09"I will chase you... again."

152 28 0
                                    

09"I will chase you... again."

Nakapikit ngayon si Luke habang nakahiga sa higaan niya. hawak-hawak niya 'yung cellphone niya na naglalaman ng isang post galing kay Veronica.

(love biking) post nito.

Hindi naman talaga iyon bigdeal para sa kaniya pero naging bigdeal 'yun dahil sa kanita niya kanina.

Nada-drive si Luke pauwi sa kanila ng makita niya si Veronica. Napangiti siya dahil nakita niya si Veronica.

"Ang swerte ko naman." Sabi niya.

Bababa sana siya sa kotse niya para puntahan ito ng mapatigil siya dahil may ibang lalaki itong kasama.

Nakangiti si Veronica na parang sobrang saya nito habang kasama ang lalaking iyon. Hindi niya iyon nakita kahit minsan kapag magkasama sila.

Nakatingin lang siya sa kanilang dalawa. It's breaking his heart kasi mahal na mahal niya talaga si Veronica at sobrang hirap na makita itong masaya sa piling ng iba.

'I tried and I'm still trying to do everything just to make you happy as much as I can but ...'

'No, Hindi ako susuko. Umaasa akong someday mamahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sayo.'


____

Nanggagalaiting sinara ni Pinty 'yung pintuan ng kwarto niya. Ilang bwan na ang lumipas pero dama parin niya 'yung sakit na dinulot ni Marcus. Pabalibag siyang umupo sa kama at kumuha ng unan at umiyak.

"Paano niya nagawang itapon ang ilangtaon na magkasama kami para sa bwisit na babae na 'yun?" Inis na tanong niya habang umiiyak. "Ang sabi niya hindi niya ako sasaktan pero......" Umiiyak na sabi niya.

"Bwisit ka Veronica! You are Bitch!" Sigaw niya. "Ang daming lalaki sa mundo bakit sa may girlfriend ka pa lumalandi!" umiiyak na sabi niya.

Inis na inis siyang tumayo at tinapon 'yung picture frame nilang dalawa ni Marcus sa basurahan. Binuksan niya 'yung study table niya at duon nakita ang mga sulat ni Marcus sa kaniya nuong sila pang dalawa.

'Lahat ng 'to ay walang kwenta.'

Marcus is one of the reason kaya siya patuloy na nagsusumikap na mag-aral. Marcus is always cheering her up when she's very down. Lagi siyang sinusuportahan ni Marcus sa lahat ng gusto niya kaya hindi niya inaasahang mawawala ito sa tabi niya.

'Sobrang hirap palang lumakad ng mag-isa lalo na kung nasanay kang may kasama. Pag nadapa ako? Sinong tutulong sa akin para muling tumayo at alalayan ako sa paglalakad? Tulad ng ginagawa mo dati?'

"Nasanay na akong laging kasama ka tapos bigla kang mawawala? Bakit mo kaylangan gawin ang lahat ng mga iyon kung magpapaapekto ka lang pala sa ibang babae!"

Agad niyang kinuha 'yung mga sulat nito saka sabay-sabay na tinapon sa basurahan.

Nasa park sila Pinty at Marcus dahil sabi ni Marcus ay may sasabihin ito sa kaniya.

"Ano ba 'yung sasabihin mo?" Tanong niya dito.

"Ano.... kasi let's end this relationship." Sabi nito.

Para siyang binuhan ng malamig na tubig sa sinabi nito.

Nasaktan siya pero pinilit niya tumawa.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon