Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa akin.Kaninang umaga kasi ay bigla nalang tumawag ang doktor nila mama at sinabing gumaganda na daw ang tanggap ni mama sa gamot niya kaya bumubuti na ang lagay niya ngayon.May improvement na daw siya sa pagsasalita kaya naman pwede na siyang kausapin na paunti unti.Masayang masaya ako dahil paunti unti nang gumagaling si mama sana si papa na din para naman makasama kuna sila.At mabuhay na kami ng normal na parang isang tahimik na pamilya.
"Buti naman ay unti unti nang gumagaling si Tita"nakangiting tugon ni Gab sa akin.Tama siya masayang masaya nga iyon.
Nandito kami ngayon ni ground floor ni Gab may kailangan kasi kaming kunin ngayon na pinautos sa aming dalawa at sinamaan niya lang ako.Hindi namin kasama si Myca ewan ko ba sa babaeng iyon pagkatapos niyang kausapin yung tumawag sakanya kaninang breaktime ay bigla nalang siyang lumabas sa room ng walang paalam sa amin.Mukhang nagmamadali pa siyang lumabas dahil hindi niya pa man napasok lahat nang gamit niya ay agad nang lumabas mukhang emergency ang pupuntahan niya.
"Sana magtuloy tuloy na"tugon ko na patalon talon pa sa sobrang saya.
"Ano kaba,God is good"tugon niya na ngayon ay hinawakan bigla ang kamay ko kaya ngayon ay nakaholding hands kami habang naglalakad.
Nang makalayo na kami sa ground floor ay imbes na sa classroom kami dumiretso ay sa Cafeteria ang daan na tinatahak namin ngayon hindi na din naman ako nagulat dahil gawain naman talaga namin na sa Cafeteria agad ang punta pag nagpaalam na magccr or kaya naman magpapaalam na pupunta sa clinic pero ang punta sa Cafeteria.Buti nalang ang mga nagtitinda or tauhan nang Cafeteria ay hindi nagtatanong pag nakatambay kami dito sa oras nang klase.Pagkapasok namin sa Cafeteria ay agad kaming naghiwalay ni Gab- ako na naghahanap kong saan kami mauupuan samantalang si Gab naman ang nagorder nang pagkain namin.Yes NAMIN dahil kinulit ko si Gab nang papunta kami dito na ilibre niya ako nang una ay senisermunan niya pa ako na dapat daw ay hindi ako masanay na laging umasa sa iba pero sa huli din naman ay pumayag siya at nandoon siya ngayon sa counter para magorder nang pagkain NAMIN.
Napili ko na sa tabi nalang nang pintuan kami umupo para naman agad kaming makalabas pag natapos na kami kumain.Glass din kasi ang paligid nang Cafeteria kaya naman makikita mo ang labas kahit na nasa loob ka.Karamihan sa mga kumakain ngayon ay mga prof na walang mga klase ngayon.
Umupo na ako sa upuan at nilagay ang cellphone at wallet na walang laman na dala ko sa ibabaw nang lamesa at nagkalumbaba habang hinihintay si Gab na dumating.Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating na din si Gab na may dala dalang dalawang tray na punong puno nang mga samu't saring pagkain.Nilapag niya ang dalawang tray sa harapan ko at hinatak ang isang upuan malapit sa akin para magtabi kaming dalawa.
"Hindi libre yan ah,utang mo yan"tugon ni Gab na ngayon ay nilalantakan na ang pagkain na nasa isang tray hindi ba uso sa babaeng ito na tangalin muna ang mga pagkain sa tray.Pero sa bagay iba talaga pag patay gutom ka eh solid.Atsaka anong sabi niya hindi ito libre kasi utang ito saan naman kaya ako makakakuha nang pambayad ko sa babaeng ito.
"Cge pagyumaman na ako,babayaran nalang kita."tugon ko na may pabirong tunog nang boses ko.
"Kailan ka kaya yayaman"tugon niya na punong puno nang pagkain.
Hindi ko nalang siya pinansin at kinabusyhan ang pagkain na nasa harapan ko ngayon.Sayang dahil wala si Myca dito hindi niya matitikman kung gaano kasarap ang libre este utang pala pero paniguradong pag nandito pa si Myca ay mas marami ang pagkain na kinakain ko ngayon.SAYANG
"Sa tingin mo saan pumunta si Myca"tanong niya habang hawak hawak ang isang burger.Napatingin ako at nakakalahati na niya ang pagkain niya dahil sa sobrang busy ko sa pagkain ay hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pagkain.Kinuha ko ang burger na gaya nang kinakain ni Gab ngayon at akmang kakagatin na iyon nang biglang may umupo sa harapan namin ni Gab na gumawa nang ingay ang pag upo niya.Sabay naman kaming nagulat ni Gab muntikan na niyang mabitawan ang juice na hawak niya samantalang napatalon naman ako na naging dahilan para mahulog ang burger na hawak ko sa lamesa nagkahiwalay hiwalay ang mga parte nang burger na kinakain ko.Dali dali kong kinuha ang patties,unsalted cheese at mustard na nahiwalay hiwalay dahil sa pagkahulog na agad kong kinuha at nilagay ulit sa bread na parang bagong gawa.At walang ano ano ay kinagat iyon na parang hindi nahulog sa lamesa nang matapos kong kagatin ay tinignan ko nang masama ang taong nasa harapan namin ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/235345976-288-k223292.jpg)
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...