Labing limang taon na ang nakararaan sa isang liblib na kagubatan malapit sa palasyo ng Armedeia, naninirahan ang isang matandang babae kasama ang kaniyang asawa.
Akmang tatayo na ang matandang lalaki nang pigilan siya ng babae.
"Umupo ka nalang diyan mahal, ako nang bahala maghain ng hapunan. Diyan ka na lamang at kukuha ako ng baso." Sabi ng matandang babae at pumunta na siya sa kanilang maliit na kusina.
Habang pabalik sa hapagkainan ay may bigla na lamang siyang naramdadam sa kaloob-looban niya. Tila ba nag iinit at inaapuyan ang kaloob-looban ng matanda. Natumba ang matanda at agad agad naman siyang pinuntahan ng kaniyang asawa.
"Mahal anong nangyayari sayo!?" Natataranta at nag aalalang sabi ng matandang lalaki.
Hindi makapagsalita ang babae dahil na rin sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ito ang dahilan kaya siya nagpakalayo-layo. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya ginagamit ang kaniyang kapangyarihan.
Unti-unting nagliwanag ang mga mata ng matandang babae kasabay ng pagkawala ng sakit ng kaniyang nararamdaman.
Nakaluhod lamang siya sa sahig habang nakatingala sa bubong na tila ba may tinitignan sa kawalan.
Maya-maya pa'y nawala ang liwanag sa kaniyang mga mata at marahang bumagsak sa bisig ng kaniyang asawa.
"Anong nangyari?" Tanong ng lalaki.
Kahit nanghihina ay sumagot pa rin ang babae.
"Isang propesiya. Propesiya na magpapabago sa ating mundo." Mahinang sabi ng babae.
"Isa ba yang masamang propesiya?" Tanong ulit ng lalaki.
"Hindi. Isa itong magandang propesiya. Propesiyang magbibigay ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng lahi."
"Kung gayon ay ano ang dapat nating gawin?" Alalang tanong ng lalaki.
"Pupuntahan ko ang hari, kailangan niyang malaman ang aking nakita at upang balaan siya sa maaaring mangyari!"
Hindi na nag aksaya pa ng oras ang babae at kinuha na niya ang ilang gamit na kaniyang kakailanganin sa paglalakbay papunta sa palasyo.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nang bigla nalang itong sumabog.
Nakagawa siya ng protection spell para hindi sila matamaan ng kaniyang asawa.
"Anong ginagawa niyo dito!?" Galit na sabi ng babae sa kung sino man ang gumawa ng pagsabog.
"Ganiyan ba ang paraan niyo ng pagbati at pagtanggap sa isang bisita?" Mahinahon at may halong pang aasar ng boses sa likod ng mga usok.
Unti-unting naglaho ang mga usok kasabay ng paglitaw ng imahe ng isang lalaking nababalutan ng kulay abong roba.
"Anong kailangan niyo samin!?" Sigaw ng matandang lalaki habang hawak ang isang espada.
"Alam naming nakita mo na ang propesiya, kailangan mo nang mamaalam sa mundong ibabaw!" Sigaw ng lalaking nakaroba kasabay ng pagpapakawala niya ng berdeng liwanag papunta sa matandang mag-asawa.
Sigaw lamang ang maririnig sa lugar. Sigaw ng paghihinagpis at sakit. Kasabay ng isang tawa. Tawa ng isang sakim at mapang abuso sa kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...