CHAPTER 07
Papasok na ng classroom si Veronica ng makita niya sa labas ng room nila si Pinty ang mommy nito at ang daddy niya. Muka talaga silang masayang pamilya kung titignan.
Napahinto siya sandali at pinagmasdan ang senaryong iyon. Bigla siyang nabalot ng lungkot sa nakikita niya.
'Ano kaya yung feeling ng may tatay?' Malungkot na tanong niya sa sarili habang nakatanaw pa din sa kanila.
Matapang siya na naglakad papalapit sa kanila at binangga ang mga ito.
"Auch!" Maarteng daing ni Pinty at ng nanay nito.
"Bulag ka ba?" Tanong ni Pinty sa kanya.
"No." Mataray na sabi niya. "Eh kayo blind ba kayo? Nakita ninyo ng door yan tapos binoblock niyo? Mga pashine." Inis na sabi niya at akmang papasok na sana ng magsalita ulit si Pinty.
"Bakit? Inggit ka ba sakin? Wala ka kasing daddy!" Pang-aasar nito.
"Pinty!" Saway naman ni Felipe na kaniyang Ama.
"Anong ikaiinggit ko sayo? Kaylangan ko bang kainggitan ang may stepfather na iniwan ang totoong pamilya para sumama sa babaeng ito?" Nang-aasar na tanong niya gamit ang malakas na boses saka tinignan 'yung magulang kuno nito.
Naririnig niyang nagbubulong-bulungan na ang mga kamag-aral niya.
"Ikaw!" Sabi ng mommy nito.
"Veronica!" Saway naman ni Felipe sa kaniya.
Habang si Pinty naman ay nakatulala lang.
"Wala kang karapatang tawagin ako sa name ko. Bakit close ba tayo?" Nandidiring tanong niya habang nakatingin sa ama.
"Ilang beses ko ng sinabi sayo na don't try me, Pinty." Naawang sabi niya. "Kung bitch ka mas bitch ako. Kung brat ka mas brat ako. Tandaan mo." Sabi niya sa siryosong tono pero agad din namang ngumiti.
"Remember that bitch!" Sabi niya sabay kindat.
________Nasa principals office ngayon si Veronica katabi ang kaniyang ina habang kaharap si Pinty at ang magulang nito.
"Ma'am Hana, nagreklamo po ang magulang ni Pinty dahil sinabihan ni Veronica ng bitch si Pinty." Sabi ng Principal.
"Principal, sino sa inyo ang mas tanga? Ang sabi ko KUNG BITCH KA MAS BITCH AKO. Malay ko bang natamaan siya siguro totoo." Inusenteng sagot niya habang naglalaro ng kung ano sa cellphone niya.
"Malaking kahihiyan ang binigay mo sa pamilya namin!" Galit na sabi ng mommy ni Pinty.
"Ayus lang 'yun. Mang-agaw nga ng asawa malaking kahihiyan na eh." Sabi niya.
"At talagang!" Galit na sabi nito at akmang sasampalin siya ng magsalita ang mommy niya.
"Subukan mong idampi 'yang kamay mong kasing pangit mo sa magandang muka ng anak ko at sisiguraduhin kong kahit anong retoke ang gawin sayo ay magiging mas maganda pa din ang gorilla." Mataray na sabi ng kaniyang ina.
"Ganito nalang principal. Lilipat nalang ng school ang anak ko." Mataray na sabi ng mommy niya.
Agad na nataranta 'yung principal dahil sa sinabi ng mommy ko. Ang share kasi ng mommy niya sa school ay kasing halaga ng hangin para sa tao.
"Wag naman po sanang humantong sa ganun Ms. Hana." Sabi ng principal. "Tingin ko naman po Ms. Hana sa usapan ito eh."
"Kung ganon aalis na kami at kayo nalang ang bahalang kumausap sa mga taong 'yan dahil hindi ako nakikipag-usap sa mabababang uri ng tao." Sabi ng mommy niya saka tumayo.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Novela JuvenilDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...