05 with Chen

196 33 0
                                    

Chapter 5 (with chen)

Binuksan ni Veronica ang pintuan ng isang bakanteng bahay. Mahahalatang matagal ng hindi nabubuksan ang pintuan dahil sa tunog nito at kinakalawang na doorknob. Pagkabukas nila ng pintuan ay bumungad sa kanila ang maalikabok na bahay kaya napaubo silang dalawa. Hinawi ni Veronica ang mala kurtinang mga agiw na nakaharang sa pintuan.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Chen.

'Bakit ako nandito? Kadi namimiss ko ang grandparents ko. Bakit sinama kita? I don't know.'

"Ito ang bahay ng lola at lolo ko." Nakangiting sabi niya.

Pumunta siya sa may sala at nilabas ang cellphone at nagpatugtug ng salsa. Saglit lamang ay sumasayaw na siya kasabay ng musika.

Nakangiti lang siya habang sumasayaw habang inaalala ang mga oras na kasama niya ang kaniyang lola at lolo.

Nangilid ang mga luha niya pero pinigilan niya iyon sa pagbagsak dahil gusto niyang maging masaya lang sa mahiwagang lugar na ito.

Nakatingin lamang si Chen sa kaniya habang sumasayaw siya.

"Naku, hindi pwedeng ngumiti ka lang diyan. Samahan mo ako dito."

Nakangiting hinila ni Veronica si Chen sa sala. Natatawang sumabay naman si Chen sa mga sayaw niya.

"Paano ka nahilig sa salsa?" Tanong ni Chen habang sumasayaw sila.

"Dahil sa Lola at lolo ko dati. Kapag nagbabakasyon ako dito nakikita ko silang sumasayaw dito sa sala. At 'yung music. Sobrang akong naa-amaze kapag 'yan ang naririnig ko."

"Pero mukang hindi na natitirhan itong bahay nila ah? Nasaan na ba sila?" Tanong ni Chen kaya napatigil siya sa pagsasayaw.

"Wala na sila." Malungkot na sabi niya.

"Sorry, hindi ko alam."

Napa buntong hininga siya.

"Ayos lang 'yun." Sabi niya at muling ngumiti at sumasayaw.

Pero ang ngiti ng ginawa niya ay mahahalatang hindi totoo.
_________

Naka upo sila Veronica at Chen sa lumang upuan na may mga butas na at puno na din ng alikabok.

Nakatingala sila ngayon sa kisame na may ilang butas kaya nasisinagan sila ng mainit na araw mula duon.

"Ang araw na 'to, sobrang saya." Masayang sabi ni Veronica.

"Simpleng bagay lang pala ang magpapasaya sayo."

"Hindi lahat ng 'happiness' ay mahal. 'Yung iba ay hindi na kaylangan paggastosan pa." Sabi niya saka lumingon kay Chen na nakatingin parin sa kisame.

"Tama ka." Sabi nito at tumingin sa kaniya.

Tumingin si Chen kay Veronica ng nakangiti kaya sinuklian din niya ito ng ngiti.

'Sobrang bilis ng oras. Mamaya wala ka na sa tabi ko.'
_______

Pag bukas ni Veronica ng pintuan ay nakita niya ang kaniyang ina na nakaupo sa sofa kaharap si Mr. Alfonso.

Agad siyang ngumiti at tumabi sa ina at makahulugang tumingin kay Mr. Alfonso.

"Hi Mr. Luke!" Bati niya.

"Hi." Balikat bati naman nito.

"So, hahayaan ko na kayong mag-usap ngayon." Sabi ng mommy niya saka umalis.

"Hindi ko naman alam na hindi ka pala marunong umintindi." Natatawang sabi niya.

"Ang mommy mo at mommy ko ang may gusto nito." Sabi ni Luke saka uminom ng juice.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon