34

90 14 2
                                    

Chapter 34

"Kamusta po ang restaurant?" Tanong ni Pinty sa kanjyang ina.

"Naging maayos na dahil kay Veronica. Bumalik na siya sa mommy niya kaya natigil ang panggigipit sa atin ng mommg niya pero sigurado akong hindi magtatagal ay malulugi na talaga itong restaurant." Sagit sa kaniya ng daddy niya.

"Ano pong plano niyo ngayon?" Tanong niya.

"Hindi pa namin alam..."
____

Napatigin si Veronica sa mga accessories niya at nalungkot lang siya ng makita niya 'yung santan na bulaklak na binigay sa kaniya ni Chen.

Nalanta na ang itsura nito ang ala-ala nito ay buhay na buhay parin.

Napatulo ang kaniyang luha habang tinititigan ang bulaklak.

"Kamusta na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya?" Tanong niya sa sarili.

____
"Nabayaran na po ni Chen lahat ng utang niyq at nabalik na sa kaniya 'yung titolo ng lupa ng bahay niya." Sabi ng kausap ni Hana sa telepono.

"Okay sige." Sabi niya saka pinatay ang telepono.

Tunayo siya sa kinauupuan niya at umakyat ng hagdanan upang tignan si Veronica.

Sinilip niya si Veronica sa kwarto nito at nakita niya itong nakatingin sa madilip na kalangitan.

"Ginagawa talaga ng Chen nayon ang lahat para sayo? Pero hanggang kaylan niya kayang gawin ang lahat ng 'yon para sayo?" Bulong ni Hana habang nakatingin kay Veronica.

Sinarado nito 'yung pinto ng kwarto saka bumaba ng hagdanan.

Kinuha nitong muli ang telepono saka may tinawagan na kung sino.

"Hello po tita?" Tanong ni Luke sa kabilang linya.

"Hello." Pagsagit ni Hana.

"Bakit po kayo napatawag?" Tanong nito sa kaniya.

"Tungkol sa wedding nyo ni Veronica." Sabi nito.

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Kaylangan mong ipaliwanag sa akin kung bakit mo inatrasan ang kasal dahil hanggang ngayon hindi ko pa alam ang totoong dahilan." Sabi niya.
_______

"Hindi po namin mahal ang isat-isa...." Sabi niya.

"So 'yon ang totoong rason?" Tanong ni Hana kay Luke.

Kwinento ni Luke ang dahilan kung bakit niya piniling itigil ang kasal.

"Okay bye." Sabi nito saka pinatay 'yung telepono.

_______

Nilagay ni Chen sa hugasan 'yung mga plato na madumi. Pagharap niya ay nabangga niya ang daddy ni Veronica.

"Sorry po." Sabi niya.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka." Sabi nito.

"Ayos lang po ako." Sabi niya saka aalis na sana.

"Chen." Tawag nito sa kaniya kaya napatigil siya at humarap dito.

"Alam kong mahal mo si Veronica kaya mo ginagawa ang mga ito. Nagpapasalamat ako dahil inalagaan mo siya noon pero sana tigilan mo na siya." Sabi nito sa kaniya kaya nabalot ng kalingkutan ang buong sistema niya.

"Hinding-hindi ko po 'yun gagawin. Mahal ko siya at nangako ako sa kaniya. Ayos lang po sa akin kung tanggalin niyo ako ngayon dito sa restaurant dahil hindi ko po gagawin ang hiling niyo. Pasensya na po." Sabi niya saka lumabas at muling kumuha ng mga order.
_____

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon