04 I need some toxic in my life

275 35 0
                                    

CHAPTER 4

Kadarating lang ni Veronica sa mansion at yumuko nanaman ang mga katulong habang naglalakad siya papasok ng bahay.

Pagpasok niya ng pinto ay nagulat siya sa nakita. Nabalot ng galit ang buong sistema niya. Muli ns naman niysng nakita ang mukha ng isang bangungut.

'What a lovely scene? Nasa taping ba ako ng isang drama?'

Nakita niyang nagtatawanan ang ama niya at kung sino mang nilalang na katabi nito.

Bakas ang galit sa mga mata niya pero agad din niya itong iwinaksi at ngumiti ng sobrang lapad na halos mapunit na anv kaniyang labi, saka naglakad papalapit sa kanila.

'Sino ang tangang nag papasok sa kanila?'

Umupo siya sa harap nila. Ngumiti siya sa harap ng daddy niya at ng kabit nitong Chinese. Mali. Naging kabit nito.

"Kumusta ka na anak? Its been a long years right?" Tanong ng daddy niya na parang walang nangyari.

Mahahalata ang pandidiri sa muka niya dahil sa tawag nito sa kaniya.

'Anak? the hell?'

Sarcastic siyang tumawa dahil sa narinig niya.

"Yes dad its been a long years." Malungkot na sabi niya at nakita manan niyang siryoso ang mga muka nito. Napatawa siya ng malakas dahil sa inasal ng mga ito.

"Ganun ba ang gusto niyong sagot ko? Who do you think you are, huh? I didn't even notice that you're still existing." Mataray na tanong niya.

"Sinong tinatawag mong anak? Ako ba?" Tanong niya ng nakangiti saka tinuro ang sarili. "Bakit? Tatay ba kita?"

"Anak.."

Nagtatanong siyang tumingin dito.

"Pinayagan ba kitang tawagin mo akong anak, ha? Naalala mo pa ba kung kaylan ka huling nagpakatatay?"

"Alam kong nagkulang ako..."

Pinutol niya ito sa pagsasalita at nagsalita.

Galit na galit siyang tumingin dito na para bang ano mang oras ay lalamunin niya ang mga ito ng buhay.

Nag-iinit ang mata niya, Sumasakit ang lalamunan niya, Bumibilis ang kabog ng dibdib niya. Gustong tumulo ng luha niya, pero hindi niya iyon gagawin. Hindi niya hahayaang tumulo ang luha niya kahit isang patak.

"No, hindi ka nagkulang." Galit na sabi niya.

Kinalma niya ang sarili at muling ngumiti.

"Nagtataka nga ako kung bakit biglang anak na ang tawag mo sa akin. Are you dying? Hindi ka na dapat pumunta dito. Makikiramay nalang ako sa libing mo." Nilalamon siya ng bitterness na nararamdaman niya.

Naging siryoso ang mga aura nila dahil sa sinabi niya. Tumawa siya ng sobrang lakas.

"Just kidding." Sabi niya saka inayos ang kaniyang buhok.

"Ikuha nyo kami ng juice, 'yung sobrang lamig." Utos niya sa isang katulong.

"Opo." Sagot naman nito at pumunta sa kusina.

"Huwag ka ng mag-abala, hindi kami magatatagal." Sabi ng babae sa tabi ng daddy niya.

"Bakit sinabi ko bang ipapainom ko sa inyo 'yun ha? Assumera ang putek!" Mataray na sabi niya habang naka ngiti saka tumingin sa ibang lugar. "Pero kung gusto mo, pwede naman." Nang-aasar na tingin niya.

Mahahalata ang inis sa muka ng babae pero inirapan niya lamang ito.

"Huwag kang ganiyan sa tita mo." Saway ng daddy niya sa kaniya.

The Brightest Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon