"MAY NANGYARENG MASAMA SAKANYA"
"MAY NANGYARENG MASAMA SAKANYA"
"MAY NANGYARENG MASAMA SAKANYA"
"MAY NANGYARENG MASAMA SAKANYA"
"MAY NANGYARENG MASAMA SAKANYA"
Paulit ulit tumatatak sa akin ang huling mensahe sa akin ni Nurse Lai.Hindi ko alam pero bigla nalang akong nanghina na parang hindi ko alam.Ang lakas nang kabog nang dibdib ko na para bang lumalabas na ang dibdib ko sa bilis nang tibok.Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko dahil hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.Tatakbo naba ako papunta sa Hospital kahit na alam kong may klase kami ngayon.At sa kahit anong oras ay kailangan na naming pumunta sa classroom namin.Pero paano si Papa ang sabi niya ay may nangyareng masama sakanya.Tumayo ako at mabilis ang galaw na kinuha ang wallet ko at walang sabi sabing umalis sa kinauupuan ko at tumakbo.
"Saan ka pupunta?"sigaw ni Myca habang papalayo ako sa kanila.Tumingin ako sa kanila habang naguunahan sa pagtulo ang aking mga luha.Naalarma naman sila nang makita nila ako umiiyak.Sabay sabay silang tumayo ay pumunta kong nasaan ako ngayon.
"Bakit?"malungkot na tanong ni Gab habang nakabukas ang kanyang mga braso at handa na akong yakapin.
"Si Papa"umiiyak kong tugon habang papalapit sakanya at yakapin siya na agad naman niyang tinugon.
"Anong nangyare kay Tito"tanong ni Myca na hinihimas himas ang ulo ko.
Nang maging okay na ako ay agad din akong kumalas sa pagkakayakap sa akin ni Gab at inayos ang buhok na nakasagabal sa aking mukha.Bumuntong hininga muna ako bago magsimula ulit na tumakbo at gaya kanina ay tinatawag nila ako.
"Kung pupuntahan mo siya sasama kami"sigaw ni Gab mula sa akin.Nakatalikod ako sakanila kaya naman tumbsUp lang ang naging sagot ko na pwede silang sumama.Ngayon araw lang naman akong magcucutting classes at meron naman akong katanggap tangap na dahilan.
Mula Cafeteria hanggang sa harapan ng gate ay tinakbo ko.Hindi ko alintana ang mga tingin sa akin nang mga estudyante na nakabanggaan ko habang tumatakbo ako.Ang nasa isip ko lang ngayon ay makapunta nang hospital para malaman kong anong masamang nangyare kay Papa.Hingal na hingal akong ng makarating sa gate habang nakahawak pa sa aking mga tuhod.Tagaktak naman ang naging pawis ko na para bang naliligo na ako.Huminga muna ako nang malalim nang ilang beses para naman makapagpahinga ako at hindi mukhang inaasthma ako.Mabagal ang paglakad ko papunta sa guard house kung saan nandoon natutulog ang mga guard na nagsasalita sa pagbabantay nang mga pumapasok at lumalabas sa campus.Akmang didiretso na ako sa paglalakad nang bigla nalang akong pigilan ni Manong guard.Patay tayo jan mukhang hindi na ata pwedeng lumabas ngayon ah.Tinignan ko siya para malaman kong bakit niya ako hinarang.
"Lalabas po ako"tugon ko habang nakatingin sakanyan.Pumunta siya sa pintuan nang gate at hinawakan ang hinalaan nito.
"Bawal kanang lumabas hija oras na nang klase ngayon kaya naman mabuti pa ay pumunta kana sa silid ninyo,Ayaw namin na may makalabas na mga estudyante sa oras nang klase dahil kung may mangyareng masama sainyo sa labas ay kami ang mananagot sa mga magulang ninyo.At para na din maiwasan ang pagpunta niyo sa mga Computer shop para lang maglaro o kaya naman ubusin ang oras sa kahit anong bagay."tugon ni Manong guard habang nakahawak parin sa paghilaan nang gate.Tama naman siya pero emergency ito si Papa ito.Pinagdikit ko ang aking mga palad at tumingin nang paawa look kay manong guard.
"Emergecy lang po"Nakangusong tugon ko sa kanya.Pero mukhang hindi tumalab iyon dahil dinaanan niya lang ako nang tingin.
"Papayagan kitang lumabas-"tugon ni Manong guard na nagsasalita pa pero tumigil nang magsalita naman ako.Masayang masaya ako nang marinig ako sinabi niya pero nang akma na akong lalapit sa pintuan ay tinuloy niya ang sinasabi niya."pero pag tinawagan mo ang mga magulang mo at sabiin na pumunta sila dito para sunduin ka,pag natapos nun ay malaya kanang makakalabas"pagpapatuloy ni manong sa sinasabi niya.Napasimangot nalang ako paano ko naman tatawagin ang mga magulang ko ay nagpapagaling sila ngayon at magulang ko nga ang pupuntahan ko ngayon.Sa huli ay hindi ako pinayagan ni Manong guard na makalabas kaya naman naupo muna ako sa isang mahabang upuan doon.Ayaw kong pumunta sa room dahil may plano akong gagawin-pag may pumuntang bisita o kaya naman kailangan na umalis ni Manong guard sa tabi nang pintuan para gawin ang iba niyang trabaho ay doon ako palihim na tatakas.Hindi naman ako nabigo sa plano ko dahil may bigla nalang pumasok na bisita at kailangan nang tulong sa pagbubuhat ng gamit niya kaya naman tinulungan siya ni manong guard at doon na ako nagkaroon nang pagkakataon para lumabas nang school ng di alam ni Manong guard.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...