"Sa susunod na araw daw ay pwede ka ng lumabas dito"tugon ni kuya na nakatalikod ngayon sa akin habang pinababalat ako ng mansanas.
"Edi maganda,magagawa ko na ang mga gusto kong gawin"tugon ko na ngayon ay lumalamon ng mga prutas na dinala ni kuya.
"Isa lang naman ang alam kong gawain mo eh"tugon ni kuya na papalapit sa akin para ibigay ang mansanas na kanyang binalatan.
"Ano naman iyon?"tanong ko sakanyan.
Umupo muna siya sa aking kama bago niya binigay sa akin ang mansanas nakataas pa ang paa ng loko.
"Magpalibre"tugon niya.
Hindi ko alam kung maiinis ako pero tama naman siya dahil yun nga ang gawain ko na medyo namiss kuna din naman.Atsaka simula ng nandito ako ay hindi ko pa nabibisita si mama kaya yun siguro ang aking unang gagawin pag ako ay nakalabas na dito.
"Nakabisita kana kay Mama?"tanong ko sakanya na ngayon ay kumukuha na din sa aking mangkok ng mga prutas.
Kumagat muna siya ng mangga at tumango tango"Oo,lagi akong pumupunta kapag tulog ka"tugon niya.
"Kumusta na siya?"tanong ko.
"Ayos naman siya,pagaling na siya at ang sabi niya ay kung tuloy tuloy pa daw ang kanyang pag galing ay pwede na siyang makalabas din"tugon niya nang matapos na siyang kumain ay tumayo naman siya bigla at kinuha ang mangkok na naglalaman ng pagkain na kinakain ko.Gulat pa ako sa ginawa niyang pagkuha kaya sinundan ko siyang ng tingin.
"Saan mo dadalhin yan?"inis na tugon ko sakanya.
"Masyado ka ng maraming nakakain,tumataba kana"tugon niya habang magkagat kagat pang pagkain.
"Atleast maganda---"pagsasalita ko pero naputol iyon ng bigla nalang bumukas ng napakalaki ang pintuan at tumambad doon ang dalawang bruha na paparating.Nakakaramdam ako na para bang may paparating na bagyo.
"MILLIE"sabay na sigaw nilang dalawa habang papasok.Kaming dalawa naman ni kuya ay napahawak nalang sa aming dalawang tenga habang sumisigaw ang dalawa.
"Umagang umaga ay bumabaho na ang paligid"busangot na tugon ko habang pinapaypayan ko ang aking ilong na para bang nakaamoy ng mabahong amoy.
"Grabe naman,nagtoothbrush naman ako"tugon ni Gab na ngayon ay nakahilata na ngayon sa aking kama.
"Mas lalo naman ako"tugon ni Myca pero parang pasigaw iyon.
"Pero amoy kanal pa din"bulong ni kuya sapat lang para marinig naming tatlo.Kaya walang ano'y ano ay nagsimula nanaman ang araw araw na pag aaway ni Myca at ni Kuya Czean.
Sa araw araw na pagdalaw nila Gab ay minsan si Myca lang ang bumibisita kaya naman laging maingay dito.Simula ata ng malaman nila na gising na ako ay kung hindi mo pa sila hilain palabas ng aking kwarto ay hindi sila aalis.
"Tumigil ka nga kutong lupa baka mabaon kita jan"irap na tugon ni Myca kay Kuya na ngayon naman ay pinipigilan ang pagtawa.
"May napapansin kaba?"biglang bulong ni Gab sa akin habang parehas kaming nakatingin sa dalawa.
"Wala naman,yung nag aaway sila palagi"bulong ko din sakanya.
"Hindi,kahapon kasi ay bago ako umuwi ay nakita ko si Kuya Czean na pumasok sa campus dahil curious ako kung ano ang gagawin niya dito sa oras ng uwian ay sinundan ko siya at hindi ka maniniwala sa nakita ko."pagkwekwento niya sa akin habang nagbubulungan parin kami.
"Ano?"dali dali kong tanong sakanya.Dahil umaalis nga si kuya pag mga alas singko para magtrabaho,oo tama kayo ng nababasa NAGTRATRABAHO nga si kuya para meron kaming income dito.Isa siyang waiter sa isang restaurant na malapit lang sa school namin.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomansaAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...
![Hate and Love me[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235345976-64-k223292.jpg)