Yuan's POV
Pagtapos naming mapagkasunduan ni Marina na pumunta sa lugar kung nasaan si Ginoong Somali ay tumayo na kami at naghanap ng tindahan na maaari naming kainan. Gabi na rin kasi at ayaw na rin daw niyang magluto pa kami sa bahay.
Napunta kami sa isang karinderya dito sa may Parke, masasarap ang mga nakahain dito at pasok din sa bulsa dahil napaka mura ng mga pagkain.
Pagkatapos naming bumili ay umupo na kami sa pangdalawahang lamesa't upuan sa loob ng karinderya.
Masasaya ang mga tao, tila ba kampante sila na walang panganib na dadating. Di ko sila masisisi dahil ganun din naman ang naramdaman ko.
Pakiramdam ng ligtas at kampante.
"Bilisan mong kumain diyan dahil mas maganda ang finale ng pista ngayong gabi! Balita ko daw ay magkakaroon ng kasiyahan doon at magpapalabas sila ng makukulay na mga paputok sa langit sa may plaza!" biglang sabi sakin ni Marina habang ngumunguya ng pagkain.
Binilisan nalang namin ang pagkain at dumiretso na kami sa may plaza hindi kalayuan sa may parke.
Marami rami na ring mga tao at naririnig ko na ding malapit na raw magsimula ang selebrasyon.
Maya maya pa ay may umakyat na lalaki sa stage na naka setup sa bandang gitna ng plaza. Dumarami na talaga ang mga tao at nagkakasiksikan na rin.
"Magandang gabi mga mamamayan ng La Cierda!!" Sigaw ng lalaking host kasabay ng pagsigaw rin ng mga tao sa paligid.
"Oh bakit di ka makisabay sa sigawan nila?" Tanong ko kay Marina na nasa tabi ko lang.
"Nag iisip ka ba? Alam mo namang Banshee ako. Mamaya pag sumigaw ako edi tumilapon lahat ng nasa harapan natin." Sabi niya sabay irap.
Lah? Lagi niya nga akong sinisigawan e. Tsk!
Pero imbis na mainis ay napatawa nalang ako sa sinabi niya. Tama naman yung sinabi niya, baka magsitalsikan yung mga tao kapag sumigaw siya. Hahaha!
"Ngayong gabi ay matutunghayan natin ang huling surpresa ng ating pagdiriwang para sa pagkakaroon ng isa na namang taon ng kapayapaan sa ating bayan. Sabayan niyo ko sa pagbibilang!!" Sigaw ulit nung lalaki sa stage.
"10!!!"
"9!!!"
"8!!!"
"7!!!"
Bakit parang may kakaiba, parang may hindi tama? Dapat naeexcite ako pero bakit parang natatakot at kinakabahan ako.
Hindi na ko nagsalita pa at hinila ko na agad palayo si Marina sa plaza.
"Huy Yuan! Ano ba? Parang gaga 'to! San mo ko dadalhin wag ngayon di pa ko ready!!!" Sigaw niya. Sira ulo talaga!
"Tangeks! Di kita pagsasamantalahan no!!" Sigaw ko pabalik sakaniya.
"3!!"
"2!!"
"1!!!"
Pero imbis na fireworks ang lumabas at gumulat sa lahat ay unti-unting lumabas ang hukbo ng mga crawlers sa likod ng stage.
Tama ako ng hinala, may hindi magandang mangyayari.
Nagsitakbuhan ang nga tao palayo sa plaza upang makahanap ng ligtas na lugar.
Ang ilang mga cursed naman ay hinaharap ang ilang pasugod na mga crawlers.
Nagmistulang gabi ng lagim ang gabi para sa mga taga La Cierda.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...