27

88 17 0
                                    

Chapter 27

Nagising si Veronica sa kama at nakita niya si Chen na naghahanda na ng pagkain. Sa loob ng isang buwan ay lagi siyang nagigising na may nakahanda ng pagkain. Nagpapasalamat din siya dahil nakayanan niyang mamuhay sa bahay nito sa loob ng isang buwan. Nasanay na din siyang hindi ganun karangya ang buhay niya.

"Good morning." Bati nito sa kaniya.

"Good morning. Sabi niya saka umupo sa sahig kung saan may maliit na lamesa na pinagkakainan nila.

Nagtaka siya ng nagmadali nitong kinuha 'yung bag. "Bye!" Sabi nito na akmang- aalis.

"Wait? Hindi ka kakain?" Tanong niya dito.

"Late na ako." Sabi nito saka tinuro 'yung orasan.

"Ahh, okay bye!" Sabi niya dito, ito naman ay nagmadaling umalis.

Pagkatapos niyang kumain ay diniretso na niya sa kusina 'yung plato para hugasan.

Nagsasabon na siya ng plato ng bitawan niya ito.

"Oh, shit!" Bulong niya habang nakatingin sa ipis na gumagapang papunta sa kaniya. Pinigilan niyang hindi humiyaw.

Agad niyang kinuha 'yung tsinelas niya at lakas loob niya itong hinampas-hampas.

"Ayan, Bwisit ka ah!" Sigaw niya saka ito hinampas sa huling pagkakataon.

"I'm so proud of my self!" Sabi niya saka pinatong sa lababo 'yung kamay.

"Gosh!" Sigaw niya dahil sa gulat ng matabig niya 'yung plato na dahilan ng pagkabasag nito.

"Shit!" Inis na sigaw niya. "Shit talaga! Ughrgh!"

____________

Naka upo sa rooftop sila Marcus at Pinty. Nakapatong ang ulo ni Marcus sa balikat ni Pinty habang magkahawak sila ng kamay. 

__________

Kumatok si Yuan sa gate nila Pinty at ngmiti naman siya ng pagbuksan siya ng mommy nito.

"Oh Yuan!" Sabi nito.

"Nandyan po ba si G?" Tanong niya dito.

"Kakaalis niya lang kanina, kasama niya daw 'yung kaybigan niya eh." Sabi nito.

"Ahh, ganun pu ba?" Tanong niya.

"Bakit may sasabihin ka ba sa kaniya? Ako nalang magsasabi kapag- uwi niya."

"Wala naman po tita. Gusto ko lang sanang puntahan 'yung mga magulang niya bago ako umalis." 

"Aalis ka na? Ba't ang bilis naman yata?" Tanong nito. 

"Opo, sila mommy po kasi pinapabalik ako kaagad. Baka daw kung anong gawin ko dito." Natatawang sabi niya.

"Ganun ba? Kaylan ba ang alis mo?" 

"Sa isang linggo na po." Sabi niya.

"Tatanungin ko na lang si G kung may time siya bukas para samahan ka sa mga magulang niya."

"Salamat po."

"Ayaw mo bang pumasok muna?" 

"Hindi na po, maypupuntahan pa po ako." Sabi niya. "Bye po."

"Sige ingat ka." Sabi nito.

"Sige po." Sabi niya saka umalis.

___________

Naka upo si Veronica sa kama at iniisip kung ano ang pwede niyang gawin sa loob ng bahay ng mapatingin siya sa mga gamit na mga damit ni Chen. Tumayo siya saka iyon kinuha at nilabas at tinabi sa washing machine.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon