CHAPTER 3: DANGER AWAITS

3.6K 250 14
                                    

Yuan's POV

Dahan dahan akong lumabas sa bintana ng aking silid. Dito ako dumaan para hindi mapansin ni nay Amylia na umalis na ko. Inantay ko muna siyang makatulog at magmadaling araw bago ako umalis.

Para akong magnanakaw na dahan dahan ang pagkilos para lang hindi mahuli. Maingat akong humahakbang dahil kaunting tunog lang ay maririnig na iyon ni nay Amylia. Likas kasi saming mga cursed ang pagkakaroon ng malalakas at sensitibong mga pandama.

Mabigat man sa loob kong iwan at hindi magpaalam sakaniya ay buo na ang disisyon kong umalis at humanap ng sagot sa mga katanungan ko.

Nais ko ding malaman kung bakit hindi pa lumalabas ang cursed ko. Nagtataka kasi talaga ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito, kahit na bakas man lang ay wala.

Sa loob ng labing pitong taon kong pamamalagi sa bahay namin ay ngayon lang ako nakalayo ng ganito. Hindi ako pamilyar sa mga lugar ng Armedeia. Hindi ko rin kilala ang mga hari at reyna nito. Dahil sa tuwing hihingi ako ng libro kay nay Amylia ay wala siyang maibigay. Wala rin akong makitang mapa sa bahay namin. Siguro ay ganun talaga sapagkat nasa liblib kaming lugar kaya limitado lang din ang mga babasahing meron kami sa bahay.

Napatakip nalang ako sa mukha ko nang biglang humangin ng malakas. Napuwing pa ako. Agad din namang nawala ang sakit ng mata ko dulot ng pagkapuwing tsaka ko ibinaba ang buhok ko sa bandang noo ko.

Meron kasi akong maliliit na pares ng sungay sa bandang itaas ng noo ko na maaaring takpan at tabunan ng buhok ko.

May bigla akong naalala...

---

"Nay Amylia, ano pong mangyayari kapag nakita ng mga tao ang mga sungay ko?" Tanong ng sampung taong gulang na ako.

"Kapag nakita nila yan ay maaari ka nilang hulihin at isuko sa Enclave. Mukha ka man nilang kawangis nila pero kapag nalaman nilang may sungay ka dulot ng pagiging cursed mo ay likas na sakanila ang matakot at magalit sa uri natin." Mahabang paliwang sakin ni nay Amylia habang inaayos ang buhok ko.

"Hindi mo rin maaaring ipakita ang mga yan sa iba kahit na isa rin silang cursed." Pagtutuloy niya.

"Bakit naman po?" Taka kong tanong.

"Dahil baka masamang cursed ang makasalamuha mo at pagtangkaan ka. Mabuti na yung nag iingat, Yuan."

---

"Hindi 'to maaaring makita ng kung sino dahil malalaman nilang isa akong cursed." bulong ko sa sarili ko.

Tsaka ako kumuha ng pulang panyo at itinali iyon sa noo ko kung saan naroon ang mga sungay ko.

Isa iyon sa mga tanda na isa akong cursed. Maswerte pa nga ako kung tutuusin dahil may ibang mga cursed na talagang nag iiba ang wangis matapos makakuha ng sumpa galing sa mga crawlers.

Merong cursed na nagiging kalahating kambing, yung iba ay sobrang layo talaga ng nagiging itsura nila sa dati nilang mga anyo.

Buti pa nga yung mga Gifted e, noong nagpaulan ng kagandahan si Silaw ay sinalo nilang lahat dahil base sa nabasa ko ay wala sakanila ang kagaya naming mga cursed na nagbabago ang wangis.

Di ko naman sinasabing pangit lahat ng mga kagaya ko, may itsura rin kaya ako! Sabi ni nay Amylia ay gwapo daw ako!

Tsaka may mga cursed na hindi mo makikitaan ng bakas ng pagiging isinumpa. Kagaya ni nay Amylia, walang bakas ng pagiging cursed sakaniya. Hindi naman talaga sumpa ang pagiging cursed, tinawag lang na sumpa yun dahil mula sa pagiging isang normal na communis ay magkakaroon ka ng kapangyarihan galing sa mga halimaw.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon