37

88 13 0
                                    

Chapter 37

Nagulat si Chen ng makita niya si Danaya sa loob ng restaurant.

"Hi, Babe!" Sabi nito sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong niya dito.

"Wala naman. Gusto ko lang kamustahin ang boyfriend ko." Sabi nito.

"Umalis ka na dito bago pa magkagulo." Sabi niya.

"No, I love you." Sabi nito sa kaniya at sinubukan siyang halikan pero agad siyang humakbang palayo.

"Hindi kita mahal." Sabi niya sa mahinang tono.

"Pero minahal mo ako. And I know na may pwesto pa din ako diyan sa puso mo. Alam kong mahal mo pa rin ako pero hindi mo maamin kasi galit ka sa akin." Saka siya hinawakan nito sa braso.

"May problema ba?" Agad siyang kinabahan ng dumating ang daddy ni Chen kaya agad niyang iwinaksi anf kamay nitong nakahawak sa kaniya.

"Wala naman." Sabi nito saka kinuha 'yung bag at umalis. Napabuntong hininga na lang siya sa nangyari.

_________

"Happy birthday." Bati ni Hana kay Veronica na nasa lamesa habang kumakain.

Tipid lang siyang ngumiti dahil hindi siya masaya ngayong kaarawan niya.

Umupo ito sa harap at tinanggal ang salamin at nilapag iyon sa lamesa.

"Alam kong gusto mong mag celebrate kasa ang isang tao. Bakit hindi mo siya puntahan ngayon? Nagpareserve ako sa restaurant ng daddy mo." Sabi nito.

"Really?" Masayang tanong niya.

"Yeah, so fix your self na." Sabi nito kaya agad siyang tumayo at agad na tumakbo sa kaniyang kwarto upang mag-ayos ng kaniyang sarili.
____

Nagulat so Chen ng makita si Veronica na nakaupo sa isa sa mga upuan sa restaurant. Dahan-dahan siyang lumapit dito.

"Veronica....." Pagtawag niya dito at ngumiti lang ito sa kaniya. "May kasama ka ba?" Tanong nito.

"Sit down." Sabi nito sa kaniya.

"Hindi pwede..."

"Just sit down." Sabi niya at hinila ito paupo sa tapat niya.

"Pero..."

"It's my birthday today. Happy birthday to me." Nakangiting sabi niya.

"Happy birthday pero pag nalaman ng mommy mo 't....."

"Pumayag siya na magcelebrate ako na kasama ka." Sabi nito agad nabang nabalot ng kasiyahan ang kaniyang sistema.
________

Magkahawak ang kamay nila Veronica at Chen habang naglalakad sa parke. Sobrang saya ni Veronica dahil nasa tabi niyang muli si Chen.

Umupo siya sa mga upuan duon at ganun din ang ginawa ni Chen.

Napatingin si Veronica kay Chen ng kunin nito ang kaniyang kamay at may nilagay na kung ano.

Napangiti siya sa nakita niya. Isa iyong silver bracelet na may heart. Ng nailagay na nito iyon sa kamay niya ay hinawakan niya ang kamay nito, ang daliri niya ay nasa pagilan ng mga daliri nito.

"Gusto ko sanang bilhan ka ng mas maganda at mas mahal na bracelet pero 'yan lang ang kinaya ng ipon ko. Alam kong hindi 'yan kasing mahal ng mga regalong binibigay sayo ng ibang tao pero sana lagi mo siyang isuot."  Sabi nito saka bumuntong hininga.

"Sure, I will." Sabi niya saka sumandig sa balikat nito. "Thank you for everything." Sabi niya. "Thank you for making me feel so special."

_______

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon