30

97 15 0
                                    

Author: Yeah! Kahit walang nagbabasa, nagvovote, nagcocomment at nakakaapriciate ng story na to maliban sa akin ay mag-uupdate pa din ako! Hoping that someday may ibang taong magbabasa nito.

At kung mabasa mo man ito. Love lot Umaasa ako na magustuhan mo ito :*

Chapter 30

"Lola! Lolo!" Sigaw ng batang Veronica habang nakatingin sa lola at lolo niya na ibinabaon na sa hukay.

"Mommy! Daddy! Gusto kong sumama sa kanila. I want to be with them." Pilit niya sa mommy niya na namumugto na ang mata kakaiyak.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa daddy niya saka tumakbo sa mga taong nagtatabon ng lupa sa hukay.

"Stop that!" Sigaw niya saka hinawakan 'yung isang lalaki na agad namang tumigil.

Agad siyang kinuha ng daddy niya saka binuhat.

"No!" Sigaw niya saka nagpupumiglas upang nakababa.

Buong buhay niya ay ang lola at lolo niya ang nagbigay ng pagmamahal na hindi maibigay ng magulang niya sa kaniya. Ang atensyon at pagmamahal na gusto at kaylangan. Pinunan nila lahat ng pagkukulang ng mga magulang niya.

"I want to see them! Tulog lang sila and tommorow they will wake up na!" Sabi niya saka pinilit pa ding bumaba.

"Veronica...." Saway sa kaniya ng kaniyang ina. "Wala na sila lola...." Sabi nito saka tumulo ang luha.

"No mommy. Lola and lolo ay nandito pa. Natutulog lang sila. Let me wake them!" Sabi niya. "Daddy?"

Nung mga oras na iyon ay nangulila siya sa pagmamahal at kalinga. Lahat ng bagay ay hindi na naging sapat.

"Veronica!" Pilit na ginigising ni Chen si Veronica dahil umiiyak ito habang natutulog.

"Lola! Lolo!" Paulit-ulit na sigaw nito.

"Veronica, gumising ka!" Sabi niya at nagmulat naman ito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya dito na agad siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.

"Bakit? Anong problema?" Nagtataka niyang tanong saka niya hinagod ang buhok nito.

"Namimiss ko na sila..." Sabi niya.

Marahil ang tinutukoy nito ay ang lola at lolo niya dahil na din sa sinisigaw nito kanina.

"Galit ako sa mga taong pumatay sa kanila! Galit ako sa mga taong may kaugnayan sa kanila. Pinatay nila ang mga taong nagmamahal sa akin." Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata nito at makikita din ang sobrang pagkamuhi sa mga mata nito.

"I hate Chinese! I hate them! All of them.."

Agad siyang kinabahan sa sinabi nito at sandaling natigilan.

"My lola and lolo went to China to do something at hindi na sila nakabalik dito sa pilipinas ng buhay dahil sa isang aksidente na nangyari. Sinira nila ang buhay ko." Sabi niya.

"Pero ang sabi mo aksidente ang nangyari. Hindi dahil kasalanan ng isang tao ay kasalanan na din ngmga taong may kaugnayan sa kanila."

"I don't care! All I know is I hate them. They are the reason why I'm suffering right now. Why my mom is like that!"

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon