Bumaba si Veronica para pumunta sa kusina ng makita niya si Luke na nakaupo sa sala nila kaya napahinto siya.
"Bakit na naman siya nandito?" Tanong niya sa sarili.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya dito.
"Ganyan ka ba dapat makipag-usap kay Luke ha?" Tanong sa kaniya ng kaniyang ina na katapat lang ni Luke.
"Ganto ako makipag-usap sa lahat." Sabi niya saka umirap at pupunta sana ng kusina ng magsalitang muli ang kaniyang ina.
"Mag-ayos ka ng sarili mo at pupunta tayo kila Luke." Sabi sa kanyan ng kaniyang ina.
"Bakit hindi na lang ikaw ang pumunta? Di ba ikaw lang naman may gusto nito?"
"Veronica!" Sigaw nito sa kaniya.
_______
Walang nagawa si Veronica kung hindi ang sumama sa mga ito. Nakaupo siya ngayon sa harap ng hapag habang nakikinig sa mga usapan ng mga ito.
'Bakit ko pa ba kasi kaylangang pumunta dito? Nakakainis!'
"Ayos ka lang?" Bulong na tanong sa kaniya ni Luke na halatang nag-aalala.
"Hindi." Simple niya lang na sagot.
---------
Sobrang saya ni Chen dahil sa wakas ay nakahanap na siya ng trabaho. Nakapasok siya sa isang maliit na restaurant na hindi ganun kalaki ang kita pero ayos na din. Nakangiti siya habang naglalakad palabas ng restaurant ng bigla siyang napatigil dahil may nakita siyang isang pamilyar na muka na nilagpasan siya.
"Daddy 'yun ni Veronica...." Sabi niya sa sarili niya saka tinignan kung saan ito papunta.
"Good afternoon sir!" Bati ng mga tauhan sa restaurant na nadadaanan nito.
----------
Kasama ni G si Yuan na naglalakad sa mall.
"Nakakagutom." Bulong niya habang nagllakad sila saka hinawakan 'yung tiyan niyang kumakalam kaya napatingin sa kaniya si Yuan at hinawakan 'yung kamay niyang nasa tiyan niya at hinila siya sa foodcourt.
"Wala ka bang boses?" Tanong ni Yuan sa kaniya. "Sabihin mo pag gutom ka hindi 'yung binubulong mo." Sabi nito sa kaniya kaya tumango naman siya.
"Pumili ka na ng gusto mo ako na ang magbabayad." Sabi nito sa kaniya habang nakangiti. "Pero hindi ako kasali ah, hindi ko kayang bayaran 'yung sarili ko." Pag dagdg pa nito kaya napatawa siya.
"Ang kapal ng muka ah." Sabi niya saka naunang naglakad para pumili ng pagkain.
"Pero kung gusto mo talaga ako, libre na lang." Sabi nito saka lumapit sa kaniya.
"Naalog lang 'yang utak mo sa eroplano. Wag kang mag-alala babalik ka din sa tamang katinuan mamaya."
___________
Nakatingin si Marcus sa salamin na hawak niya. Nakikita niya ang kaniyang sarili na wala ng buhok dahil tuluyan na itong nalagas. Halata ang lungkot sa mukha nito na agad namang napansin ni Pinty.
"Parang mas gwumapo ka ngayon." Nakangiting sabi ni Pinty saka hinawakan ang ulo nito. "Mas makinis pa 'yung ulo mo kaysa sa mukha ko."
Napangiti naman siya sa sinabi nito dahil alam niyang gusto nitong palakasin 'yung loob niya.
---------
Umuwi si Chen sa kaniyang bahay at tulad ng kaniyang inaasahan ay nasa labas ng bahay niya si Veronica.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Fiksi RemajaDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...