CHAPTER 29: THE BEGINNING OF AN END ( PART II )

2.1K 158 8
                                    

PRIMO'S POV

"Yuan." Bulong ko sa hangin nang makita ang kaisa-isang nilalang na iniibig ko ngunit isang malakas na suntok ang nagpagising sa aking pagpapantasya.

Tumilapon ng bahagya ang katawan ko sa di kalayuan nang dahil sa suntok na iyon. Tinulungan naman akong tumayo agad ni Marco, na bumalik sa normal na anyo nito mula sa pagiging isang oso.

"Primo, mag focus ka nga! Ako man ay natutuwang gising na si Master pero kailangan pa rin nating mag doble ingat lalo pa't parang hindi napapagod 'tong kalabanan natin!" Pagsaway ni Marco sa akin.

Ibinalik ko naman agad ang aking atensyon sa bangkay ng cursed na kalaban namin. Na ngayon ay nagkakaroon ng malalaki at maraming galamay ng pugita na pumalit sa mga paa niya.

"P-Pasensya na, nagalak lamang akong muling makita si Yuan." Paghingi ko ng pasensya.

Masaya lamang akong nagkamalay na ang taong mahal ko. Kahit na nahahapo at pagod na pagod sa pakikipaglaban at pagproteka sa kaniya ay tila ba nawala ang lahat ng iyon nang makita ko siyang maayos at may malay na.

Gusto ko na siyang yakapin.

Gusto ko na siyang hagkan, ngunit hindi pa ito ang tamang oras. Hindi pa natatapos ang kaguluhang ito sapagakat nag uumpisa pa lamang ang digmaan.

"Primo!" Pagtawag ni Marco sa aking atensyon.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nararamdaman mo ba iyon?" Takang tanong nito habang pinapakiramdaman ang sariling katawan.

Kagaya ng kaniyang ginagawa ay pinakiramdaman ko rin ang aking sarili.

Mainit ngunit hindi nakakapaso.

Mainit ngunit masarap sa pakiramdam.

Tila ba nawala ang lahat ng pagod at sakit ng katawang natamo ko kanina lamang.

"Primo, tignan mo!" Muling pagtawag sa akin ni Marco ngunit sa pagkakataong ito ay nakaturo na siya sa itaas ng palasyo kung nasaan si Yuan.

Nilingon kong muli ito at nakitang nakataas ang isang kamay ni Yuan sa kalangitan at nagliliwanag ito ng matingkad na kulay gintong liwanag.

Nagtama naman ang aming mga paningin. Alam ko iyon, kahit na malayo ang aming distansya sa isa't isa ay alam kong sakin siya nakatingin.

Napangiti ako.

Isang matamis na ngiti naman ang isinukli niya sa akin.

Ngiting matagal kong hindi nakita.

Ngiting nagpapangiti rin sa akin sa tuwing aking nasisilayan.

"Binigyan niya tayo ng lakas." Bigla ko nalang nasambit.

"Ha? Anong sinasabi mo diyan?" Takang tanong ni Marco.

"Tanga, sabi ko kay Yuan galing yung init nararamdaman natin. Binibigyan niya tayo ng lakas." Sambit ko kay Marco.

"Hoy! Alam mo, lumayo layo ka na kay Marina. Nahahawa ka na sa pananalita niya." Simangot ni Marco.

"Sa'yo kaya ako lagi nagsasasama." Balik ko sakaniya.

"Nasisi pa ako a? Tsaka ibang init yata yang nararamdaman mo para kay Master e." Natatawang pang aalaska sa akin ni Marco.

Sasagot na sana ako nang makitang aamba na namang muli ng isang suntok kay Marco ang bangkay na kalaban namin.

"Marco, ilag!" Sigaw ko at itinulak ko siya sa kasalungat na direksyon.

Mabuti na lamang at nakita ko kaagad ang bangkay na iyon kundi tulog 'tong si Marco.

"O, patas na tayo a?" Sambit ni Marco.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon