CHAPTER 12
Papauwi na si Pinty sa kanila. Nakasakay siya sa likod ng kotse habang nagda-drive naman ang daddy niya katabi ang kaniyang mommy. Nakatingin lang siya sa bintana dahil sa pagkabagot. Napadaan sila sa isang malaking hospital sa lugar nila at biglang napako ang tingin niya sa isang lalaking pumasok duon. Si Marcus iyon kasama ang mga magulang niya.
"Anong meron?" Tanong niya sa sarili.
"Saan?" Tanong ng daddy niya.
"Ah, nothing." Sabi niya.
________Nakatingin ngayon si Veronica sa orasan. 5 pm na kaya medyo madilim na din sa labas. Nakasuot siya ngayon ng isang may hoodie na jacket at pants. Kinuha niya din 'yung salamin niya at dahan-dahan na umalis sa kaniyang kwarto. Palabas na sana siya ng gate ng may naalala siya.
"Hoy ikaw!" Pabulong na tawag niya sa isang maid na nakita niya. "Pag hinanap ako ni mommy mamaya sabihin mo nasa kwarto ako." Sabi niya dito.
"Opo." Sagot naman ng katulong nila.
"At bakit ka naman nagtatago diyan ha?" Tanong ng mommy niya kaya dahan-dahan niyang tinanggal 'yung salamin niya at tumingin dito.
"Oo nga. Bakit ako nagtatanong?" Tinanggal niya 'yung salamin at tumakbo. "Bye see you!" Sabi niya saka tumakbo palabas.
____Nagulat si Chen ng makita niya si Veronica sa labas restaurant na pinagta-trabahuan niya.
"Sabi ko na nga ba 5:30 ang out mo sa trabaho eh." Bungad sa kaniya ni Veronica.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya dito.
"Nothing I just want to see your face." Sabi nito sa kaniya at tumalikod at humakbang ng tatlo palayo sa kaniya. "Bye!" Sabi nito at tumakbo palayo.
"Huh? Anong problema niya?" Tanong ni Chen sa sarili habang nakatingin kay Veronica na papaalis.
________Nakangiti si Veronica habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit siya nagpunta sa restaurant na pinagta-trabahuan ni Chen para lang makita ang muka nito.
"So crazy!" Inis na sabi niya habang nakangiti.
_______Nakatingin si Hana sa cellphone niya para tignan kung sino 'yung nag massage sa kaniya. Nagtataka siyang tinignan 'yung cellphone niya dahil sa isang litrato na pinadala sa kaniya.
"Picture with him? Again?" Nakangiting tanong nito.
Agad niyang dinayal 'yung number ni Luke at agad naman nitong sinagot 'yun.
"Hello po tita." Sagot nito.
"Do you really love my daughter?" Mataray na tanong niya.
"Opo naman tita. Bakit niyo pa naitanong?" Tanong ni Luke sa kaniya.
"Alam mo namang mas gusto kita kaysa sa mga ibang umaaligid kay Veronica 'di ba?"
"Syempre naman po tita, alam ko po. May problema po ba tita?" Tanong nito.
"Kung ganon gawin mo ang lahat para magustuhan ka niya. Tutulungan kita kung kaylangan mo." Sabi nito.
"Ano pong ibig nitong sabihin?" Tanong nito.
"Hindi ko naman yata gustong alisin pa ang diamon sa kamay ng kamay ko pwera na lang kung ang isang ordinaryong bato ay kayang lagpasan ang isang diamond." Nakangiting sabi nito.
"Hindi ko po 'yun hahaha ang manggyari."
"Let us see. Bye." Sabi niya saka pinatay yung tawag.
________Hating gabi na at nakahiga na si Guinevere sa kama upang matulog. Tinanggal na niya ang kaniyang salamin sa mata at kinumutan ang sarili. Ng saktong pagpikit ng kaniyang mata ay kasabay ng pagring ng kaniyang cellphone.
Agad niyang kinuha iyon at sinagot.
"Hello po..." Inaantok na sagot niya habang nakapikit ang mga mata.
"It's me Luke." Sagot ng nasa kabilang linya.
"Ah. Ano ba 'yun?" Inaantok na tanong niya dito.
"Since nakasama mo si Veronica for a long time, siguro may mga bagay ka na alam tungkol sa kaniya. Like hates or wants?"
Bigla siyang napamulat ng mata ng marinig niya iyon.
"Ah tungkol kay Veronica." May mababakas na kaunting lungkot sa boses nito.
"Yeah."
"Ayaw niya ng diamond..."
"Wait. What? She hate diamonds? But why?" Confuse na tanong nito.
"Yes? Siguro dahil sa proposal ng daddy niya sa bagong asawa nito? And you know. Hindi katulad ng ibang babae si Veronica. Sobrang hirap hanapin ng kiliti niya." Sabi niya saka muling pumikit.
"Tama ka. Pero sa tingin mo ano 'yung mga bagay na gusto ng babae?" Tanong nito.
"Maybe some flowers, chocolate, stuff toy, letter... Wait Veronica hate letters anyway."
"Thanks for the info. Bye." Sabi nito saka pinatay 'yung tawag.
"Thanks to me." Malungkot na sabi niya saka ibinaba 'yung telepono.
__________Nakadapa si Marcus sa kaniyang kama habang nagsusulat. May mga maliliit na colored paper sa tabi niya at isang malaking garapon na may lamang mga papel na may iba't ibang kulay na nakatupi.
Nakalagay sa labas ng harapan ang salitang pease read it all.
Nagulat siya sa isang kulay pink na lapel.
•YOU ARE MY EVERYTHING
-YOU BECAME MY LIGHT WHEN I WAS IN THE DARK.
-YOU ARE MY CHEERLEADER. THE ONE WHO ALWAYS CHEER ME UP.
-YOU ARE THE GIRL WHO MAKE ME FEEL SPECIAL.Itinupi niya ito saka hinulog sa garapon.
•You make me a better person.
-Sabi nga nila walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Remember the first day we met?Bigla siyang natawa sa sinulat niya dahil may biglang nag flashback sa kaniya.
Naglalakad si Marcus sa school canteen. Maangas siyang naglalakad habang nakasuot ng uniform na hindi nakabutones at may sando na puti sa loob. Nakaauot din siya ng school pants at black shoes. May tatlo siyang butas sa tenga na nilagyan ng tatlong itim at bilog na hikaw. Magulo ang buhok niya na may kulay palang panyo sa ulo.
May ilang tumatabi sa Dadaanan niya at may iba din namang yumuyuko.
May bigla siyang nakitang magandang babae na kumakain kasama ang mga kaybigan nito. Ang babaeng iyon ay si Pinty.
Agad siyang lumapit sa pwesto ng mga ito saka umupo sa tabi ni Pinty. Kinuha niya ang kinakain nitong burger sa kamay nito. Kinagatan niya iyon kaya napatingin sa kaniya si Pinty.
Hindi niya inaasahan ang pagngiti nito sa kaniya kaya nginitian niya din ito.
"Girl. Pwede bang akin na lang 'yang burger mo?" Tanong nito sa kasama niya na siya namang nagbigay ng burger dito.
Agad na binuksan ni Pinty 'yung burger saka iyon isinampal sa kaniya.
"Ayan baka kasi gutom kayalangan pa eh." Sabi nito as kaniya sabay tayo at umalis.
Natatawa niyang tinupi 'yung papel at hinulog iyon sa garapon.
•You are the Amazing Person I've ever met.
-Paanong nangyaring natalo ng isang maliit na pusang tulad mo ang isang Leong tulad ko? Nagawa pa akong pasunurin ng isang pusa.Muli niyang pagsulat saka muling inihulog iyon.
Kumuha siya ng isang white paper saka iyon sinulatan.
Sa loob ng tatlong bwan na hiningi ko sayo. Lahat ng gusto kong sabihin sayo ay nasa loob na nito. I'm sorry kung nasaktan kita akala ko kasi tama 'yung ginawa ko pero mali ako. Remember that I will always love you.
______Hi guys! I just want to promote my other stories like
Destined For You - COMPLETED
Own Version of Love - ON GOING
Ala-ala ng silid 229- COMPLETED
5,000 pesos just to have you. ON GOINGYOU CAN ALSO FOLLOW ME IF YOU WANT.
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, SHARE AND LOVE YOUR SELF. ;)
_________
![](https://img.wattpad.com/cover/228230306-288-k150350.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Novela JuvenilDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...