis na sigaw ko at sinamaan ng tingin.

Mahina naman siyang napatawa"Ayaw mo kasing magising eh,atsaka ayaw mo yun ako na ang nagpaligo sayo"tugon niya.

"Alam mo ba kung anong oras palang ah"tugon ko na nanlilisik ang mga mata.

Tumango tango naman siya at tumingin sa relo na nakalagay sa gilid ng refrigerator namin.

"4:10 a.m"tugon niya na nakaturo pa sa relo.

"Ilas kwatro ng madaling araw gigising muna ako para magluto na ng almusal,sa mga ganitong nanaginip pa yung mga tao kuya"tugon ko at pumunta sa banyo para kumuha ng towel para ipagpunas sa akin.Kinuha ko agad ang towel na nakapangalan sa akin at lalabas na sana ako ng makita ko na may nakasabit na damit malapit sa shower room.Kulay pink ito habang may design ni Spongebob at Patrick.Mas lalong kumulo ang dugo ko ng maisip ko na dumiretso agad ako sa kwarto ko kagabi kaya paano napunta dito sa baba.Isa lang ang alam kong naglaba at kumuha sa kwarto ko.

"KUYA"sigaw ko dahil nasa banyo ako ay nagecho tuloy ang sigaw ko sa buong banyo pati na din sa labas.Dali dali akong bumalik sa kusina para puntahan ang magaling kong kuya.

"Bakit?"inosenteng tanong niya habang kumakain ng noodles sa lamesa.

"Bat mo kinuha yung damit ko"tanong ko sakanya at umupo sa harapan niya.

"Nilaban ko lang eh"nakangusong tugon niya at tinuloy ang pagkain.

"Tss.Alam kuna yang mudos na iyan,Lalaban mo tapos sayo na"irap na tugon ko at pumunta sa cabinet para kumuha din ng Cup Noodles nakakagutom siyang makitang kumakain.

"Nilaban ko lang talaga,pero kung yan ang iniisip mo cge sa akin na iyon"bulong niya na narinig ko dahil hindi naman kami kalayuan sa isa't isa.

Dali dali kong nilapag ang Cup noodles na dapat na bubuksan ko at pumunta ulit sa harap niya.

"Subukan mong kunin iyon,walang matitirang damit sa closet mo"pananakot ko sakanya.

"Hindi siya bagay sayo Millie"tugon niya.

"Ano naman ngayon at hindi siya bagay saakin"tugon ko na nakataas ang isang kilay.

"Masyado malaki para sayo iyon na hindi naman katangkaran"tugon naman niya.

"Bagong bili yun"tugon ko at nagdabog na parang batang pinag agawan ng candy.

"Saan ka naman kumuha ng pera,aber"tugon niya na nakataas ang kilay.

"Basta"tugon ko at inasikaso na ang pagkain ko.

"Sabihin mo nga sa akin,Millie nagsusugal kaba kaya ka nagkakaroon ng pera"tugon niya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now