11

139 28 0
                                    

CHAPTER 11

Nakatingin ngayon si Veronica sa lahat ng mga mamahaling sandals niya pero biglang na pako ang tingin niya sa sandals na ginamit niya sa palengke. Katabi nito 'yung bota na puti.

"Hindi ko akalaing magiging mahalaga ang katulad mo." Sabi niya dito. "Ikaw ang pinaka cheap at pangit sa lahat ng collection ko pero ikaw naman ang pinaka importante." Sabi niya.
______

Mag-aral ngayon si Guinevere sa loob ng kaniyang kwarto. Ng bigla siyang may naalala kaya napatigil siya sa pagsusulat. Inayos niya 'yung salamin niya saka umiling at muling bumalik sa pag-aaral.

Isa ng ulila si Guinevere. Hindi niya alam kung nasan ba o kung sino ang mga magulang niya. Lumaki siya sa isang bahay ampunan kung saan mga madre ang nag aalaga sa kanila. Naampon siya ng isang mayamang pamilya nung siya ay 5 years old.

"Ma'am tawag na po kayo ng mama ninyo. Kakain na daw po." Sabi ng isang maid sa kaniya kaya tumango siya.

"Pakisabi pong susunod na ako." Sabi niya saka sinara 'yung mga libro niya.

Agad siyang lumabas ng kaniyang kwarto saka bumaba sa hagdanan. Nakita niya ang kaniyang mga magulang na nasa hapag na.

Agad siyang umupo at inayos niya 'yung salamin niya sa mata.

"Kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong ng kaniyang ama.

"Ayos naman po." Sagot niya saka kumuha ng pagkain.

"Pasensya na kung hindi kami nakapunta sa program ng school niyo. Kung hindi lang sana nagkaproblema 'yung company natin..." Hindi pa man natatapos magsalita ang kaniyang ina ay nagsalita na siya.

"Ayos lang po 'yun." Sabi niya saka sumubo.
_________

Nasa mall si Pinty. May dala-dala siyang mga paper bags habang naglalakad. Nagulat siya ng may humablot ng mga dala-dala niya kaya agad siyang napalingon duon.

"Gulat ka ba? Ako na dito." Sabi ni Marcus na hawak-hawak 'yung mga paper bags.

"Marcus?" Gulat na tanong niya. "Akin na nga 'yan!" Inis na sabi niya ng makabawi sa pagka-gulat. Agad niyang inagaw 'yung mga paper bags dito.

"Oops!" Sabi nito aka inilayo sa kanya ang mga ito. "Ako na. Baka kasi pagkatapos ng tatlong bwan hindi ko na magawa 'to." Sabi nito.

"Ano bang problema mo ha?" Inis na tanong niya.

"Wala. Gusto ko lang na pagsilbihan ka." Sabi nito. "Lahat ng sasabihin mo ay gagawin ko.

"Talaga lang ha?" Sabi niya.

Agad na bumili ng sangkatutak na mga damit si Pinty at pinadala 'yun kay Marcus.

Halos hindi na makita ni Marcus ang Dadaanan niya dahil sa sobrang dami niyang dala.

"Ano? Kaya mo pa ba?" Tanong niya dito.

"Syempre naman para sayo." Sabi nito.
________

"Five minutes." Sabi ng teacher nila habang nagsasagot silang lahat sa test papers nila.

Tumayo si Guinevere sa upuan nito na hawak-hawak 'yung test paper ng bigla nitong matapon 'yung bukas na tubig sa test paper ni Veronica.

"What the!" Sigaw ni Veronica.

"Anong nangyari?" Tanong ng teacher nila na agad na lumapit sa kanila.

"I'm sorry hindi ko sinasadya." Sabi ni Guinevere saka kinuha 'yung panyo sa bulsa niya saka pinunasan 'yung nabasang test paper niya.

"Sorry? Pano na 'to ngayon?" Inis na sabi niya.

"Hindi ko naman sinasadya eh." Sabi nito.

Pinagtitinginan na sila ng mga kaklase nila dahil sa eksenang nagawa nila.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon