Hindi ko akalaing aabot ang story na ito ng chapter 39 kasi one-shot lang naman ang original plan ko dito. SKL HAHAHAHHA.
BY THE WAY, HIGH WAY. HAPPY READING, Darling❤❤
Chapter 39
Malalim na ang gabi at makikita ang mga nagniningning na mga bituwin sa kalangitan. Tahimik ang buong paligid at tanging ang nga munting hikbi lang ni Veronica ang maririnig. Nakatingin ito sa kalangitan kung saan nakikita niya ang pinakamaningning na bituwin.
"Bakit naman sobrang unfair? Ngayon pa nga lang ako ulit sumasaya bakit kaylangan ko na namang masaktan?" Tanong niya.
"Kaya kong ipaglaban si Chen sakahit na sini, kaya ko siyang kunin sa kahit sino pero bakit kaylangang may bata pa na madamay?" Pinahid niya ang mga luhang lumalagaslas sa kaniyang pisngi. "Pano ko babawiin ang taong mahal ko sa isang musmus?" Tanong niya.
Nagbalik sa kaniyang ala-ala ang paghihirap niya nung bata siya, 'yung nga sandaling ninanais niyang sana nasa tabi niya ang kaniyang ama.
"Kawawa ka naman wala kang daddy na sumusundo sayo." Tukso ng kaklasi niya habang nag-aantay sila na dumating 'yung sundo nila.
"May daddy ako. Busy lang siya sa work." Sabi niya na pinipigilan ang pag-iyak.
"Hindi ka niya love kasi hindi ka na niya gustong makasama." Sabi naman ng isa niya pang kaklasi.
"Hindi totoo 'yan! Love ako ng daddy ko. Kayo 'yung di love ng daddy nyo kasi bad kayo, inaaway niyo ako hindi ko naman kayo inaano." Sigaw niya.
Ng ilang saglit pa ang lumipas ay nanatili siyang nakaupo sa kinaroroonan niya habang hinihintay ang kaniyang sundo. Patuloy siyang umiiyak sa mga sinabi ng mga iyon.
"Hindi niya ba talaga ako love kaya niya ako iniwan? Wala na ba siyang care sa akin?" Iyak niya.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Novela JuvenilDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...