Tatlong oras ng nakatitig si Luke sa cellpone niya at hinihintay 'yung reply ni G sa pagbati niya dito.
"Baka tulog pa siya." Sabi niya saka pinatay 'yung cellphone at muli na namang sinindi. "Tss." Sabi niya saka itinabi 'yung cellphone niya saka humiga.
Hindi siya sanay na hindi siya nirereplyan agad ni G kaya kahit ilang oras na ang lumipas ay hinihintay niya pa din iyon.
Nanatii lamang siya na nakatitig sa kisame habang nakapatong ang kamay sa noo.
---------
Pagpasok ni G sa loob ng kwarto niya ay agad siyang humiga pero may naramdan siyang kakaiba sa kama niya kaya kinuha niya iyon. Cellpnone niya iyon. Agad niya itong binuksan at nakita ang halos 100 na tawag kay Luke at isang message.
Missed call: 100
12 am Text from Luke: HAPPY BIRTHDAY:*
Agad siyang nag reply.
Guinevere: Thanks :)
Reply niya saka muling pinatay 'yung cellpnone niya.
_________
Maagang nagising si Chen upang mag-ayos ng sarili para mag-apy ng trabaho. Nagulat siya ng makita niya si Veronica sa labas ng gate ng bahay niya.
"Hi!" Nakangiting sabi niya dito.
"Bakit ang aga mo yata?" Tanong ni Chen saka tuluyan ng lumabas ng gate at sinara iyon.
"Tinanong ko 'yung mga katrabaho mo kahapon pero ang sabi nila sa akin ay hindi ka na daw dun nagtatrabaho kasi natanggal ka. Alam kong maaga kang aalis para maghanap ng trabaho kaya maaga din akong pumunta dito kasi baka hindi hindi na ako makapunta dito mamayang hapon."
"Gwapong-gwapo ka sa akin na kayangan araw-araw mo akong makita." Pang-aasar niya dito.
"No. You are not handsome. Isa ka sa mga toxic para sa akin." Sabi nito at sinabayan ito sa paglalakad.
"Ah, toxic?" Tanong niya saka tumgano-tango.
"Pero sa lahat ng toxic ikaw lang 'yung gusto kong makasama." Sabi nito saka hinawakan ang kamay niya kaya napangiti siya.
'Pano ko siya lalayuan? Kung gusto kong nasa tabi ko siya?' Tanong niya sa sarili habang nakatingin kay Veronica.
_______
Kinabukasan nagising si G at agad na naghilamos at nag-ayos ng sarili. Paglabas niya ay may mga pagkain ng nakahanda sa hapagkainan nila.
"Good morning sweety!" Bati sa kaniya ng daddy niya saka nilapag 'yung palabok sa lamesa.
"Good morning po." Sabi niya dito saka ngumiti.
Nagpapasalamat siya sa mga taong umampon sa kaniya dahil tinuturing talaga siyang totoong anak ng mga ito.
Napatingin siya sa pintuan ng marinig niyang may nag doorbell.
"May bisita po ba kayong inimbitahan?" Tanong niya sa mga ito.
"Wala, pakitignan na lang kung sino 'yun." Sabi ng mommy niya kaya tumango siya at pumunta sa gate nila at binuksan iyon.
"Oh My God!" Gulat na sabi niya at napangiti ng makita kung sino 'yun. "Yuan!" Masayang sabi niya.
"G!" Sabi nito saka siya niyakap. May dala itong backpack at medyo magulo ang buhok. "Bat namamaga 'yung mga mata mo?" Tanong nito saka hinawakan ang mga iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/228230306-288-k150350.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...