Yuan's POV
"Wow!" Wala na kong ibang masabi kung hindi iyan.
Pano ba naman, wala pa kami mismo sa bayang pupuntahan namin pero tanaw na siya dito sa pwesto namin.
Isa iyong bayan na ang mga bahay ay may iba't ibang klase ng kulay. Para bang may kasiyahan ding nagaganap sa lugar na 'yon dahil kita rin dito ang mga palamuting nakasdisenyo sa mga bintana ng bahay.
"Oh, hanggang dito nalang ah? Una na ko pogi!" Biglang sabat ni Marina sa pagtanaw ko sa maganda tanawin.
"Ano? Iiwan mo ko dito? Sasama nga ako sayo diba?" Gulat kong tanong sakaniya.
" Hoy, mister Yuan ang sabi mo samahan kita hanggang sa labasan ng gubat! Hindi ko alam na gusto mo pala mag paampon sakin!" Bulyaw ni Marina sakin.
"Hehe! Dali na, tutulong ako sa mga gawin mo sa bahay, pangako. Tsaka di ka ba naaawa sakin, ni hindi ko nga alam kung anong cursed ko tapos papabayaan mo lang ako? Pano kung mapahamak ako edi kargo de konsensya mo na---" di pa ko tapos sa paglalambing sakaniya nang magsalita siya ulit.
"OO NA!! OO NA!!!" Gigil niyang sabi sakin tsaka nagpatuloy sa paglalakad at inunahan na ko. Sumunod nalang ako sakaniyan.
'yes!' sabi ko nalang sa sarili ko.
---
Nandito na kami sa mismong bayan at habang naglalakad kami ay mas lalo akong namamangha sa mga bahay dito. Nakikita ko na kasi nang malapitan ang mga disensyong nalakagay sa kani-kanilang mga bintana. At tama nga ako dahil ngayon daw ang unang araw ng pista sa bayang ito.
"Marina, anong meron? Para saan yung pistang gaganapin dito?" Tanong ko kay marina habang naglalakad kami sa kalsadang gawa sa bricks.
"Pista ito para sa ika isang daang taong pagtatayo sa bayang ito. Kung mapapansin mo ay masaya at bukal sa kaloobang naninirahan ng magkasama sa iisang bayan ang mga Communis at ang ilang mga cursed kagaya ko dito. Balita ko pa nga ay iisa lamang ang bayang ganito dito sa Armedeia na namumuhay ng magkasama ang mga communis at ang mga cursed nang hindi takot sa isa't isa." Mahabang paliwanag niya.
Tama nga siya, kanina ay nabahala ako nang makitang may mga communis na naninirahan dito. Nagtaka din ako dahil dito siya nakatira mismo sa sentro ng bayan.
"Nakalimutan kong sabihin, MALIGAYANG PAGDATING SA BAYAN NG LA CIERDA!" biglang sabi ni Marina sakin ng nakangiti.
La Cierda pala ang pangalan ng bayang 'to. Mas lalo akong ginanahan sa paglalakbay na ginagawa ko dahil sa mga nakikita ko dito.
Nakasunod lang ako kay Marina nang tumigil siya sa harap ng isang bahay na may dalawang palapag.
Ang ganda rin nito na hindi nalalayo sa disensyo ng mga katabing bahay.
"Ito na ang bahay mo?" Manghang tanong ko sakaniya.
"HINDI!" Sabi niya sabay palo sa braso ko nang humahalahak.
"E bakit tayo tumigil dito!?" Reklamo ko sakaniya.
"Bakit? Masama bang magpahinga saglit!?" Mataray niya balik sakin.
Nawala tuloy yung sayang nararamdaman ko. Pasalamat 'tong babaeng 'to at sakaniya ako makikitira pansamantala kung hindi nabatukan ko na 'to e.
Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at tumigil na naman siya sa isang bahay.
Kung titignan ay simpleng bahay lang ito pero kagaya ng ibang bahay dito ay makulay din ang labas ng bahay.
Hindi kagaya nung bahay na pinanloko niya sakin kanina ay wala itong ikalawang palapag.
"Wag mong sabihing di mo pa rin bahay 'to?" Tanong ko sakaniya pero di niya ko sinagot at naglakad lang siya papunta sa pinto ng bahay.
Sigurado na akong ito ang bahay niya dahil dumiretso na siya sa pinto nito at pinihit ang hawakan. Sumunod naman ako sakaniya pagkapasok niya.
Nang makapasok na kami sa loob ay muli na naman akong namangha.
Kung anong ikinaganda nito sa labas ay ganoon naman ang higit na ikinaganda nito sa loob.
Bumungad samin ang isang sala na may magagandang muwebles. At ang akala kong wala siyang pangalawang palapag ay nagkakamali ako dahil hindi man kita sa labas ay meron. May hagdan paakyat at may dalawang kawarto sa itaas.
Bungalow style yung bahay ni Marina kung titignan sa labas pero nagawan ng paraan sa loob upang magkaroon ng pangalawang palapag. Mataas kasi ang ceiling dito kaya may pangalawang palapag.
As in, wow!
Naupo nalang si marina sa sofa sa sala niya na parang bang pagod na pagod siya sa buong araw. Samantalang ako ay nawala ang pagod dahil sa gandang dulot ng lugar na ito.
"Oh ano pang tinutunga-tunganga mo diyan?" Tanong niya bigla.
"Sigurado ka bang bahay mo 'to?" May pang aasar kong tanong sakaniya.
"Hoy, Yuan! Bakit mo naman nasabing hindi aber?!" Inis niyang sabi at kagaya ng lagi niyang ginagawa ay inirapan na naman niya ko.
"Wala lang, parang ang layo kasi sa itsura mo na dito ka nakatira." Natatawa kong sabi sakaniya.
Pinandilatan nalang niya ako ng mata.
"Alam mo, pasmado din yang bibig mo no? Yung kwarto mo ay yung nasa kanang bahagi sa itaas. Pasalamat ka at may extra pa kong kwarto dito kung hindi ay sa banyo kita papatuluyin. Umakyat ka na at naiinis ako sa mukha mo, tulungan mo ko maghanda ng hapunan mamaya ah!?" Gigil niyang sabi sakin.
Di ko na siya sinagot pa at agad na akong umakyat sa sinasabi niyang kwarto at namangha na naman ako, opo!
Di ko na ilalarawan basta maganda.
Nahiga na ko sa higaang naroon at tila ba hinila ako bigla ng antok. Sobrang lambot ng higaan na 'to at hindi ko na namalayang nakatulog na ko.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...