Chapter 26
Tahimik na nagluluto si Chen sa kusina ng may marinig siyang kumalabog sa kung saan kaya napalingon siya at nakita niya si Veronica na nakaupo sa sahig. Agad niyang pinatay 'yung kalan at nilapitan ito.
Ng lapitan niya ito ay pinagpapawisan ito at namumutla ang mga labi.
"Anong nangyari?" Tanong niya dito pero tinuro lang nito 'yung niluluto niya at duon niya naalala na takot pala ito sa apoy kaya bigla siyang kinabahan.
"Anong gagawin ko, ah, ano. wala na 'yung apoy." Sabi niya dito saka pinunasan 'yung noo nito na pinagpapawisan.
Maslalo siyang kinabahan ng nakita niyang dry na ang labi nito at nahihirapang huminga.
_____________________
Naka upo si G sa sofa at nagsusulat sa isang bond paper.
5 things my boyfriend should do
1.he should love me
2. he should treat me better
3. He should know how to say sorry
4. he should listen to me
5. he should let me go if needed
Bigla niyang tinago sa libro niya 'yung papel na sinusulatan niya ng sumigaw 'yung mommy niya.
"G! Nandito si Yuan!" Tawag nito sa kaniya.
Agad siyang tumayo at nagmadaling lumabas.
Napatawa siya ng malakas ng makita niya si Yuan.
"Anong trip mo ang init-init naka leather ka." Sabi niya dito.
"Wag mong pagtawanan si Yuan. Ang gwapo kaya!" Sabi ng mommy niya.
"Tama si tita! Hindi ka lang talaga marunong pumorma." Sabi nito sa kaniya.
"Edi wow. Bakit nandito ka?" Tanong niya dito.
"Hindi mo ba ako papapasukin? Ang init na kaya?" Tanong saka tinanggal 'yung jacket.
"Leather pa nga." Sabi niya saka umalis sa pinto. "Oh." Sabi niya kaya pumasok naman ito.
Paglagpas nito sa kaniya ay ibinato nito sa muka niya 'yung jacket pagkatanggal niya nuon sa mukha niya ay nakita na niyang nakaupo si Yuan sa sofa nila.
"Tita sabi mo tuturuan mo akong mag bake?!" Sigaw ni Yuan habang nakatingin sa ina niyang nagtitimpla ng juice.
"Tuturuan nga kita." Sabi ng mommy niya saka nilapag 'yung juice sa harap nila.
"Kelan po?" Tanong nito saka uminom.
"Gusto mo ngayon na eh." Sabi nito saka pumunta ng kusina. "Si G magaling 'yan mag bake."
"Talaga?" Tanong nito sa kaniya kaya tumango siya.
"Ayaw ko na po pa lang mag paturong mag bake sa inyo." Sabi nito sa mommy niya kaya nagtaka ito.
"Huh, akala ko ba gusto mong matutu?" Tanong ng kaniyang ina.
"Gusto ko nga po kaso ayaw ko kayong maabala kaya kay G na lang ako magpapaturo. Muka naman pong wala siyang ginagawa eh." Sabi nito saka nagtaas baba pa ang kilay sa kaniya.
"Pwede din, wala namang ginagawa si G." Sabi ng mommy niya.
"Tara na." Sabi nito sa kaniya at hinila siya papuntang kusina.
"Pumayag ba akong turuan ka?" Nagtatakang tanong niya.
"Ayaw mo ba?" Tanong nito na parang nalungkot.
"Joke lang ikaw naman!" Sabi niya saka tinapp 'yung balikat nito.
"Alam ko, hindi mo kasi matiis ang kagwapuhan ko kaya mapapapayag ka agad." Sabi nito sa kaniya kaya napatawa siya.
"Sige buhatin mo pa 'yang bangko mo." Pang-aasar niya.
__________________
Nakaupo si Veronica sa kama ng inabutan siya ni Chen ng tubig.
"Ayos ka na ba?" Tanong nito sa kaniya kaya tumango siya at kinuha 'yung tubig.
"I'm sorry. Dahil sa akin hindi ka nakapasok sa trabaho mo, saka pinag-alala pa kita." Malungkot na sabi niya.
'Kaya ko nga bang mabuhay ng ganito kung simula pa lang ay nahihirapan na ako? At dinadamay ko pa siya.'
"Ano ka ba ayos lang 'yun. Wag mo ng isipin 'yung nangyari." Sabi nito sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Bakit nga pala dala mo 'yung maleta mo dito?" Tanong nito sa kaniya saka siya tinignan. "Wag mong sabihing naglayas ka?"
"Parang ganun pero hindi ganun." Malungkot na sabi niya.
"Huh?" Nagtatakang tanong nito.
"My mother is mad at me right now and she doesn't want to see me."
"Kaylangan mong ayusin 'yung problema nyo ng mommy mo."
Umiling siya bago nagsalita.
"It's hard to fix it." Sabi niya. 'Kasi kapag ginawa ko 'yun mawawala ka sa akin.'
________________
Hinahanda na nila G yung mga kaylangan sa pagbi-bake. Nilapag niya sa lamesa 'yung flour, baking soda and salt saka kumuha ng maliit na mixing bowl.
"Paghalu-haluin mo 'yan." Utos niya dito na ginawa naman nito.
Kukuha sana siya ng asukal pero tumunog 'yung cellphone niya kaya tinignan niya muna iyon at nakita niyang nagtext si Luke.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nakaingin siya sa cellpone niya.
_________
Napatingin si Yuan kay G ng tumunog ang cellphone nito. Agad nitong ibinulsa ulit 'yung cellphone at nilapag sa harapa niya 'yung asukal na para bang nagmamadali.
"Kay mommy ka na lang magpaturo may pupuntahan ako." Sabi nito saka siya tinapik sa balikat at agad na nagpaalam sa ina.
"Mommy may pupuntahan lang ako saglit." Sabi nito sa mommy nito.
"Sige." Pagpayag nito pero piigilan kaagad. "Teka, akala ko ba tuturuan mo si Yuan?"
"Sa susunod na lang po." Sabi nito. "Kayo na lang po muna magturo sa kaniya." Sabi nito saka naglakad palabas.
Nagtataka siya kung ano o kung sino 'yung nagtext dito.
"Anong meron dun tita?" Tanong niya sa mommy ni G.
"Hindi ko din alam eh. Hindi naman pala kwento 'yang bata na 'yun." Sabi nito.
"Teka ano na ba 'yang nasimulan niyo?" Tanong nito sa kaniya.
"Eto po, pinahalo niya sa akin." Sabi niya saka pinakita 'yung hinahalo niya.
-------------------
Nakaupo si Luke sa loob ng isang restaurant kaharap si G.
"Do you still love her?" Tanong ni G sa kaniya kaya tumango siya.
"Kung mahal mo siya bakit mo siya binitawan?" Tanon ni G kahit nasasaktan na siya.
"She don't want me....."
'Pero ako oo.' Sabi ni G sa isip niya.
__________________
Pumunta ng garden si Chen para sana papasukin na ng bahay si Veronica dahil gabi na ng makita niya itong nakatalikod at may kung-anong ginuguhit. Napahinto siya at tinignan lang ito. Ilang saglit lang ay yumuko ito na para bang umiiyak.
Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito.
"Are you okay?" Tanong ni Chen kaya tumango ito habang nakayuko pa din.
"Pwede mo namang sabihin sa akin 'yung problema mo eh." Sabi niya dito.
"I'm okay." Sabi nito saka pinunasan 'yung luha. "Pasok na tayo." Sabi nito saka naunang tumayo at pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...