33

100 13 1
                                    

Chapter 33

4 am pa lang ng umaga ay nasa kalsada na si Chen. Nagda-drive siya ng motor ng biglang huminto 'yung sasakyan sa harap niya. Nabangga siya sa sasakyan saka sumemplang mula sa sasakyan. Nagkalat ang mga kahon ng idi-deliver niya sa kalsada. Agad siyang tumayo at isa-isang pinulot 'yung mga kahon.

Habang nagpupulot siya ay mabilis na umalis 'yung lalaking nagdadrive ng kotse.

"Gag* 'yun ah!" Sabi ng isang lalaking nakamotor at halatang nagdedeliver din. Bamaba ito sa motor saka siya tinulungan siyang pumulot ng mga kahon.

"Nasaktan ka ba?" Tano ngito sa kaniya.

"Ayos lang ako. Salamat." Sabi niya saka kinuha 'yung mga kahon sa kamay nito at muling tinali sa likod ng motor niya saka sumakay ulit sa motor. "Salamat sayo ah una na ako." Sabi niya dito.

"Sige ingat ka." Sabi nito. Pinaandar na niya 'yung motor niya.

________

Pagtapos i-deliver ni Chen 'yung mga kaylangan niyang i-deliver ay nagpahinga muna siya saglit sa gilid ng kalsada. Umupo siya sa gilid ng sidewalk katab ng moor niya. Kinuha niya 'yung tinapay at tubig naya sa bag saka duon kumain. Paglingon niya sa tuhod niya ay nakita niyang nasira na 'yung pantalon niya at may kaunting sugat din 'yung tuhod niya.

Napatingin siya sa cellphone niya at nakita niyang 30 minutes na lang ay magbubukas na 'yung restaurant kaya madali niyang inubos 'yung tinapay na hawak niya saka uminom ng tubig at muling sumakay sa motor para pumunta sa restaurant.

_____________

"I'm sorry po talaga tita pero kaylangan ko po talagang umuwi ng pilipinas." Umiiyak na sabi ni Pinty sa mommy ni Marcus ito saka sinulyapan habang natutulog.

"Okay lang hija. Ako ng bahalang magpaliwanag kay Marcus." Sabi ng mommy nito saka siya tinapik sa balikat.

"Sorry po talaga." Paghingi niya ng tawad saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.
_________.

Pinipigilan ni Marcus na tumulo ang luha niya habang nakapikit ng marinig niya ang pagsarado ng pinto na nagsasabing umalis na si Pinty.

Naiintindihan naman niya na kaylangan talaga nitong umuwi sa pilipinas dahil sa patuloy na pagkalugi ng restaurant ng daddy niya.

Umupo siya at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata.

"Nakaalis na po ba siya?" Tanong niya sa ina na parang nagulat.

"Gising ka pala. Bakit hindi ka man lang nagpaalam kay Pinty?" Tanong ng kaniyang ina.

Umiling lang siya saka yumuko. "Ayokong makita siyang umalis." Sabi niya. "Baka pag nakita ko siya ay pigilan ko lang siyang umalis at mahihirapan siya pagnagkataon."

"Pwede bang humingi ng pabir?" Tanong niua sa kaniyang ina.

"Oo naman." Mabilis na sagot ng kaniyang ina.

"Pwede bang tulungan nyo sila Pinty para mabayaran lahat ng mga utang nila?" Tanong niya sa ina.

Tumingin siya sa mata ng ina at duon niya nakita ang gusto nitong sabihin na hindi.

"Syempre hindi...." Sabi niya saka iniwas ang tingin sa ina.

"Marcus. Hindi naman sa hindi ko sila gustong tulungan pero si Hana ang makakalaban natin kapag nagkataon. Alam naman natin na kaya niyang pabagsakin ang negosyo natin 'di ba? Paano pag tayo naman ang bumagsak? Paano ka? Paano ang pagpapagamit mo?" Tanong ng kaniyang ina.

Tumango na lang siya bilang sagot.
_______

Yakap-yakap ni Veronica 'yung manikang binigay sa kaniya ni Chen. Nakahiga siya sa kama habang umiiyak. Naalala niya ang unang gabi niyang nakita si Chen na nakaupo sa swing.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon