29

88 13 0
                                    

Chapter 29

"Aalis na ako." Paalam ni Chen kay Veronica.

"Sige! Ingat!" Sabi nito sa kaniya saka kumaway. Siya naman ay tuluyan ng umalis ng bahay.

-Unknown Number-

Ayoko sa lahat 'yung linaghihintay ako.
______

"Ilang beses ko ng sinabi sayo na layuan mo ang anak ko!" Sigaw ni Hana kay Chen saka ito tinapunan ng mga pera.

"Kaylan mo ng pera? Ayan na! Kunin mo lahat." Sabi niya saka tinuro yung mga perang nasa lapag.

"Hindi ko po kaylangan ng pera niyo.  Mahal ko ang anak niyo." Matapang na sagot niya.

"Kung mahal mo ang anak lalayuan mo siya. Alam mong hindi niya kayang mamuhay sa mundo niyo."

"Pero kinakaya niya po..."

"Ano ba talaga ang kaylangan mo? Sabihin mo lang at ibibigay ko sayo. Ibalik mo lang ang anak ko." Naiiyak na sabi niya pero pinipigilan niyang tumulo iyon at pinanatili ang nagagalit na awra.

"Wala po kayong kaylangang ibigay sa akin dahil kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko siya lalayuan maliban na lang po kung siya na mismo ang lumayo at umayaw." Sabi nito saka akmang aalis pero napatigil ito dahil nagsalita siya.

"Sige, maghintay ka lang. Gagawa ako ng paraan para lumayo siya sayo." Sabi niya pero lumabas lang ito na parang walang narinig.

_________

Nagwawalis si Veronica ng may kumatok sa gate kaya binitawan niya muna yung walis tambo at lumabas ng bahay. Pagkabukas niya ng gate ay wala siyang nakitang tao pero may envelope na nakalagay sa lapag.

"Ano to?" Tanong niya saka pumasok sa bahay. "Ay nakalimutan kong isara 'yung gate!" Sabi niya saka ipinatong sa taas ng aparador.

Ng makapunta na siya sa gate ay sinara niya iyon at muling pumasok sa sa bahay.

"Saan ko na nga nilapag yung envelope?" Tanong niya sa sarili saka tinignan 'yung paligid. "Ano ba yan!" Sabi niya saka hinanap iyon.

Tumunog 'yung cellpone niya na naka charge kaya tinignan niya iyon. Full charge na kay tinanggal na niya sa saksakan.

"Ano na ulit yung ginagawa ko kanina?" Tanong niya sa sarili saka nakita 'yung walis tambo.

"Ah oo nagwawalis ako." Sabi niya saka kinuha 'yung tambp at muling nagwalis.

______

"Nahatid mo na ba 'yung envelope?" Tanong ni Hana sa kausap nito sa cellpnone.

"Yes po ma'am," Sabi ng kausap niya.

"Nakita mo bang kinuha niya?"

"Yes po ma'am."

"Okay, good. Ipapadala ko nalang sa account mo mamaya." Sabi niya saka pinatay 'yung cellphone.

"Sigurado akong sooner or later babalik ka din sa bahay na ito." Sabi nito.

___________

Tahimik na nagsusulat si Luke sa loob ng kaniyang kwarto ng may magbalik sa ala-ala niya.

Nung nakaraang- nakaraang araw ay isang lalaki na kumausap sa kaniya sa department store.

"Sor......" Magsosorry sana siya sa lalaking nabangga niya  o mas magandang sabihin na binangga siya pero sumigaw agad ito.

"Tanga ka ba o manhid?" Sigaw ng lalaking nabunggo niya na si Yuan. "O baka naman parehas?" Natatawang tanong nito.

"Eh ikaw nga itong bumangga sa akin 'di ba?"  Inis na tanong niya.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon