HALM 42

27 10 1
                                        

Kakaalis niya lang pero gusto ko na agad na makabalik siya.Hindi ko alam kung paano napunta sakanya ang picture ni Mikayla at bakit siya meron nito.

Kitang kita sa litrato na lumang luma na ito dahil nagiiba na ang kulay ng buong litrato pero makikita pa naman ng maayos,kitang kita dito ang nakangiting kapatid ko habang nakabestida na kulay pink na may design na bulaklak sa gitna.Tandang tanda ko pa ang okasyon na ito,nung pumunta kami sa birthday ni Ate Jasmine bago kami umalis ay kinuhanan muna kami ng litrato ni Papa pero paano naman kaya napunta sakanya ito.Tinitigan ko lang iyon hanggang samu't saring mga tanong na ang naglalaro sa isip ko.Hindi ko alam kung ano ba doon ang tatanungin ko sakanya pagdating niya dito.

Lumipas pa ang ilang minuto na tinitigan ko ang litrato hanggang makarinig ako na mga yapak na mga paa na papalapit sa akin kaya napatingin ako dito.Nakangiti pa siya habang siya ay naglalakad papalapit sa akin habang may dala dalang paper bag kung saan nakalagay ang mga pagkain na binili niya.Hindi naman matago sa akin ang kaba habang papalapit siya sa akin,hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito.

"Napaghintay ba kita ng matagal?"tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinaas ang litrato ni Mikayla sa aking kamay hindi niya iyon napansin dahil nilalabas niya ang mga binili niya.

"Bakit ka may picture ni Mikayla"biglang tanong ko sakanya para makuha ang atensyon niya.Kitang kita ang kaniyang gulat na para nakakita ng multo sa aking likuran.Mas malaki pa ang mata niya kaysa sa tarsier.

"Sa---saan mo nakuha yan"utal na tugon niya at nagtangka pa siyang kunin iyon sa akin pero agad kong nataas ang aking kamay kaya hindi niya nakuha.

"Ba--bakit ka meron nito?"tugon ko na para bang may bumara na kung ano sa lalamunan ko ang hirap magbigkas ng salita.

Tinitigan niya lang ako sa mata at hindi na nagsalita pa na mas lalong nagpakaba sa akin.May tinatago ba siya sa akin na ayaw niyang sabihin sa akin.

Tinignan ko siya ng masama"May tinatago-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na bigla nalang din siyang magsalita.

Tumayo siya"Sa rooftop"tugon niya at tumalikod na't nagsimula na siyang maglakad na agad ko naman sinundan.

Hindi alintana sa akin na nakawheelchair man ako ngayon ay dali dali akong pumunta doon kung saan siya papunta.Dahil malaya nga siyang nakakalakad ang luko nauna na siya sa akin.Sumakay ako ng elevator papunta sa rooftop pasalamat nalang ay meron siyang daan kung saan para lang sa mga nakawheelchair lang para iwas hassel.

Pagkarating ko doon ay agad ko siyang nakita sa bandang gilid kong saan meron mahabang upuan na wala man lang sandalan.Pwede na siguro ang apat na katao na makaupo dito.Dahan dahan kong ginuyod ang sarili ko papunta sa kanya.Dahil nga nakawheelchair ako ay hindi ko na kinailangan na umupo sa upuan kaya naman halos dalawang metro din ang layo namin sa isa't isa.

"Anong sasabih"tugon ko pero hindi rin naman natapos iyon dahil nagsimula siyang magsalita.

"Alam mo ba nung mga bata pa kami masayang masaya ang pamilya namin.Lagi kaming lumalabas pag linggo para kumain sa park o kaya naman sa pastfood chain.Pero iba ang araw na iyon,Oo masaya nga kami nun yun na ang masaya naming bonding buong pamilya pero bigla nalang nagbago ang lahat matapos namin sumakay sa sasakyan ni Papa.Habang nasa gitna kami ng daan pauwi na sana ng bigla nalang nagsalita si Papa na huling labas at bonding na daw namin iyon dahil maghihiwalay na silang dalawa ni Mama.Dahil
10 years old na ako nun ay alam kuna ang mga pinagsasabi ni Papa.Iyak kami ng iyak ni ate ng marinig iyon kay Papa pagkarating daw namin sa bahay ay aalis na kami agad papunta sa bago naming tirahan na hindi kasama si papa.Mabilis ang pangyayare nun dahil sa sobra kong galit at ayaw ko ng makauwi kami ay pinakialaman ko ang manobela ng kotse ni Papa.Yun nalang kami ang alam kong paraan para mapabagal o paraan pero nagulat nalang namin ng habang sinasaway ako ni Papa ay hindi namin alam na may nabangga palang kaming bata.Gusto ko sanang bumaba doon pero sa sobrang takot ni Papa ay pinaandar nalang niya ang sasakyan na para bang walang nangyare.Pagkauwi namin ay hindi maalis sa isip ko ang nabangga naming bata kaya bago ako pumasok sa school nun ay pumunta ako ulit kung saan doon kami may nasagasaan at ganun nalang ang gulat ko  ng makita na nakaburol na siya."pagkukuwento niyang habang sabay sabay na tumutulo ang kanyang mga luha na ngayon ay walang tigil na.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now