PRIMO'S POV
"Papa! Gising na po!" Paggising sa akin ng kung sino mang makulit na nilalang na may maliit at cute na boses.
"Natutulog pa ko, mamaya na!" Inaantok kong wika dito.
"Papa Pwimo! Dali na gising na ikaw! Aalis pa po tayo!" Muling pag alog nito sa akin.
Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang batang batang babae na may malulusog na mga pisngi.
"Ayan! Gising na papa Pwimo ko! Magandang umaga po!" Masayang pagbati niya sa akin.
"Magandang umaga din sa'yo, Marico! Ang aga mo namang mag gising bata ka?" Tanong ko sa tatlong taong gulang na si Marico.
"Diba alis po tayo? Punta po tayo sa Kweya? (Creia)" Bulol na wika nito.
Hays! Kung ganito ba naman ka cute ang sasalubong sa akin tuwing umaga'y buo na agad ang araw ko! Pero mas maganda sana kung isa siya sa mga bubungad sa umaga ko.
"Papa Pwimo? Ayos lang po ikaw?" Tanong nito sa akin. Napansin ata niyang nakatulala ako.
Napabalik naman ako sa wisyo nang kalabitin ng mataba niyang hintuturo ang ilong ko.
"Ah, oo naman! Dali na't susunod ako sa'yo sa baba. Nasan ba ang mama mo?" Tanong ko dito.
Bumaba naman siya sa higaan ko at nakita ko pang tumatalbog ang mga bilbil nito sa katawan.
"Andun po sa baba, naluluto po ng almusal." Sagot nito.
"Sige na, maghanda ka na din ng nga dadalhin mo. Susunod nalang ako ha?" Nakangiti kong wika dito at bahagyang pinisil ang pisngi niya.
Tumango naman ito bago lumabas ng aking silid.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at inayos ang aking pinagtulugan. Nag inat-inat bago binuksan at pinagmasdan ang mga taong abalang naglalagay ng mga palamuti at disenyo sa kani-kanilang mga tahanan.
Matagal na panahon na rin pala ang lumipas magmula nang mangyari ang digmaan para sa kapayapaan sa Armedeia. Pitong taon kung bibilangin.
Sa loob ng pitong taong iyon ay dito na ko nanirahan sa La Cierda. Ngayong araw din ipagdiriwang ang ika-pitong taong anibersayo ng kapayapaan dito sa buong Armedeia. Bukod kasi sa Pista ng La Cierda ay inaabangan din ito ng lahat ang anibersayo ng pagkakaroon ng kapayapaan hindi lang dito sa La Cierda kundi maging sa buong Armedeia.
Sa loob din ng pitong taong iyon ay iisang tao lamang ang hinahanap-hanap ko.
"Pitong taon ka nang wala, Yuan. Miss na miss na miss na kita. Miss ka na namin! May pamangkin ka na dito! Dalaw ka naman kahit isang beses lang o!" Sambit ko sa hangin na tila ba naririnig ako ng taong pinagsasabihan ko.
Matapos kong maligo at ihanda ang mga gamit na dadalhin namin patungong Creia ay bumaba na ako.
Bukod sa selebrasyong ginagawa ng bawat bayan taon-taon ay sinabihan kami ng Hari at Reyna ng Creia na doon sa kanila ipagdiwang ang anibersayo ng kapayaan. Pamilya na rin daw kasi ang turing nila sa amin lalo pa't kaibigan kami ng kanilang namayapang bayaning anak. Syempre, hari at reyna na yung nag imbita sa amin. Matatanggihan pa ba namim iyon?
"Magandang umaga!" Bati ko sa mga nasa baba.
"Maganda umaga rin kuya! Mukhang maganda ang gising mo ah?" Pang aasar na sabi sa akin ni Luna.
"Syempre! Si Marico ang gumising sa akin e!" Natatawa ko namang balik sa kaniya at dumiretso na sa kusina.
"Magandang umaga!" Bati ko kay Marina sabay beso sa kaniyang pisngi.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...