5 pm na at nakasuot si Veroca ng pulang gown pababa ng kanilang hagdan ng kanilang mansyon. Agad naman siyang sinalubong ni Luke at inabot ang kamay ito pero hindi niya sinagot at pinanatiling nakahawak lang ang mga kamay sa gown.
Umupo siya sa isang napakagara at mamahaling upuan na kulay puti kung saan ay tanaw siya ng mga bisita. Napairap siya ng nakita ang ina na nakikipagplastikan sa mga bisita. Ilang oras pa niyang pinagtyagaan ang pag-upo sa isang tabi habang pinapanood ang mga bisita.
---------
Hinahain na ni Chen ang mga niluto niyang pagkain sa garden. Pagkalapag ni Chen ng cake sa lamesa ay sagli itong umpo.
"Ayan ayos na." Sabi nito saka at naghintay na dumating si Veronica.
-------------------------
Nag-iisip siya kung paano makakatakas sa mansyon nila. Nakapatong sa upuan ang siko niya habang nakapatong naman sa palas niya ang kaniyang noo.
"Anong oras na, anong gagawin ko? bwisit!" Bulong niya.
"Are you okay?" Napatingin siya sa taong nagsalita at napangiti siya dahil parang sinagot agad ang tanong niya.
Agad siyang tumayo at nginitian ito.
"Ikaw pala Luke!" Sabi niya saka hinawakan ang kamay nito at hinila papunta sa kaniyang ina na nakikipag-usap pa din sa mga bisita.
"Exuse me mom." Panggagambala niya sa mga ito.
Tumigil naman ang kaniyang ina sa pakikipagkwentuhan sa mga ito.
"Why?" Tanong nito sa kaniya kaya mas hinila pa niya si Luke para makita ng kaniyang ina. "Oh Luke."
"Pwede ba kaming umalis ni Luke?" Tanong niya.
Napangiti si Luke ng marinig niya 'yung sinabi ni Veronica.
"Sure!" Pagpayag ng kaniyang ina kaya napa smirk siya at mabilis na hinila si Luke paalis.
------------
Pagpasok ni Guinevere sa Mansion nila Veronica dala-dala ang regalo niya dito ng mapatigil siya sa paglalakad. Nakita niyang naglalakad sila Veronica at Luke. Nakangiti si Luke habang nakatingin lang kay Veronica.
Mapait siyang napangiti sa nakita niyang eksena. Inayos niya 'yung salamin niya saka tumalikod ng makita niyang papadaan na sila Luke sa pwesto niya.
-----------
Nasa kalsada na sila Luke at Veronica ay walang ni isa sa kanila ang umiimik.
"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ni Luke kay Veronica.
"Itabi mo." Sabi nito kaya nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.
"Huh?" tanong niya dito.
"Itami mo bilis." Utos nito sa kaniya kaya ginawa niya.
Hininto niya 'yung kotse sa tabi at nagmadali naman si Veronica na bumaba.
"Wait san ka pupunta?" Tanong niya dito ng akma nitong isasara 'yung pinto ng sasakyan.
"Thanks!" Sabi lang nito at sinara 'yung pinto at mabilis na pumara ng taxi.
"Ugrhg!" Inis na sigaw ni Luke.
_______
Nagising si Chen ng may may kumatok sa gate niya kaya napatayo siya at nag madaling buksan yung gate.
Pagbukas niya ay agad niyang nakita si Veronica na nakangiti.
"You are late." Sabi niya saka sinara ulit 'yung gate ng ng makapasok na ito.
"I know." Sabi nito habang tinataas 'yung gown dahil naapakan na niya. "Oh shit!" Mura nito ng matapilok ito at muntikan ng malaglag ng mahawakan niya ito sa siko.
__________
Nakatingin si Luke kay Veronica na pumasok sa bahay ni Chen. Nakasakay siya sa sasakyan niya dahil sinundan niya si Veronica.
"No, maybe that man is just for playtime." Sabi niya sa sarili saka pinaandar 'yung sasakyan at umalis.
----------------------------
Nakaupo na sila Veronica at Chen ng maramdaman niyang kumikirot na 'yung paa niya dahil sa suot niyang sandals. Inurong niya 'yung upuan niya at tumagilid para sana tanggalin 'yung sandals niya kaso nahihirapan siya dahil sa gown na suot niya.
Nakita naman iyon ni Chen kaya agad siyang tumayo upang tulungan ito. pinatong ni Chen 'yung paa niya sa legs nito saka tinanggal 'yung sandals niya. Napangiti naman siya habang nakatingin dito.
Ng matanggal na nito 'yung sandals niya ay inilapag nito 'yung sandals sa gilid ng inuupuan niya.
"Thanks." Pasasalamat niya at bumalik na din ito sa inuupuan nito.
"Ikaw lahat ang nagluto nito?" Tanong ni Veronica saka tinikman 'yung spaghetti.
"Oo, masarap ba?" Nakangiting naghihintay ng sagot si Chen.
"Spaghetti and one layer chocolate cake is chea....." HIndi pa siya natapos sa sinasabi niya ng nagsalita ito.
"Oo na, spaghetti and one layer cake is cheap." Nakasimangot na sabi nito saka kumuha ng spaghetti kaya napangiti siya.
"Tama ka sobrang cheEeAaap! Pero special kasi ikaw ang maygawa at nagluto." Sabi niya habang nakangiti kaya napatingin ito sa kaniya.
"Tss, sinasabi mo lang yan kasi gusto mong bumawi sa sinabi mo."
"No. Accually hindi ako naguguilty sa sinabi kong ang cheap nito o kahit sa naramdaman mo. I mean all I said. At totoo na special itong mga ito para sa akin kasi ikaw ang may gawa."
"Bakit ka nagpapaliwanag?" Sipleng tanong nito.
"Kasi gusto kong malaman mo."
------------------
Pagpasok ni Guinevere sa bahay nila ay napatingin ang mga magulang niya sa kaniya na kumakain sa hapag.
"Oh, may nakalimutan ka ba? Bakit ang bilis mo namang yata?" Tanong ng mommy niya.
"Inabot ko lang po 'yung regalo ko saka wala naman po akong kilala dun eh." Sabi niya saka naglakad papunta sa hapag kainan at umupo.
------------
Nasa labas na ng gate sila Veronica at Chen na magkahawak ang .
"Thanks!" Nakangiting sabi ni Veronica na sinagot naman ni Chen ng isang matamis na ngiti. "You make my birthday special."
"In a cheap way!" Natatawang sabi nito.
"Yeah, in a cheap way." Pag-uulit niya. "Bye!" Sabi niya saka kumaway pero hindi parin binibitawan 'yung kamay ni Chen.
"Bye!" Sabi ni Chen at nagulat ito ng halikan siya ni Veronica sa pisngi niya at binitawan 'yung kamay nito para sana umalis ng mas hinigpitan ni Chen ang hawak sa kamay niya kaya napatingin siya dito.
"I...I didn't mean to kiss you." Pagpapaliwanag niya pero lumapit si Chen sa kaniya.
Palapit ng palapit hanggang sa dalawang inches na lang ang pagitan ng mga muka nila. Napapikit siya dahil sa iniisip niya. Napamulat siya ng mata ng maramdaman niyang hinalikan siya nito sa noo.
"Have a goodnight." Sabi nito saka binitawan ang kamay niya at pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan siyang nakatulala habang nakangiti.
"Good night..." Bulong niya.

BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...