CHAPTER 06
Under this heavy Rain
Maririnig ang malalakas na tawanan ng mga taong nakapaligid na kanila.
Nakatingin lang si Chen kay Veronica na nakangiti habang nanoood na para bang napaka isang siyang magandang litrato na mahirap makunan.
'She's different from the other.' Sabi ni Chen sa isip habang nakatitig kay Veronica na tumatawa habang kumakain ng popcorn.
______Papalabas na sila sa cine at hanggang ngayon ay tumatawa padin si Veronica.
"Grabe, sobrang lakas ng utot niya." Natatawang sabi ni Veronica. "Nakita mo ba 'yung itsura nung lalaking inututan niya! Grabe sobrang nakakatawa." Sabi niya.
"Uy, kain tayo duon." Sabi ni Veronica saka hinila si Chen sa isang ice-cream shop.
Kadarating lang ni Chen na may hawak na dalawang baso ng icecream. Inilapag nito ang isang ube ice cream sa tapat niya kaya agad niya itong kinuha.
"Thanks." Masayang sabi niya saka kinain 'yung ice cream.
Umupo naman si Chen sa tapat niya saka kumain na din ng ice cream.
"Ngayon ko lang na enjoy ang pamamasyal sa mall." Masayang sabi niya pero agad 'yung naglaho ng makita niya kung sino 'yung pumasok. Ang daddy niya kasama ang asawa nito at si Pinty.
'Paano niya nagagawang ngumiti kasama sila? Naisip man lang ba niya kami? Pano niya nagawang nagpaka-ama sa batang hindi niya kaano-ano? Bakit kaylangan nilang maging masaya habang kami ni mommy......'
Marami siyang tanong na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan.
Nakatingin si Chen kay Veronica at sinundan ang tinitignan nito.
Agad siyang tumayo at lumabas. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ang mahalaga ay hindi mahagip ng mata niya ang mga taong iyon.
Habang naglalakad siya ay tumutulo ang mga luha niya. Parang kidlat na bumabalik ang mga sakit sa puso niya kapag nakikita niya silang masaya.
Agad siyang napalingon sa taong humawak sa kamay niya.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Chen habang hawak ang kaniyang kamay.
"Bakit kaylangan ko silang makitang masaya? Bakit sila masaya?" Naiinis na tanong niya. "Ako 'yung anak niya, pero bakit nagpapakatatay siya sa taong hindi niya naman anak? Ako dapat " 'yung kasama niya, kami dapat 'yung masaya hindi sila."
Hindi alam ni Chen ang sasabihin. Hindi niya alam kong anong gagawin.
"Ahm, ah, Everythings going to be okay." Mahinang sabi ni Chen.
_______"Bakit mo ako dinala dito?" Nagtatakang tanong ni Veronica kay Chen.
Nasa amusement park sila ngayon ni Chen.
"Kakalimutan muna natin ang mga problema natin."
Sumakay sila sa ibat-ibang rides hanggang sa mapagod sila kahihiyaw.
___Nakasakay sila ngayon sa Ferris wheel. Nasatuktuk sila kaya kitang-kita nila ang mga tao sa baba na parang mga langgam. Medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Napatingin siya kay Chen.
"Thank you kasi pinagaan mo 'yung loob ko." Sabi niya ng nakangiti.
"Sila ba? Sila ba 'yung dahilan kung bakit ka umiiyak nung una tayong nakita?"
Tahimik siyang tumango bilang tugon sa tanong nito.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mapagaan ang pakiramdam mo."
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Novela JuvenilDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...