Chapter 14
Nakatingin si Marcus kay Pinty habang nagpipictorial ito. Kinuha ng isang sikat clothing brand si Pinty. Alam ni Marcus na gustong-gusto ni Pinty na maging model kaso walang magmamanage ng company nila kaya kaylangan niyang mag-aral ng business management.
"Another dress naman." Sabi nung photographer.
Agad namang pumasok si Pinty sa isang kwarto upang magpalit. Paglabas niya ay agad nilang pinalitan 'yung make up niya at plinantsa ang buhok.
"Pwede po ba akong makahingi ng tubig?" Tanong nito.
Agad naman siyang tumayo upang bigyan ito ng tubig.
"Eto oh." Sabay abot niya ng tubig dito.
"Hindi na pala ako nauuhaw." Sabi nito saka nagcellphone.
"Kunin mo na." Pamimilit niya dito.
"Hindi na nga ako nauuhaw sabe eh! Bakit ka ba kasi nandito?" Inis na tanong nito sa kaniya.
"Nandito ako dahil sayo." Sabi niya. "Fan kasi ako ni Pinty." Nakangiting sabi niya.
"Tss. Dun ka nga!" Inis na sabi nito kaya bumalik na siya sa inuupuan niya.
Alam kasi niya na naiinis na talaga ito sa kaniya.
Tumingin si Pinty kay Marcus habang naglalakad ito paalis. Ng makita ni Pinty na tumingin tumingin sa kaniya si Marcus ay agad siyang naglihis ng tingin.
Pagkaupo ni Marcus ay naalala niya kung paano sila dati tuwing may pictorial si Pinty.
Laging sumasama si Marcus sa mga pictorial ni Pinty bilang suporta sa girlfriend.
"Babe, pahingi ako ng tubig." Utos ni Pinty sa kaniya kaya agad niya itong binigyan ng tubig.
"Thanks." Sabi nito saka uminom.
"Tignan mo babe. Ang ganda nila mag make up." Nakangiting sabi nito habang nalatingin sa salamin.
"Pero mas maganda ka kapag walang make up." Nakangiting sabi niya.
"Talaga?" Sabi nito saka tumingin sa kaniya.
"Oo naman." Sabi niya saka kinurot 'yung pisngi nito.
"Pst. Masisira 'yung make up ko." Pinalo pa nito ng mahina 'yung kamay niya.
Bigla siyang natawa sa sinabi nito.
"Ayoko talagang ng course na gusto ni mommy! Gusto ko maging famous model 'yung tipong ako 'yung nasa billboard." Nalangiting sabi nito.
"Anong mas pipiliin mo ako o 'yung pagiging model mo?" Tanong ni Marcus.
"Syempre ikaw!" Mabilis na sagot nito kaya napangiti siya. "At ang pagiging model." Natatawang dugtong nito kaya nagkunwari siyang nalungkot.
"Nagpampo ka naman agad! Syempre ikaw!" Sabi nito saka kinurot 'yung ilong niya. "Basta wag mo akong iwan." Sabi ni Pinty.
"Oo naman." Pangako niya.
_______Nakaupo ngayon si Luke sa isang upuan ng isang restaurant kung saan nagtatrabaho si Luke.
Pinagmamasdan lang niya ito na magtrabaho at bigla siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.
"Imposibleng kuminang ang isang ordinaryong bato." Nakangiting sabi nito saka uminom ng wine.
"Kaya ko din naman siyang durugin bago pa siya kuminang."
______Nakatulala si Guinevere habang nakatingin sa bintana. Napatingin siya sa pinto ng biglang bumukas iyon.

BINABASA MO ANG
The Brightest Star ✔
Teen FictionDraw The Brightest Star In The Sky or The brightest star, is a story about love of two people. Dalawang tao na pinipigil ang pagmamahalan ng age, nationality and family. Pero kahit paghiwalayin man sila ng buong mundo ang pagguhit ng pinaka maningni...