Chapter 31
Kakatapos lang kumain nila Chen at Veronica. Inaayos na ni Veronica 'yung mga lato sa hugasin at naiwan naman siya sa sala upang ayusin ang sarili para pumasok na.
Napatingin si Chen sa cellphone ni Veeonicang makita niyang may nagtext duon.
Mommy: Kung may nangyaring masama o kung may nalaman kang hindi maganda, pwede kang bumalik sa bahay.
Agad siyang kinabahan sa nakita niya.
"Sino 'yung nagtext?" Tanong nito sa kaniya.
Tumayo siya at tinignan ito sa mata."Pwede bang mangako kang hindi mo ako iiwan?" Nagsusumamo na tanong niya dahil parang hindi niya kakayanin kapag-iniwan siya ni Veronica.
Alam niyanv wala siya sa posisyon upang hilingin ang bagay na iyon pero gusto niyang marinig mula sa bibig nito na hindi siya iiwan ni Veronica.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" Tanong nito.
Agad niya itong niyakap at parang nagulat ito sa ginawa niya.
"Please, mangako ka sa akin na hindi ka aalis sa tabi ko. Kahit anong marinig o makita mo ay kaylangan mo muna akong tanungin. Kaylangan mo munang marinig ang paliwanag ko. Kaylangan mong pakinggan muna ako. Please.."
"Ano bang problema mo? May nangyari ba?" Tanong ni Veronica.
"Pwede bang ipangako mo 'yon sa akin?" Tanong niya.
"Oo, sige." Sabi nito saka tumango kaya parang nabawasan ang kaba na nararamdaman niya. "Bakit may kaylangan ba akong malaman?" Tanong nito pero umiling lang siya.
"Para kang tanga." Natatawang sabi nito. "Malelete ka na."
"Sige, aalis na ako." Sabi ni Chen.
"Bye!" Paalam ni Veronica habang nakadungaw sa pinto.
Huminga siya ng malalim bago lumabas sa gate.
Naglalakad siya papunta sa trabaho niya ng may magtext sa kaniya na isng number.
Unknown Number:
NAME: CHEN CHING
NATIONALITY: FILIPINO-CHINESESAPAT NA ANG IMPORMASYON NA 'YAN PARA LAYUAAN KA NI VERONICA. MAGHANDA KA NA DAHIL SOONER OR LATER MAWAWALA NA SIYA SA TABI MO.
"Hindi 'yun mangyayari. Nangako siya sa akin na pakikinggan niya ako." Sabi niya sa sarili at tinago 'yung cellphone saka muling naglakad.
___________
Nakatingin si Marcus sa kamay nila ni Pinty na magkahawak. Binabasahan siya ni Pinty ng libro ng matigilan ito sa sinabi niya.
"Kung nahihirapan ka na pwede namang tumigil ka na. Kung napipilitan ka lang pwede namang wag mo ng gawin." Sabi niga saka medyo niluwagan ang kamay nito.
Kakalas na sana siya sa pagkakahawak sa kamay nito ng hinabol ito ni Pinty at hinawakan ng mahigpit.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Pinty habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/228230306-288-k150350.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...