10 Maarte ka pa naman

147 30 0
                                    

CHAPTER 10

Nakaupo si Veronica sa isang gilid habang pinapanood ang mga pamilyang nag sasaya sa gitna ng mga tao. May program ang school nila na kung saan kasama ng mga estudyante ang mga magulang nila.

Nakaupo lang siya sa gilid habang naglalaro ng kung ano sa cellphone at nakasuot ng headset habang uminom ng soft drinks. Madalas niyang kasama ang mommy niya sa ganitong okasyon pero wala ito ngayon dahil may business trip ito.

Nag kukunwari siyang walang nakikita na masayang pamilya.

Napansin niyang may tumabi sa kaniya kaya nilingon niya iyon.

Si Guinevere iyon. Kaklase niya ito simula nung elementary hanggang ngayon.

"Hindi mo yata kasama ang mommy mo?" Tanong nito.

"Ano bang pake mo?" Tanong niya dito at muling itinuon ang atensyon sa paglalaro.

"Wala." Sabi lang nito. "Ako din walang kasama ngayon." Sabi nito habang nakatuon din ang atensyon sa pagbabasa.

Madalas itong umupo sa tabi niya kahit na minsan ay sinusungitan niya ito. Ito ang lagi niyang katabi sa mga upuan dahil wala namang ibang tao ang gustong tumabi sa kaniya.

"Wala akong pake." Mataray na sabi niya dito.

"Alam ko." Simple nitong sabi saka may iniwan na natebook sa hita niya. Napatingin siya dito dahil sa ginawa nito. "Madalas kang mag cutting sa class kaya gumawa ako ng notes na madali mong maiintindihan." Sabi nito saka umalis.

Hindi niya alam kung bakit laging ginagawa ni Guinevere ang bagay na ito sa kaniya.

Pumapasa siya sa mga exams, quizzes at mga assignment dahil sa mga ginagawa nitong notes para sa kaniya. Madalas din siyang makasabay sa mga recitation dahil kapag lunch time nila ay madalas itong magkwento tungkol sa past lessons nila na na miss niya.

Agad niya iyong kinuha at nilagay sa loob ng bag niya. Tumayo siya at sinukbit sa balikat 'yung bag saka naglakad paalis sa lugar ng mga taong masasaya.

Pagkalabas niya sa gate ng gymnasium nila ay agad na bumungad ang nakangiting muka ni Luke.

Agad na nabakas ang pagtataka sa mata niya dahil nasa harapan na niya si Luke.

"Paano ka nakapasok dito?" Mataray na tanong niya saka inalis sa tenga 'yung headset.

"Family is allowed." Simple nitong sabi at inakbayan siya.

Napairap siya sa ginawa nito. Agad niyang inalis 'yun sa balikat niya at naglakad palayo pero sumunod lang ito sa kaniya.

"Bakit ka ba sumusunod!" Inis na sabi niya

"Ako kasi 'yung buntot mo." Sabi nito habang nakangiti.

"Inutusan ka na naman ba nya?" Tanong niya dito.

"No." Sabi lang nito.

"Pwede bang umalis ka sa tabi ko?" Inis na tanong niya.

"Alam mo minsan nakakasakit ka na talaga." Umarte pa itong nasasaktan.

"Wala akong pake. Kung ayaw mong masaktan wag ka ng magpakita ulit sa akin."

"No. Never." Sabi lang nito.
______________

Nakatingin si Guinevere kay Luke na kasabay maglakad ni Veronica.

Napaupo siya sa lilim ng puno nagbabasa habang kumakain ng tinapay. Inayos niya ang kaniyang salamin at muling itinuon ang atensyon sa pagbabasa.
_____________

Kalalabas lang ni Pinty sa isang department store ng manlaki ang mata niya dahil nakita niya si Marcus.

Mukang nagulat din ito sa naging reaksyon niya.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon