Ilang araw na ang lumipas simula ng masuspinde sa trabaho si Chen at may panibagong message na naman siyang natanggap mula sa katrabaho niya na sinasabi na nagtanggal ng mga tauhan ang restaurant na pinagtatrabahuan niya at isa siya sa natanggal. Napaupo siya sa kama habang hawak ang cellphone at napayuko.
Hirap siyang tanggapin ang naging desisyon ng mga ito dahil habang nasa college pa lang siya nuon ay nag papart-time na siya sa restaurant na iyon hanggang sa tumigil na siya sa pag-aaral upang duon na lamang pumirmis.
"Ayos lang 'yan makakahanap ka pa ng ibang trabaho." Sabi niya saka bumuntong hininga at tumayo.
Biglang tumunog 'yung cellphone niya kaya tinignan niya kung sino 'yun.
/UNKNOWN NUMBER/
-Layuan mo si Veronica kung ayaw mong tuluyang mawala ang lahat ng meron ka.
Pagbasa niya sa isang text.
'Hindi ko kayang lumayo sa kaniya....'
------------------
Bumaba si Veronica mula sa kaniyang kwarto hawak-hawak ang susi ng sasakyan na regalo sa kaniya ng kaniyang ina. Wala ito ngayon sa kanilang bahay dahil nagkaproblema ang kumpanya nila sa France.
Ng makasakay na siya sa kotse niya ay hinihintay niyang pagbuksan siya ng gate ng kanilang guard.
"Tanga ba to?" Tanong niya sa sarili niya saka binaba 'yung bintana ng sasakyan.
"Open the gate!" Sigaw niya.
"Pasensyan na po, pero pinagbawalan po kayo ni madam na lumabas." Paghingi ng pasensya ng gwardya.
"What?! inis na bulong niya. "Ok fine." Sabi niya saka bumaba ng kotse at naglakad papasok ng bahay. Habang naglalakad siya ay napangiti siya sa naalala. Nagmadali siyang pumunta sa garden nila.
Nagmadali siyang naglakad sa parte ng garden nila na may mga halaman sa pader. Hinawi niya ang mga iyon at bumungad sa kaniya ang kinakalawang na nilang lumang gate. Binuksan niya iyo sa ng dahan-dahan at ng mabuksan na niya ay agad siyang lumabas at muli iyong nilock.
________________
Naglalakad si Chen sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Pawis na pawis na siya habang hawak ang isang brown envelope na naglalaman ng mga requarments sa pag-aaply ng trabaho. Ilang restaurant na ang napuntahan niya pero ang sagot lang sa kaniya ay 'TATAWAGAN KA NA LANG NAMIN.'
Alam niyang walang kasiguraduhan ang salitang iyon kaya patuloy pa din siyang naghahanap. May nakita siyang isang tindahan kaya huminto muna siya at naki-upo.
"May tubig po kayo?" Tanong ni Chen sa tindera.
"Meron po, ilan? Tanong naman nito sa kaniya.
"Pabili po ng isa." Sabi niya saka nagbayad at kinuha 'yung tubig at uminom. Pinunasan niya din ang mga tumatagaktak niyang mga pawis.
Pagkatapos niyang uminom ay muli na naman siyang naglakad upang mag apply.
----------------------
Nasa sala si Guinevere at nanonood ng TV ng magring 'yung cellphone niya kaya tinignan niya kung sino iyon.
calling: Luke
Agad niyang pinatay 'yung tawag at muling tinuon ang pansin sa panonood pero muling nag ring 'yung phone niya.
calling: Luke
Muli na naman niyang pinatay 'yung tawag nito pero nagrin itong muli kaya wala na siyang ibang nagawa kundi tanggalin 'yung battery ng cellpone niya at muling itinuon ang atensyon sa panonood.
![](https://img.wattpad.com/cover/228230306-288-k150350.jpg)
BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...