Yuan's POV
"Master, halika na't nakahanda na ang tanghalian." Aya sa akin ni Marco pagkapasok niya sa silid kung nasan ako.
Nasa isang maliit na silid aklatan kasi ako sa loob ng tahanan ni Ginoong Somali.
"Sige, salamat. Susunod nalang ako." Nakangiti kong sabi sakaniya at tsaka ibinalik sa shelf yung librong binabasa ko.
Pero hindi umalis si Marco, inantay niya pa talaga ako.
"Diba ilang beses ko nang sinabi sa'yo na wag mo na akong tawaging master, Yuan nalang kasi." Sabi ko sakaniya habang naglalakad kami palabas ng aklatan.
"At ilang beses ko na rin bang sasabihin sa'yo MASTER Yuan na hindi yun maaari. Master kita at wala nang makakapagpabago doon! Sa isip, sa puso, at sa salita!" Proud niya namang sabi sakin. Idiniin niya pa talaga yung salitang 'master' ah?
Isang baliw na naman po ang nadagdag sa aming grupo. Hays!
Nakarating na kami sa kainan at kami nalang pala ang hinintay kaya naupo nalang ako agad sa tabi ni Luna.
Sa loob kasi ng halos limang araw naming pananatili dito kay Ginoong Somali ay wala pa rin kaming pagsasanay na ginagawa mabuti nalang at nabanggit ni Ginoong Somali na may silid aklatan siya dito sa bahay niya, kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumunta roon at magbasa basa habang hindi pa niya kami sinasanay.
Yung iba ko namang kasama ay hindi ko alam ang pinagkakaabalahan. Masaya naman kami sa pananatili namin dito, kagaya ng pakiramdam ko noong nasa La Cierda pa kami ni Marina ay pakiramdam ko sobrang ligtas kami dito dahil may kasama kaming malakas na cursed.
At sa loob ng limang araw na yon ay madalas pa rin ang pagtawag sakin ni Marco ng Master gayun din ang pagsunod sa mga utos ko. Ewan ko ba sa lalaking 'yan!
Si Primo naman napapansin kong panay ang tingin sakin kapag kinukulit ako ni Marco. Tapos mukha pa siya laging aburido, pero kapag nawawala naman si Marco tsaka siya lalapit sakin at mangangamusta. Kasalanan talaga 'tong lahat ni Marina e, bukod ata sa pagiging Banshee niya ay may isa pa siyang kapangyahiran... ang manghawa ng kabaliwan. Hays!
Si Luna at Marina naman ang laging magkasama at kagaya ng sabi ko, ang lakas manghawa ng kabaliwan ni Marina. Natuto nang mang asar si Luna, napaka talaga!
"Ehem!" Biglang pag ubo ni Ginoong Somali para mapunta ang atensyon namin sakaniya.
"May problema po ba guro?" Tanong naman ni Marina.
"Maghanda kayo pagtapos nating kumain at ngayong araw ko sisimulan ang pagsasanay ko sainyo." Kaswal na sabi niya ng hindi nakatingin samin habang sumusubo ng pagkain.
Napangiti naman ako sa sinabi niya ganun din ang mga kasama ko.
"Talaga po!? Aaack! Nakakaexcite naman, diba Yuan!?" Maligalig na sabi ni Marina sabay baling sakin.
Tinanguan ko nalang siya dahil puno ng kanin ang bibig ko.
Pagkatapos nga naming kumain ay agad din kaming naghanda ng aming sarili. Ang sabi kasi ni Ginoong Somali ay kaming lima daw lahat ang magsasanay ngayon.
"Ano kayang klase ng pagsasanay ang gagawin natin no?" Tanong ni Marco habang nagpapalit ng damit.
"Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay mahihirapan tayo." Sagot naman ni Primo.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na kami at tinipon ni Ginoong Somali sa harap ng isang pinto. Isa ito sa tatlong bakanteng kwarto dito sa bahay niya.
Nakahilera lang kami habang nasa harapan namin siya. Si Marco, ako, Primo, Luna at Marina.
"Handa na kayo?" Tanong naman ni Ginoong Somali na nakingiti.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...