Napadaan si Chen sa isang pamilyar na bahay habang nagdedeliver siya. Napahinto siya at pinagmasdan ang malaking abandonadong bahay. Ito 'yung bahay ng grand parents ni Veronica na pinuntahan nila dati.
__________
Nasa airport na si G kasama ang mga magulang niya. Napagdesisyonan niyang tanggapin 'yung inoffer sa kaniyang 1 year scholarship sa ibang bansa.
"Aalis na po ako." Sabi niya sa mga magulang niya at niyakap naman siya ng mga ito.
"Guinever!!" Malakas na isaw ng isang lalaki na tumatakbo papalapit sa kanila.
Hingal na hingal itong tumayo sa harap niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka?" Tanong nito.
"Bakit kaylangan kong savihin sayo?" Tanong niya.
"Akala ko ba... Akala ko ba gusto mong patunayan ko sayo 'yung nararamdaman ko?" Tanong nito.
"Pano ko gagawin 'yun kung aalis ka? Pano ako...."
"Luke. Paano ako? Paano ako kung lagi kong iisipin kung pano ka? Hindi pwedeng umikot lang sayo ang buhay ko dahil may buhay din ako, kaylangan din ako ng sarili ko. Kung mahal mo ako kaya mong patunayan 'yang pagmamahal mo kahit nasan pa ako. At kung himdi mo kayang patunayan ang pagmamahal mo dahil lang malayo ako sayo, kalimutan mo na ang salitang mahal mo ako." Sabi niya habang nakatingin dito.
"Ma, Pa. Aalis na po ako." Sabi niya saka tuluyan ng umalis.
________
"Ikaw ba si Luke?" Tanong ng ina ni G kay Luke. Nasa isang restaurant sila. Inaya kasi siya ng mga ito kanina bago sila umalis.
"Ako po." Sagot niya habang nakatingin sa mga ito.
Bumuntong hininga ang ama ni G.
"So, ikaw pala 'yung lalaki na 'yun?" Tanong nito kaya napakunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Sa likod ng ilang notebook ni G nakasulat ang pangalan mo at may ilang drawing pa dun. Madalas din naming naririnig ang pangalan mo kapag nagkukwento siya at may sinabi din sa amin ang kababata ni G na may nagugustuhan na daw ito." Sabi ng ama nito.
"At ang pangalan daw ay Luke." Napanganga si Luke sa sinabi ng ina nito.
_________Nagulat si Veronica ng pumasok ang kaniyang ina sa kwarto niya.
"Nagpadeliver ako ng bagong sapatos, kunin mo sa baba." Utos nito sa kaniya.
"Ayoko ng bagong sapatos.." Sabi niya saka nagtalukbong ng kumot.
"Kunin mo sa baba o magsisisi ka?" Tanong nito sa kaniya.
Naiinis siyang bumagon at padabog na sinara 'yung pintuan. Nakita niya naman ang ina na pumasok sa office nito.
Tinatamad niyang binuksan 'yung gate at nanlaki ang mata niya sa nakita niya.
"Chen?!" Masayang bulong niya agad niya itong niyakap at niyakap din siya nito.
"Bakit ka nagpadeliver sa akin ng sapatos? Baka pag nalaman ng mommy mo....."
"Hindi ako." Sabi niya habang nakangiti.
"Eto oh." Sabi nito saka inabot 'yung paper bag. "Merry Christmas." Sabi nito sa kaniya.
"Marry Christmas din sayo." Sabi niya.
"Señorita tawag na po kayo ni Ma'am." Sabi sa kaniya ng katulong.
"Bye na." Sabi niya.
"Bye.." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Fiksi RemajaDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...