38

99 13 0
                                        

Chapter 38

Napatigil si Yuan sa pagsusulat saka napangiti. Nasa library siya at nag-aaral para sa susunod na examination. Napailing siya sa naisip niya.

"Sobrang tagal na nun bakit hindi ko parin nakakalimutan ang mukha ng babaeng 'yun. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya eh." Sabi niya saka pilit na inalis ang ngiti saka muling itinuon ang atensyon sa pagsusulat.

Ilang saglit pa ay namalayan nanaman niyang nkangiti siya habang nagsusulat. "Fvck!" Bulong niya saka sinara 'yung mga libro ng malakas na dahilan ng paglingon sa kaniya ng ibang estudyante.

Walang lingon siyang umalis ng library at pumasok sa dorm nila.
________

Nagulat si Chen ng paglabas niy sa gate ay nakita niya si Danaya.

"Mag-usap tayo Chen. Please." Sabi nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan." Sabi niya.

"Marami tayong dapat pag-usapan. Marami akong gustong sabihin, marami akong gustong malaman. Pakinggan mo naman ako." Sabi nito na may luha sa mata.

"Sabihin mo na ngayon. Makikinig ako para matapos na ang lahat." Sabi ni Chen. Gusto niyang punasan ang luha nito. Gusto niyang patahanin ito pero para siyang tuod na tinignan lang ito.

"Isang beses lang akong nagkamali Chen. Pitong taon tayong magkasama at ayokong gumawa ng ikakasira natin dahil mahal kita at ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Tingin mo bakit ko sinagot ang engagement? Kasi mahal kita. Bakit kaylangan mo akong pahirapan ng ganito? Hindi ko ginusto lahat ng nangyari."

"Hindi mo ginusto pero...." Pinutol nito ang sasabihin niya dahil alam na nito ang kasunod.

"Pinakinggan mo ba kung ano 'yung nangyari? Alam mo ba kung ano 'yung totoong nangyari? Sana oo pero hindi, ni minsan hindi mo ako pinakinggan." Lumuluhang sabi nito.

"Akala mo ba ikaw lang 'yung nasaktan? Ang alam mo lang pumunta ako sa club at nangyari na 'yunv bagay na 'yun, pero hindi!"

"Wala akong balak na lokohin ka sa simula pa lang dahil mahal na mahal kita Chen. May taong naglagay ng drugs sa inumin ko nung araw na 'yun hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari hanggang sa malaman ko 'yung dahilan na ikakasira natin. Halos masiraan ako ng ulo dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung pano ko itutuloy ang buhay ko pero ginawa ko dahil akala ko matatanggap mo pa din ako. Akala ko papakinggan mo ang mga nangyari sa akin, akala ko.... akalako...."

Hindi na siya nagatubili pa at niyakap ito at pinunasan ang mga luha. Naguguilty siya. Sana pala pinakinggan niya muna ito. Sana pala inalam niya muna ang totoong nangyari.

"I'm sorry..." Bulong niya.

"Bumalik ka na please, please nagmamakaawa na ako. Tanggapin mo na kami ng anak ko." Sabi nito.
________

"I'm sorry..." Bulong ni Chen.

"Bumalik ka na please, please nagmamakaawa na ako. Tanggapin mo na ako ng anak ko." Sabi nito.

Nakatayo siya sa lugar na sakto kung saan niya makikita at maririnig ang pinag-uusapan ng mga ito.

Nakita niyang hinalikan si Chen ng isang babae at nakita niyang hindi pumalag si Chen. Nakaramdam siya ng sakit. Parang sinaksak siya ng patalikod.

Narinig niya ang boses sa kaniyang isip.

Remember 'Man is toxic'

Tumalikod siya at mabilis na naglakad habang tumutulo ang luha. Alam niya kung ano ang namamagitan sa dalawa hindi siya tanga. Pitong taon silang nagsama, na engaged sila anong laban niya dun?

Hinalikan siya nito pero hindi siya pumalag o lumayo man lang. Dahil siguro narealize niyang mahal niya pa din ito.

Baka nalinawan na ito ngayon sa mga nangyari kasi alam na nito ang dahilan. Sa mga narinig niya handa siyang bitawan si Chen, hindi dahil hindi niya na ito mahal kundi dahil sa narinig niya ang salitang anak.

'Bata rin ako na walang ama na nasa tabi at ayokong may isang bata na lumaking walang ama at maging katulad ko. Sobrang hirap, sobrang sakit, at nakakatakot. Gusto kong makita na lahat ng bata ay masaya kasama ang mga magulang nila. Siguro wala talaga akong karapatang sumaya ng matagal. Siguro sapat na ang saglit akong sumaya.'

Bumalik siya sa bahay nila at nagulat ang mommy niya ng makita siya.

"Anong nangyari?" Nag-aalalalang tanong nito sa kaniya.

Naglakad lang siya papalapit dito saka ito niyap. "What happen?" Sanong nito at tinignan siya sa mata.

"Si Chen." Bulong niya.

"Anong meron? Sinaktan ka ba niya? Sabi ko na nga ba masasaktan ka sa kaniya." Pinunasan nito ang luha niya saka pinaupo.

"Her ex... Bumalik ito at sa tingin ko he still love her." Bulong niya.

"Did you ask him?" Tanong nito pero umiling siya. "You should ask him to know the truth."

"I can't. She kiss him at hindi siya pumalag and....." Natigilan siya.

"And what?" Atat na tanong ng kaniyang ina.

"And they have a child." Mas malakas ang naging iyak niya.
_____

Pinipigilan ni Hana na hindi umiyak habang nakatingin sa anak. Kilala niya ang anak niya.

Kapag bata ang pinag-uusapan ay sobrang lambot na ng puso nito.

"Kaylangan mo siyang kausapin Veronica."

"Wala akong laban sa ex niya ma. They've been together for almost 7 years, they got engaged and they have a child." Sabi niya. "The way he looks at the girl, ma."

"Shh." Sabi niya dito saka hinagod ang likod.

Hindi madalas na umiyak si Veeonica sa harap niya at magsabi ng nararamdaman niya kaya alam niyang iba ngayon.

"Can you do me a favor?" Tanong nito.

"What kind of favor?"

"Wag ka ng mangialam." Sabi nito habang nakayakap sa kaniya at umiiyak. "Please."

Agad sihang tumango at hinagod ang likod nito.

_______

Nakaupo si Chen sa kama niya sa loob ng bahay. Nagpaalam na siya na hindi muna siya papasok at pinayagan naman siya.

Sobrang nalilito siya at naguguilty. Sana pala nakinig muna siya.

Napasabunot siya sa sarili niya sa sobrang inis.

Sobra niyang nasaktan 'yung taong minahal siya. 'Yung taong walang balak na saktan siya.

"Ang tanga mo....." Bulong niya habang nakayuko.

_____

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon