08 Love Biking
Nakatingin si Chen ngayon sa kaniyang maliit na bahay habang nakatayo sa gilid ng kaniyang kama. Bigla niyang naalala 'yung sinabi ni Veronica
"We're not living in a fantasy na kahit isa kang beast ay magugustuhan ka parin ng isang beauty o ang tanging iniisip lang ay ang love itself. We're living in reality na kaylangan ng pera para mabuhay."
"Tama siya. We're not living in a fantasy." Sabi niya at napahiga sa kama niya.
_________Habang naglalakad si Veronica sa hallway ng school nila ay may biglang tumawa ng sobrang lakas kaya napalingon siya duon.
"Halos lahat ng nasa school natin magce-celebrate ng father's day mamayang uwian, pero 'yung kakilala mukang hindi makakapag-celebrate." Mapang-asar na sabi ni Pinty.
"Oh well hindi ako isa sa kanila." Matapang na sabi niya.
"Talaga ba.... Pano 'yun hindi mo naman kasama ang daddy mo?"
"Tama ka hindi ko nga siya kasama. Pero tuloy parin ang celebration namin ng father's day. Akalain mo 'yun nakalaya kami sa isang walang kwenta. Father's day is like independence day." Sabi niya saka tumalikod.
"Nga pala, kung pinagmamalaki mo walang kwenta mong tatay ipagpatuloy mo lang dahil wala akong PAKE." Sabi niya saka naglakad na palayo.
Habang naglalakad siya ay biglang tumulo ang luha niya.
'Buti pa siya naka kasama ang daddy ko.'
________Nasa isang fine dining restaurant si Veronica. Nagulat siya ng makita niya si Chen na nagbigay sa kaniya ng menu.
"Dito ka nagtatrabaho?" Manghang tanong ni Veronica.
"Yup." Sabi lang ni Chen. "So what's your order Madame." Magulang na sabi nito.
"Just salad." Sabi lang niya.
________"Talaga ng hinintay mo pang natapos ang work ko." Sabi ni Chen habang naglalakad sila ni Veronica sa park.
Medyo hapon na at marami din silang nakikita na mga pamilya o mag girlfriend na nasa park din.
"Wala naman kasi akong gagawin ngayon." Sabi ni Veronica saka umupo. Umupo din si Chen sa gilid niya.
"Ang saya nila noh?" Tanong niya kay Chen habang nakatingin sa mga batang naghahabulan habang may hawak na lobo. "Wala akong maalala na nakahawak ako ng lobo nung bata ako." Malungkot na sabi niya.
Napatingin naman si Chen kay Veronica na busy sa pagmamasid sa mga bata. Nakita niyang nagniningnig ang mga mata nito.
Tumayo si Che at akmang aalis ng magsalita si Veronica.
"Hoy, teka! San ka pupunta?" Tanong niya.
"Wait lang may bibilhin lang ako." Sabi ni Chen kay Veronica. "Mag bilang ka ng one to one hundred pag tapos mong mag bilang nakabalik na ako." Sabi ni Chen saka tumakbo.
"One, two, three, four, five........ Ninety seven, ninety eight, ninety nine. Sabi niya mag bilang ako ng one to one hundred pero hanggang ngayon wala pa din siya."
"Nandito na kaya ako." Narinig niyang may nagsalita sa likod niya kaya lumingon siya duon.
"Tada!" Sabi ni Chen saka pinakita sa kaniya 'yung hello kitty na balloon.
![](https://img.wattpad.com/cover/228230306-288-k150350.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...