13

130 28 0
                                    

CHAPTER 13

Naglalakad si Veronica sa gilid ng isang river kasabay niya sa paglalakad si Chen. Hindi niya alam pero she always feel something different kapag kasama niya si Chen.

Maraming mga tao sa paligid. May mga batang nagtatakbuhan at naglalaro. May mga couple na masayang magka-holding hands. May mga pamilyang masaya.

"Ang ganda ng araw." Nakangiting sabi niya habang nakapikit na dinadama ang sikat ng araw.

"Ang ganda nga." Sabi ni Chen habang nakatingin sa kaniya.

Minulat niya ang kaniyang mata saka tumingin kay Chen at ngumiti.

May mga batang tumatakbo na papunta sa kanila ng mabangga ng mga ito si Veronica.

Agad namang hinawakan ni Chen and kamay niya para hindi siya mahulog sa tubig, pero ang nangyari at pareho lang silang nahulog.
_______

Kalalabas lang ni Pinty sa isang mamahaling coffee shop ng biglang may bumangga sa kaniya. Natapon sa kulay puti niyang damit 'yung kape.

Agad niyang itinaas 'yung shades niya saka tinignan ng masama 'yung babaeng nakabangga sa kaniya.

"Bulag ka ba? Nakita mong ang luwag ng daan oh!" Inis na sabi niya dito saka tinuro 'yung daan.

"Pasensya ka na miss." Paghingi nito ng paumanhin.

"Malilinis ba ng sorry mo 'tong damit ko ha?" Mataray na tanong niya.

"Pasensya ka na talaga miss."

Nagulata siya ng may kamay na lumapat sa bibig niya at inakbayan siya.

Napagingin siya duon at nakitang si Marcus 'yon kaya napairap siya.

"Sorry miss. Pagpasensyahan mo na 'tong girlfriend ko masyado lang talagang mainitin ang ulo niya." Paghingi nito ng pasensya.

"Ayos lang." Sabi nito saka umalis.

"Lumayo ka sa akin!" Naiinis na sabi niya.

Agad naman nitong tinanggal 'yung kamay nitong nakaakbay sa kaniya.

"Ang sungit talaga." Sabi nito.

Nanggigigil niyang niyupi 'yung cup ng coffee niya kaya medyo natapon ang ibang laman. Dahil hindi na talaga mapigilan ang sarili kaya binuhos name niya sa muka ni Marcus 'yung natitirang kape.

"Bwisit ka!" Sigaw niya saka tinapon sa muka nito 'yung cup. Agad siyang naglakad paalis.

"Hoy grabe ka naman sa akin!" Sigaw nito saka kinuha 'yung cup at sumabay sa kaniya.

"Ano ba! Wag mo nga akong sabayan!" Sigaw niya.

"Grabe ka naman." Sabi nito.

"Umalis ka nga sa tabi ko!'

" Ayoko nga. Wala pa namah three months eh." Sabi ito saka mas lalong lumapit sa kaniya kaya tinulak niya ito.
____________

Nagtatawanan sila Chen at Veronica ng makaahon sila sa tubig. Naglakad silang dalawa habang basang-basa.

Napahinto sa paglalakad si Veronica ng may maamoy siyang kakaiba.

"O bakit?" Tanong ni Chen sa kaniya.

"I smell something bad." Sabi niya saka dahan-dahang inamoy 'yung braso.

"Yuck!" Maarteng sabi niya saka mabilis na nilayo 'yung kamay.

Dahil sa pagtataka nito ay inamoy din 'yung sarili at agad nitongnaamoy ang medyo mabahong amoy ng tubig.

Bigla itong natawa sa reaksyon niya.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon