01 First meet

803 50 1
                                    

01 First meet

Lumaki si Veronica sa isang mayamang pamilya. Lahat ng luho niya ay kayang punan ng kaniyang magulang ngunit hindi iyon sapat.

Hindi luho ang kaylangan ng isang batang Veronica. Isang bagay lang ang kaylangan niya at 'yun ang bagay na nahihirapan siyang makuha.

Araw-araw na maririnig ang malalakas na sigawan ng kaniyang magulang sa loob ng kanilang bahay. Ang halimuyak ng alak at sigarilyo na amoy ng kaniyang ama na pinarisan ng matapang na amoy ng honey na pabango ng kaniyang ina.

Naka-upo siya sa sahig ng kanilang sala's habang umiiyak. Nakikiusap sa ama na itigil ang pananakit sa kaniyang ina. Ngunit parang isang bingi ang kaniyang ama na hindi siya naririnig.

Tumingin siya sa kaniyang ina na puno ng pasa ang mukha. Para itong isang pipi na walang kahit isang salitang kayang banggitin sa harap ng kaniyang ama ngayon. Tanging mga luha at paghikbi lamang ang kayang gawin, kahit na ang pag palag ay hindi na nito magawa.

''Ayoko ng ganito!'

Maririnig ang malalakas na paghampas ng palad ng kaniyang ama sa pisngi ng ina habang malakas na umiiyak ang batang Veronica. Ang mga sugat sa muka ng ina habang pumapatak ang dugo sa sahig.

Ang dugo ng sakit at pait.

Hindi naging madali ang buhay niya bilang isang musmus na bata dahil madalas niyang nasasaksihan ang pananakit ng kaniyang ama sa kaniyang ina.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon